SENIOR, 2 PA BINUGBOG NG MGA LASING

CAVITE – Sugatan ang tatlo katao, kabilang ang isang senior citizen nang gulpihin ng tatlong lasing na kalalakihan na lumusob sa kanilang lugar sa Dasmariñas City noong Lunes ng gabi.

Nilalapatan ng lunas sa Pagamutan ng Dasmariñas ang mga biktimang sina alyas “Billy”, 40, isang painter; alyas “Mulong”, 38, tricycle driver, at alyas “Librado”, 66, mga residente ng Brgy. Burol 3, Dasmarinas City.

Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek na si alyas “Totoy”, 27, mekaniko, at alyas “Bokbok”, 29, maintenance crew, kapwa residente ng Brgy. Burol 3, Dasmariñas City.

Ayon sa ulat, dakong alas-9:30 ng gabi nang mangyari ang insidente sa Brgy. Burol 3, Dasmariñas City.

Habang nag-iinuman ang tatlo nang dumating ang mga suspek na pawang mga lasing din at walang sabi-sabing pinagtulungang gulpihin ang mga biktima.

Matapos ang insidente ay umuwi ang mga suspek habang ang mga biktima ay isinugod sa ospital dahil sa sugat sa katawan at ulo.

Nagsagawa naman ng follow-up operation ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.

(SIGFRED ADSUARA)

54

Related posts

Leave a Comment