SALVADORAN HULI SA P16.5-M COCAINE

KAAKIBAT ng ginagawang pagpapalakas ng kampanya kontra pagpupuslit ng ilegal na droga ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Bureau of Customs at Ninoy Aquino International Airport-Inter-Agency Drug Interdiction Task group, isang mamamayan ng El Salvador ang nadakip nang mahulihan ng P16.5 million halaga ng cocaine.

Kamakalawa, tinangkang ipuslit ng Salvadoran ang mahigit tatlong kilo ng hinihinalang cocaine sa NAIA Terminal 3 sa Pasay City.

Inihalo umano ng lalaking suspek ang 9 sachet ng hinihinalang cocaine sa ilang pirasong damit sa kanyang hand carry baggage subalit nadiskubre ito nang isalang sa X-ray ng Arrival Operation Division ng BOC sa Terminal 3. (JESSE KABEL RUIZ)

102

Related posts

Leave a Comment