TINDERO PATAY SA SUMALPOK NA MOTORSIKLO

QUEZON – Patay ang isang tindero nang sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa isang poste sa Barangay Pury sa bayan ng San Antonio sa lalawigan noong Linggo ng umaga.

Ayon sa report ng San Antonio Police, galing sa pamamalengke ang 56 anyos na si “Anselmo” nang lumagpas ang kanyang motorsiklo sa kurbadang bahagi ng kalsada.

Tuluyang nawalan ng kontrol ang biktima sa manibela at dumiretso ang motorsiklo sa shoulder ng kalsada saka sumalpok sa poste ng kuryente.

Sa lakas ng pagkakabangga, grabeng napinsala ang ulo at katawan ng biktima na agad nitong ikinamatay.

Napag-alaman na walang suot na crash helmet ang biktima nang mangyari ang insidente.

(NILOU DEL CARMEN)

41

Related posts

Leave a Comment