Vhong Navarro pinaboran ng korte CEDRIC LEE ET AL, PINASUSUKO NG PNP

IMINUNGKAHI kahapon ng pamunuan ng Philippine National Police na mag-voluntary surrender na lamang ang negosyanteng si Cedric Lee at isang pang at large na co-accused nito sa kasong inihain ng actor/tv host na si Vhong Navarro.

Ito ay matapos na katigan ng Taguig Regional Trial Court ang kasong serious illegal detention na isinampa ni Navarro laban kina Cedric Lee at modelong si Deniece Cornejo.

Kasama ni Lee na hinatulan ng guilty sa kaso sina Cornejo, Ferdinand Guerrero at Simeon Palma Raz sa promulgation na inilabas ng korte nitong Huwebes. Hindi dumalo si Lee na napag-alamang may warrant of arrest na noon pang 2015.

Upang hindi na maging pakay ng manhunt operation ay iminungkahi ng PNP kay Lee at isa pang co-accused nito na sumuko na lamang sa mga awtoridad matapos silang hatulang guilty ng Taguig RTC.

“I am sure nakarating sa kaalaman ni Lee and Guerrero, nag-issue ng warrant of arrest ang korte so it will be in their best interest na mag-voluntary surrender na lang sila doon sa pinakamalapit na istasyon sa kanila or they could get through their lawyers so they could arrange ‘yung possible pag-voluntary surrender nila,” ayon kay PNP spokesperson. Col. Jean Fajardo sa panayam ng media.

“Nonetheless ‘yung ating mga akusado, they have the right to exercise and exhaust all legal remedies available to them to file an MR (motion for reconsideration) or appeal this came in the proper forum,” ani Col. Fajardo.

Aniya, base sa record ng Bureau of Immigration, mayroong hold departure order kay Lee mula noong 2014, at warrant of arrest mula noong 2015. Nasa Immigration Lookout Bulletin din aniya si Lee.

Samantala, nai-turn over na sina Cornejo at Raz sa Taguig Police para sa documentation ng kaso.

Magugunitang inakusahna ni Navarro si Lee sa pagpigil sa kanya noong gabi ng Enero 22, 2014, sa isang condominium unit sa Taguig City, kung saan sinasabing binugbog siya ni Lee, at ng mga kasama nito, at pinagbantaang papatayin, kung saan pinilit siyang paaminin na ginahasa umano nito si Cornejo at hiningan din umano ng isang milyong piso.

(JESSE KABEL RUIZ)

60

Related posts

Leave a Comment