SOKOR MAN NA WANTED SA TELCO FRAUD PINALAYAS

ISANG South Korean national na wanted ng mga awtoridad sa kanilang bansa, ang nakatakdang ipa-deport ng Bureau of Immigration (BI) sa Seoul dahil sa pagkakasangkot sa telecommunications fraud.

Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang South Korean man na si Kwon Hyuckkeun, 41, inaresto sa kanyang bahay sa Quezon City ng mga operatiba ng BI’s Fugitive Search Unit (FSU).

“He will thus be deported as soon as we have secured the necessary clearances for his departure. His name was already include in our blacklist, hence he is barred from re-entering the Philippines,” ayon kay Tansingco.

Base sa datos, si Kwon ay overstaying na simula nang dumating sa Pilipinas noong Nobyembre 26, 2018 o mahigit ng limang taon.

Sinabi ni Rendel Ryan Sy, BI-FSU acting chief, si Kwon ay mayroong outstanding warrant of arrest na inisyu ng Seobu Branch ng Daegu District Court sa Korea, kung saan kinasuhan siya ng fraud.

Ayon kay Sy, si Kwon at kakutsaba nito ay nag-operate ng isang sindikato ng voice phishing upang makapanloko ng kanilang kababayan na nag-alok ng mababang interest sa loan kapalit ng mga impormasyon sa kanilang credit cards, kung saan nagkamal ng mahigit 12 milyon won, o US$9,000 sa kanilang raket.

(JOCELYN DOMENDEN)

54

Related posts

Leave a Comment