250 LOOSE FIREARMS, 115 INDIBIDWAL TIMBOG SA CENTRAL LUZON

UMABOT sa 250 loose firearms at 115 individuals ang naaresto ng Police Regional Office 3 o PRO 3 sa pinaigting na kampanya laban sa mga ilegal at ‘di lisensyadong baril sa Central Luzon.

Ayon kay PRO3 Director Brig. Gen. Ponce Rogelio Peñones Jr., isinagawa ang mga operasyon mula Hunyo 20 hanggang Agusto 9 ng kasalukuyang taon.

Kabilang sa ikinasang mga operasyon ang pagsisilbi ng search warrants, checkpoint operations, at incidental surrenders, kabilang na ang boluntaryong pagsuko ng mga baril ng mga residente sa Region 3.

Nakapagtala naman ang Nueva Ecija ng pinakamalaking bilang ng narekober na loose firearm na umabot sa 72, sinundan ng Bulacan at Bataan na parehong nakapagtala ng 27 isinukong baril, Pampanga (22), Tarlac (21), Zambales (20), at Aurora, 19.

Sinabi ni Penoñes, 115 na personalidad naman ang naaresto, at 110 dito ang sinampahan na ng kaukulang kaso.

Aniya, malaking bagay ang tuloy-tuloy na pagkakasabat ng mga ‘di lisensyadong baril para sa kaligtasan ng publiko.

Hindi naman titigil ang kanilang hanay sa mga ikinakasang kampanya kontra ilegal at ‘di rehistradong baril alinsunod sa kanilang mandato na tiyakin ang peace and order sa buong rehiyon.

(TOTO NABAJA)

80

Related posts

Leave a Comment