TULAK, 2 PARUKYANO KALABOSO SA BUY-BUST

NALAMBAT ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police District – Moriones Police Station 2, ang target ng operasyon, habang dalawa umanong parukyano ang nadamay sa ikinasang buy-bust sa panulukan ng Morga at Juan Luna Streets, sakop ng Barangay 5, Tondo, Manila, noong Sabado ng madaling araw.

Kinilala ang pangunahing suspek na si Nathali Rabino, 48, dalaga, alyas “Ungas”, ng Lungsod ng Caloocan.

Samantala, arestado rin sa operasyon ang dalawang parukyano nitong sina alyas “John Mark”, 23, at “Allan”, 29-anyos.

Base sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Wilson Villaruel, station commander, bandang alas-4:00 ng madaling araw nang ikasa ang buy-bust operation sa naturang lugar na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek.

Nakumpiska sa mga suspek ang 15 gramo ng umano’y shabu na tinatayang P102,000 ang street value.

(RENE CRISOSTOMO)

60

Related posts

Leave a Comment