SOLO PARENTS ACT IPARE-REVIEW NG ACT-CIS SA KONGRESO

DAHIL may probisyon na hindi natutugunan, nais ng Anti-Crime And Terrorism, Community Involvement ang Support (ACT- CIS) Party-list na rebyuhin muli ang Solo Parents Act, na naging batas ilang buwan pa lang ang nakararaan.

Ayon kay ACT-CIS 3rd Nominee Cong. Erwin Tulfo, “Ang buwanang ayuda na P1,000 para sa mga solo parent na nakasaad sa nasabing batas ay hindi naibibigay.”

Paliwanag ni Cong. Tulfo, “base sa batas, ang local government unit, kung saan nakarehistro ang single mom o solo parent, ang magbibigay ng nasabing cash assistance”.

Ani Tulfo, ang problema kung nasa 4th, 5th, o 6th class municipality raw nakatira ang solo parent, kadalasan ay wala itong natatanggap dahil walang pera ang LGU na nakalaan para sa single parent.

Sang-ayon naman si ACT-CIS 1st Nominee Cong. Edvic Yap sabay sabi, “hindi kasi malinaw ang batas dahil hindi inoobliga ang LGU na maglaan ng pondo para sa kanila”.

“And if wala talagang pondo ang munisipyo, pwede bang humingi ng budget sa national government para maibigay ang ayuda sa solo parent?” tanong naman ni ACT-CIS 2nd Nominee Jocelyn Tulfo.

“Gaano man kaliit ang buwanang cash ayuda para sa solo parents natin, I believe makakatulong ito sa kanilang gastusin,” pahabol ni Tulfo.

118

Related posts

Leave a Comment