Sa umano’y ‘new model’ ng pagkilos sa Ayungin CHINA NAHIHIBANG – AFP

GALIT na pinabulaanan ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro Jr., ang umano’y pakikiisa ng kagawaran sa China hinggil sa pagbuo ng kasunduan para sa “new model” o bagong porma ng pagkilos sa Ayungin Shoal.

Kasunod ito ng inilabas na pahayag ng Chinese Embassy sa Maynila hinggil sa umano’y pakikibahagi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Command (WESCOM) sa nasabing kasunduan na aprubado rin umano ng gobyerno ng Pilipinas.

“This charade must stop!” “Im issuing this statement to generate awareness of this clear attempt by China to advance another falsehood in order to divide our people and distract us from their unlawful presence and actions in our Exclusive Economic Zone,” ani Sec. Teodoro sa inilabas nitong statement.

Ayon sa kalihim, malinaw na pakana lamang ito ng China upang magpakalat muli ng maling impormasyon at ilayo ang atensyon ng publiko sa ginagawa nitong panggigipit sa West Philippine Sea na parte ng teritoryo ng bansa.

“I reiterate that I have disallowed any contact between the DND and the Chinese embassy since the courtesy call of Ambassador Huang Xilian, a few days after I assumed office in July of last year. During the said courtesy call, there was no discussion or briefing on any ‘gentleman’s agreement’ or ‘new model’, which is contrary to the Chinese embassy’s pronouncements.

Kaugnay nito, muling nagpaalala ang kalihim sa publiko, media at international community na huwag magpaloko sa ginagawang manipulasyon ng China.

(JESSE KABEL RUIZ)

33

Related posts

Leave a Comment