Sa loob ng isang taon PAGBABAYAD SA AMORTIZATION, INTEREST NG ARBs PINAHINTO NI PBBM

(CHRISTIAN DALE)

SA halip na siya ang tumanggap ng regalo sa kanyang kaarawan, nilagdaan kahapon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Executive Order na nagpapataw ng isang taong moratorium sa pagbabayad sa taunang amortisasyon at interes ng agrarian reform beneficiaries.

Ito ay para sa mga lupang agrikultural na ipinamahagi sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).

Layon ng Pangulo na maibsan ang pasanin ng mga benepisyaryo sa kanilang mga utang.

Magagamit aniya ng mga benepisyaryo ang pera sa pagpapaunlad ng kanilang mga sakahan.

Matatandaang sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA) ay kasama sa nabanggit ng Pangulo ang pagpapalaya sa agrarian reform beneficiaries mula sa kanilang mga utang.

B-day Activities

Samantala, ipinagdiwang ng Pangulo ang kanyang ika-65 kaarawan sa pamamagitan ng pagtatanim ng “kawayang tinik” sa Rizal kahapon.

Nakiisa si Pangulong Marcos sa national simultaneous bamboo at tree planting activity sa San Mateo, Rizal na pinangunahan naman ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Department of the Interior and Local Government (DILG).

“Sabi ko, siguro ang pinakamaganda, para ‘yung kaarawan ko ay maging mas makabuluhan at talagang may dahilan na tayo mag-celebrate, sabi ko gawa tayo ng greening, tree planting at ‘yan naman talaga ay ang pinakaimportanteng isyu hindi lamang sa Pilipinas kung hindi sa buong mundo ngayon,” ang mensahe ni Pangulong Marcos.

Tinatayang nasa 46,265 ektaryang lupain ang target ni Pangulong Marcos Jr. na ma-develop for reforestation ngayong taong ito.

B-day Wishes

Bumuhos ang mga pagbati kay Pangulong Marcos sa pangunguna ng Office of the Press Secretary (OPS).

Sa Facebook page ni Press Secretary Atty Trixie Cruz- Angeles, sinabi nito na hangad nila na manatiling malakas si Pangulong Marcos upang magampanan nito ang kanyang tungkulin sa bansa at sa milyon-milyong Pilipino.

Siniguro naman ni Cruz- Angeles na kasama at kaisa siya sa mithiin ng Chief Executive na mapaganda ang pamumuhay ng bawat mamamayan at maisaayos pa ang kalagayan ng bansa.

Nagpaabot din ng kanyang pagbati si DBM Secretary Amenah F. Pangandaman kay Pangulong Marcos.

“On behalf of the officials and employees of the Department of Budget and Management, I wish President Ferdinand R. Marcos, Jr. a happy 65th birthday,” ayon kay Pangandaman.

‘Good health’ din ang asam kay Pangulong Marcos Jr. ng liderato ng mababang kapulungan ng Kongreso sa pangunguna ni House Speaker Martin Romualdez.

“On behalf of all the members of House of Representatives, I wish you beloved President, President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., a happy Birthday today,” ani Romualdez.

“We wish you the best on this day. We wish you good health, we wish you all the good blessings that the world bestows upon you for you have a mission to bring our country further in the near future..asurities, prosperity and progress to all. Mabuhay kayo Mr. President,” dagdag pa ni Romualdez. (May dagdag na ulat si BERNARD TAGUINOD)

9

Related posts

Leave a Comment