MOTORCYCLE RIDER PATAY SA COUNTERFLOW SA SKYWAY

PATAY ang isang motorcycle rider matapos tangkaing mag-counterflow sa bahagi ng Balintawak Skyway Stage 3 sa Quezon City noong Linggo ng umaga.

Ayon sa pahayag ng Skyway management, pumasok ang isang motorcycle rider mula sa A. Bonifacio Avenue sa northbound off ramp patungo sa North Luzon Expressway.

Sinubukan umano ng kanilang mga tauhan na pigilan ang rider na magpatuloy ngunit masyadong mabilis ang takbo ng motorsiklo sa 80 kilometro bawat oras. Ang pinakamataas na bilis sa Skyway Stage 3 ay 60 kph.

Ayon pa sa ulat, tumilapon ang rider ng 150cc motorcycle mula sa kanyang sasakyan matapos itong bumangga sa isang Asian Utility Vehicle (AUV) dakong alas-6:12 ng umaga.

Isinugod ang biktima sa ospital ngunit namatay pagkalipas ng 12-oras.

Sinabi ni Police Capt. Jun Cornelio Estrellan, hepe ng Highway Patrol Group-SLEX-Sub-Office, ang rider ay walang suot na helmet at wala ring driver’s license.

Sugatan din ang AUV driver at sa kabila ng pagkakaroon ng right of way, nahaharap din ito sa reklamo mula sa HPG sa Quezon City Prosecutor’s Office.

(PAOLO SANTOS)

53

Related posts

Leave a Comment