RIDER PATAY SA AMBUSH NG NAKA-KOTSENG ARMADO

QUEZON – Dead on the spot ang isang lalaking sakay ng motorsiklo matapos pagbabarilin ng mga suspek na nakasakay sa isang kotse sa bayan ng Infanta sa lalawigan noong Miyerkoles ng umaga.

Ayon sa report ng Infanta Police, nangyari ng insidente sa national highway sa Brgy. Pilaway, mag-aalas-7:00 ng umaga.

Batay sa imbestigasyon, galing sa kanyang bahay ang biktimang si Manuelito Batawan Junio, 41, at patungo sa Infanta town proper habang sakay ng motorsiklo, nang buntutan ng itim na kotse ng mga suspek.

Nang makatiyempo, sinabayan ng kotse ang motorsiklo at saka pinagbabaril ang biktima.

Tinamaan ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan na agad nitong ikinamatay.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek at tinahak ang direksyon patungo sa bayan ng Real.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad at inaalam ang motibo sa krimen.

(NILOU DEL CARMEN)

36

Related posts

Leave a Comment