BIYAHE NG PNR PANSAMANTALANG SINUSPINDE SA BAHA

pnr12

(NI KEVIN COLLANTES)

PANSAMANTALANG sinuspinde ng Philippine National Railways (PNR) ang kanilang mga biyahe matapos makaranas ng mga pagbaha ang ilang lugar sa Metro Manila dahil na rin sa malakas na pagbuhos ng ulan.

Sa inisyung paabiso ng PNR,  sinabi ni spokesperson at operations manager Joseline Geronimo, na dakong alas-7:00 ng umaga nang simulan nilang ipatigil ang operasyon para na rin sa kaligtasan ng kanilang mga pasahero.

Umabot kasi aniya ng 24-pulgada ang baha sa ilang istasyon ng kanilang tren sa Maynila at Makati City kaya’t lubhang mapanganib kung itinuloy nila ang kanilang biyahe.

Isa rin aniyang tren ang nagkaaberya nang maputol ang isang kable sa bahagi ng Pedro Gil sa Maynila ngunit naayos rin naman ito kaagad.

Tiniyak naman ni Geronimo na kaagad nilang ibabalik sa normal ang kanilang operasyon sa sandaling humupa ang mga pagbaha at maayos nang makakabiyahe ng ligtas ang kanilang mga tren.

 

198

Related posts

Leave a Comment