TAGUIG MUSIC FESTIVAL UMARANGKADA

INILUNSAD ang Taguig Music Festival 2024 sa Lakeshore TLC Concert Grounds sa Lower Bicutan, lungsod ng Taguig na pinangunahan ni Mayor Lani Cayetano bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-437 Foundling Anniversary ng lungsod.

Inihandog ng lungsod ang dalawang araw na concert mula April 26 at 27 na kinapapalooban ng mga kinikilalang OPM Bands at promising talents.

Tiyak na masisiyahan ang mga concertgoers dahil sa live performances ng The Itchyworms Mayonnaise, Brisom, Keiko, Dilaw, Autotelic, Whirlpool Street, No Lore, Ombre, Michael Yths at Diz sa unang araw.

Sa pangalawang araw naman ay ang Sandwich SUD, December Avenue, Arthur Miguel, Gracenote,Jeremy Novela, Hey Junel, Paul Gesi at Natural High.

Tinitiyak ng Taguig Music Festival na hindi makakalimutan ang masayang karanasan sa lahat ng dumalo.

(Danny Bacolod)

52

Related posts

Leave a Comment