RIDER PATAY SA SALPUKAN NG MOTOR, BUS

patay

HINDI nagawa pang isinugod sa pinakamalapit na pagamutan ang isang 37-anyos na rider makaraang magsalpukan ang minamanehong motorsiklo at isang Carousel bus sa Quezon City, Linggo ng gabi.

Kinilala ang biktima sa pangalang Fernando Bullo Baltazar Jr., ng Binondo, Maynila.

Agad namang naaresto ang driver ng Carousel bus na si Ramil Valdez De Guzman, 48 anyos at nakatira sa Pines Village Subdivision, Barangay San Isidro, bayan ng Taytay sa lalawigan ng Rizal.

Sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD) Traffic Sector 1, bandang 9:30 ng gabi nang maganap ang aksidente sa may kahabaan ng EDSA Southbound Carousel Bus Line sa harapan ng Trinoma, sa Brgy. Philam, Quezon City.

Sa imbestigasyon ni PCMS Edward Rimand ng QCPD Traffic Sector 1, binabaybay ng biktima sakay ng Honda motorcycle ang kahabaan ng southbound lane sa galing Munoz patungong Cubao. Ngunit pagsapit sa Carousel Bus Line sa harapan ng Trinoma, nakasagian ng Volvo City Bus (CAS-588) na minamaneho ni De Guzman ang biktimang lulan ng kanyang motorsiklo.

Pagbagak ng rider, unang tumama ang ulo sa sementandong kalye, dahilan ng kanyang kagyat na kamatayan.

Inihahanda na ang kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide laban sa Carousel bus driver na ngayon ay nakakulong na. (LILY REYES)

61

Related posts

Leave a Comment