Hangga’t dinededma P203-B estate tax – Netizens TAX CAMPAIGN WALANG SILBI SA BBM ADMIN

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

HANGGANG sa kasalukuyan ay deadma pa rin si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos sa isyu ng hindi nabayarang estate tax ng kanilang pamilya, na dating nagkakahalaga ng P23 bilyon ngunit sa kasalukuyan ay pumalo na si P203 bilyon.

Ito ay sa kabila ng inilunsad ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na National Tax Campaign na naglalayong himukin ang taxpayers na bayaran ang kanilang buwis.
Dahil dito, patuloy ang pagbatikos ng netizens sa pamilya Marcos dahil pinahihina anila ang kampanya ng BIR.

Magugunitang ayon sa entry judgment mula sa Supreme Court, ang 1997 decision hinggil sa tax evasion case ng pamilya Marcos, ay naging final and executory noong 1999.

Sa nasabing 1997 decision, iniutos ng Supreme Court na magbayad ang Marcoses ng P23 billion sa estate tax.

Kinumpirma naman ng BIR at Department of Finance (DOF) na hindi pa rin ito nababayaran sa kabila ng ipinadala nilang demand letter.

Idagdag ang interest and surcharges, umabot na umano ito sa P203 billion.

Tumangging magkomento hinggil dito si Marcos. Magugunitang nag-walk-out siya nang tanungin hinggil dito sa one-on-one interview ng CNN Philippines habang kasagsagan ng kampanya sa nakaraang presidential election.

Naging focal point ito ng mga kritiko sa kampanya, sinabing ang P203 bilyon ay maaaring maging pinansyal na tulong sa mga biktima ng pandemya.

Si Pangulong Marcos ang court-approved executor ng mga ari-arian ng pinatalsik na diktador na si Ferdinand Sr. Bunsod nito, siya ng direktang may pananagutan na bayaran ang kanilang estate tax.

Samantala, noong 2022, kinumpirma ng BIR na ang kampo ni dating Manila Mayor Isko Moreno ay nagpadala ng written demand sa Marcos heirs hinggil sa hindi pa nababayarang P203.8-billion estate tax debt.

“The BIR did send a written demand to the Marcos heirs on Dec. 2, 2021 regarding their tax liabilities,” pahayag ni BIR Commissioner Caesar Dulay, hinggil sa request na i-update ang koleksyon ng tax liabilities ng mga Marcos.

Noong 1997, pinal na dinesisyunan ng SC ang estate tax debt ng mga Marcos nang pagtibayin ng Court of Appeals ang desisyon na i-dismiss ang apela ng mga Marcos laban sa 1993 levy and sale sa 11 real Tacloban properties na naglalayong ilaan sa delinquent tax debt.

Nitong Pebrero 8, 2024, isinagawa ng BIR ang National Tax Campaign Kick-Off 2024: “Sa Tamang Buwis, Pag-Asenso’y Mabilis” sa ilalim ni bagong Finance Secretary Ralph Recto.

Gayunman, marami ang nagtaas ng kilay sa kampanyang ito ng BIR. Anila paano tatalima ang taxpayers kung mismong ang pinakamataas na opisyal ng bansa ay hindi ito ginagawa at ayaw bayaran ang P203 billion estate tax ng kanilang pamilya.

Ilan sa mga komento ng netizens ay:

“Bago ka maningil ng buwis sa mga mamamayan, puede ba, bayaran ninyo ang mga buwis na ilang taon na ninyong hindi binabayaran at ang laki ng utan ninyo!”

“It’s ironic that the face of tax compliance is someone who, themselves, has yet to fulfill their own tax obligationsūüĎä

The audacity to lead a tax campaign while having outstanding tax obligations is mind-boggling.

Truly, the hypocrisy in this administration knows no bounds.”

44

Related posts

Leave a Comment