Huwag puro kuda LACSON, MAGALONG DAPAT ITURO MGA ‘CONGTRACTOR’

HINIKAYAT ng Malakanyang sina Senador Panfilo Lacson at Baguio City Mayor Benjamin Magalong na direktang magsumbong kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., hinggil sa kanilang nalalaman ukol sa may 67 kongresista na sinasabing sangkot sa paggamit ng mga pekeng contractor bilang front sa mga proyekto. “Idiretso na nila ito sa Pangulo kung mayroon silang partikular na pangalan na alam at para po mas mabilis ang pag-iimbestiga, welcome po lahat iyan at bigyan lang po nila ng kumpletong detalye,” ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro.…

Read More

Sa tamang forum ISYU SA CONFI FUNDS IPALILIWANAG NI VP SARA

HANDA si Vice President Sara Duterte at kanyang kampo na sagutin sa tamang forum ang mga alegasyon kaugnay sa umano’y maling paggamit ng kanyang tanggapan sa kanyang confidential funds kahit pa may pagbabago sa kanyang impeachment case. “Kung may kaso, sa tamang forum mag-eexplain kami. Nagsabi kami noong nag-file sila ng articles of impeachment nila na ready ang defense team na sumagot sa accusations ng prosecutors ng House,” ang sinabi ni VP Sara sa sidelines ng Kadayawan Festival sa Davao City. “Noong umakyat sa Supreme Court ang kaso, lahat ng…

Read More

VAULT NG CONVENIENCE STORE NILIMAS NG KAWATAN

CAVITE – Uminom muna ng tsokolate saka nilimas ang laman ng vault ng isang lalaki na nanloob sa isang kilalang convenience store sa bayan ng Rosario sa lalawigan noong Lunes ng madaling araw. Inilarawan ang suspek na nakasuot ng itim na jacket, itim na short at yellow t-shirt at nakasuot ng face mask. Ayon kay Nocon Inique, 31, store crew ng convenience store sa Marsiela Road, Brgy. Silangan 1, Rosario, Cavite dakong alas-7:00 ng umaga nang natuklasan nito ang panloloob sa tindahan nang napansin nito ang ilang bote ng tsokolate…

Read More

TIRADOR NG MOTOR NAHULI NANG MAAKSIDENTE

NAHULI ng mga awtoridad ang isang babaeng nagnakaw ng motorsiklo sa lalawigan ng Quezon matapos maaksidente sa Sto. Tomas City sa Batangas habang tumatakas. Ang suspek ay kinilalang si Rhea May Ibañez Marquez, 24, residente ng Bulacan. Ayon sa report, nitong Lunes ay personal na nagtungo ang biktimang si Jovan Paul Masongsong, 26, taga-San Antonio, Quezon, sa Tiaong Municipal Police Station upang i-report ang pagkawala ng kanyang motorsiklo. Iniwan umano niya ang kanyang Honda Click na nakaparada sa tapat ng isang lying-in clinic sa Sitio Sambat, Brgy. Talisay, Tiaong nang…

Read More

PAWNSHOP NILOOBAN, EMPLEYADA PINATAY

LAGUNA – Natagpuang patay at tadtad ng saksak ang isang empleyada ng sanglaan ng mga gadget ilang minuto makaraan nitong i-report sa kanilang manager ang hinggil sa nangyaring panloloob sa kanilang establisyemento sa Cabuyao City. Ayon sa report ng Cabuyao City Police, nangyari ang krimen dakong alas-9:40 ng umaga noong Lunes at kinilala ang biktimang si alyas “Jona”, 27, nadatnan ng mga katrabaho na walang buhay na nakahandusay sa sahig at may tatlong saksak sa leeg, kaliwang balikat at tiyan. Sa pagsisiyasat, sinasabing pinakaunang pumasok sa trabaho ang biktima at…

Read More

3-ANYOS NASAGIP NG QCPD MULA SA YAYANG KIDNAPER

SA mabilis na pagtugon ng Quezon City Police District (QCPD) sa pamumuno ni PCOL Randy Glenn Silvio, nasagip ang 3-anyos na bata at naaresto ang kasambahay na umano’y dumukot dito. Sinabi sa ulat ng QC police station 2, dakong alas-8:05 ng gabi noong Agosto 10, 2025, nagpaalam ang suspek na si alyas Joan, 24, sa kanyang amo na pupunta sa kapitbahay para kumuha ng gamot sa pananakit ng tiyan. Isinama nito ang 3-anyos na alaga ngunit hindi na bumalik sa bahay ng amo sa Brgy. Paltok, Quezon City. Makalipas ang…

Read More

250 LOOSE FIREARMS, 115 INDIBIDWAL TIMBOG SA CENTRAL LUZON

UMABOT sa 250 loose firearms at 115 individuals ang naaresto ng Police Regional Office 3 o PRO 3 sa pinaigting na kampanya laban sa mga ilegal at ‘di lisensyadong baril sa Central Luzon. Ayon kay PRO3 Director Brig. Gen. Ponce Rogelio Peñones Jr., isinagawa ang mga operasyon mula Hunyo 20 hanggang Agusto 9 ng kasalukuyang taon. Kabilang sa ikinasang mga operasyon ang pagsisilbi ng search warrants, checkpoint operations, at incidental surrenders, kabilang na ang boluntaryong pagsuko ng mga baril ng mga residente sa Region 3. Nakapagtala naman ang Nueva Ecija…

Read More

KATARUNGAN CARAVAN BINITBIT NG DOJAC SA NORTHERN SAMAR

BINITBIT ng Department of Justice Action Center (DOJAC) at katuwang na mga ahensya ang Katarungan Caravan sa Catarman, Northern Samar noong Agosto 8, 2025 para maghatid ng libreng serbisyong legal sa mahigit 500 residente. Katuwang dito ang National Bureau of Investigation, Bureau of Immigration, Land Registration Authority, Public Attorney’s Office, Integrated Bar of the Philippines–Northern Samar Chapter, Inter-Agency Council against Trafficking, National Prosecution Service-Region VIII, mga tanggapan ng piskal sa probinsya at lungsod, at Pamahalaang Panlalawigan. Kabilang sa libreng serbisyo ang legal na konsultasyon, notaryo, NBI at prosecutor’s clearance, payo…

Read More

KASO NG LEPTOSPIROSIS SA QC LUMOBO

MARIING inihayag ng Quezon City government na tumaas ang mga kaso ng leptospirosis ngayon taon at umabot na sa 428 sa lungsod matapos ang nagdaang bagyo at habagat nitong nakalipas na buwan. Sinabi ni Brian Miige ng QC Epidemiology and Surveillance Department, sa kaso ng 428 na tinamaan ng leptospirosis, 35 sa mga ito ang nasawi dahil sa naturang sakit. Sa ginanap na QC Journalist Forum nitong Martes, Agosto 12, 2025, sinabi ni Miige, bukod sa kaso ng leptospirosis ay tumaas din ang mga kaso ng dengue sa lungsod. “Tumaas…

Read More