PAGHAHANAP SA 7 TRIPULANTE NG LUMUBOG NA CARGO VESSEL PATULOY

PATULOY ang search-and-rescue operation ng Jomalig Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at Philippine Coast Guard (PCG) para mahanap ang pitong tripulanteng nawawala matapos lumubog ang isang cargo vessel sa karagatan ng Jomalig, Quezon nitong Miyerkules. Ayon sa Quezon Police Provincial Office, agad silang nakipag-ugnayan sa MDRRMO at PCG substation sa Jomalig upang ilunsad ang operasyon matapos makatanggap ng ulat hinggil sa insidente. Batay sa paunang impormasyon, lumubog ang MV AC habang naglalayag mula Jomalig patungong Atimonan bandang alas-3:00 ng madaling araw. May kargang copra ang cargo vessel…

Read More

BAKA MAY PALUSOT NA DROGA: LAHAT NG SHIPMENT MULA LAOS, HAHARANGIN AT SUSURIIN

IPINAG-UTOS ng pamahalaan ang mahigpit na inspeksyon sa lahat ng shipment mula Laos na papasok sa bansa upang matiyak na walang nakatagong ilegal na droga sa mga kargamento. Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla, kailangang masusing suriin ang lahat ng shipment mula Laos, kabilang ang mga magnetic shipment, upang matukoy ang posibleng pagpupuslit ng ilegal na droga. Ito ay kasunod ng pagkakasamsam ng shabu na nagkakahalaga ng ₱1.3 bilyon sa Manila International Container Port sa North Harbor, Maynila. Batay sa imbestigasyon, nagmula sa…

Read More

GUMACA POLICE NAANTIG SA MGA KABATAANG NAGLAKAD PAUWING BICOL MULA LAGUNA

NAANTIG ang mga pulis ng Gumaca Municipal Police Station sa kalagayan ng ilang kabataang naglakad nang ilang araw mula Cabuyao, Laguna patungong Ligao City, Albay matapos mabigo sa paghahanap ng maayos na trabaho. Ayon kay Police Major Marlon Comia, hepe ng Gumaca Municipal Police Station, dalawang buwan nang naghahanapbuhay sa Cabuyao ang mga kabataan ngunit hindi nakakuha ng maayos na trabaho. Dahil naubos ang kanilang kinita, nagpasya silang maglakad pauwi sa kanilang mga magulang sa Bicol. Nang makarating sa Gumaca, Quezon, nakita sila ng mga pulis at agad na inalam…

Read More

KONSEHAL SINAPAK NG ABC PRESIDENT SA SESSION HALL

UMABOT sa pananakit ang sesyon ng Sangguniang Bayan ng Goa, Camarines Sur matapos umanong suntukin ni Association of Barangay Councils (ABC) President Manuel Asor si Councilor Atty. Andy Rivero, 55, habang naghahanda ito sa paghahatid ng kanyang privilege speech noong Nobyembre 3. Ayon sa pulisya, tatlong beses umanong sinuntok ni Asor sa likod ng ulo at isang beses sa pisngi ang konsehal bago minura at pagbantaan. Agad namang tumakas ang suspek matapos ang insidente. May kaugnayan umano ang pananakit sa privilege speech ni Rivero na tumatalakay sa pagbibigay ng special…

Read More

CLEARING OPERATIONS SA MAYNILA, PINALAKAS BAGO ANG ASEAN SUMMIT 2026

PINALAKAS ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang clearing operations sa iba’t ibang bahagi ng lungsod bilang paghahanda sa nalalapit na ASEAN Summit 2026. Pinangunahan ng Task Force Against Road Obstruction ang operasyon sa pamamagitan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB), katuwang ang Department of Environment and Public Services, Department of Engineering and Public Works at MPD SMART. Kabilang sa mga inalis ang mga abandonadong sasakyan, ilegal na paradahan at iba pang sagabal sa mga pampublikong lansangan. Partikular na tinututukan ang mga lugar na pagdarausan ng mga aktibidad kaugnay…

Read More

ISKO SA DAYUHANG INVESTORS: SA MAYNILA, WALANG TAX HIKE

HINIKAYAT ni Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso ang mga American at iba pang dayuhang mamumuhunan na magnegosyo sa Maynila, kasabay ng pangakong walang ipatutupad na taas-buwis sa mga negosyo at mas pasimpleng proseso sa pagkuha ng mga permit. Inihayag ito ng alkalde sa courtesy call ng delegasyon ng American Chamber of Commerce of the Philippines (AmCham Philippines) sa Manila City Hall nitong Huwebes, Nobyembre 5. Ayon kay Domagoso, nakatuon ang kanyang administrasyon sa pagpapanatiling mababa ng gastos sa pagnenegosyo, pagpapasimple ng mga regulasyon at pagbibigay ng maaasahang business environment…

Read More

COMELEC REGISTRATION PARA SA 2028 ELECTIONS, MULING BUBUKSAN SA NOBYEMBRE 10

MULING bubuksan ng Commission on Elections (Comelec) ang voter registration sa buong bansa mula Nobyembre 10, 2026 hanggang Hulyo 30, 2027 bilang paghahanda sa 2028 national at local elections. Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, tatanggap ng mga aplikante mula Martes hanggang Biyernes, alas-8:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi. Magkakaroon din ng registration tuwing Sabado at holidays mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon. Muling ipatutupad ang Register Anywhere Program at Registration Anytime sa mga piling paliparan, ospital, tanggapan ng election officers, satellite registration sites at mga mall.…

Read More

SUPORTA NG AMERIKANO SA CPP-NPA BINUBUSISI NG FBI

IKINALUGOD ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang mga ulat na sinusuri ng mga pederal na awtoridad sa Estados Unidos ang posibleng pagkakasangkot ng ilang mamamayan at organisasyong Amerikano sa pagsuporta sa komunistang insurhensiya sa Pilipinas. Naglabas ng pahayag ang NTF-ELCAC kasunod ng isiniwalat ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) hinggil sa umano’y pagtatanong ng Federal Bureau of Investigation (FBI) sa pamilya ng isang aktibistang Amerikano na nakakulong sa Pilipinas. Ayon sa NDFP, sinabi ni Anakbayan activist Gabe Pasion sa isang press conference…

Read More

PAG-ALIS NG SUB JUDICE RULE SA 3 BINAWING ARTICLES OF IMPEACHMENT TINUTULAN

TUTOL ang defense team ni Vice President Sara Duterte sa pag-alis o pag-waive sa Rule 18 ng Impeachment Rules na nagtatakda ng sub judice sa tatlong Articles of Impeachment na binawi ng prosekusyon. Kinumpirma ni Impeachment Court Spokesman Atty. Reginald Tongol na nagsumite na ng formal manifestation ang defense panel upang ipahayag ang kanilang posisyon sa naturang usapin. Ayon kay Tongol, iginiit ng depensa na hindi nila nais na talikuran ang Rule 18 at hindi rin sila interesado sa trial by publicity. Umapela rin ang defense team sa Impeachment Court…

Read More