MAHIGIT P13 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG), katuwang ang Municipal Police Station (MPS), sakay ng MV Queenshaima sa Alayon Fish Port, Barangay Tandu Bato, Luuk, Sulu Base sa ulat ng PCG, nakatanggap ng tawag ang Coast Guard Station Eastern Sulu (CGSES) mula sa isang Imbih Usman na siyang naka-duty bilang miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team, kaugnay sa kahina-hinalang indibidwal sa panahon ng embarkation inspection. Agad itong pinuntahan ng CGSES at MPS Luuk at nadiskubre ang 21 heat-sealed transparent plastic…
Read MoreCategory: BALITA
NURSE BINARIL NI MISTER SA LOOB NG SASAKYAN, PATAY
NEGROS ORIENTAL – Patay ang isang nurse matapos na barilin ng kanyang mister sa loob ng kanilang sasakyan sa Dumaguete City, sa lalawigan noong Huwebes ng gabi Kinilala ng Dumaguete City Police ang biktimang si Madelyn Bauzon Kinilitan, 36, tubong Calasiao, Pangasinan at residente ng Barangay Mangnao, Dumaguete City. Ayon sa report, nakasakay sa kotse ang mag-asawa dakong alas-6:00 ng gabi, nang magkaroon umano ng pag-aaway ang dalawa. Sa kasagsagan ng pagsasagutan, nagbunot ng baril ang 39-anyos na mister na si Ken Lloyd Kinilitan at pinaputukan ang asawa na nakaupo…
Read MorePAGBABALIK NI ALICE GUO TAGUMPAY NG JUSTICE SYSTEM – BI
INIHAYAG ng Bureau of Immigration (BI) na ang pagbabalik sa bansa ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo ay maliwanag na maituturing na malaking tagumpay sa justice system ng bansa. Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, patunay lamang ito na epektibo ang pagtutulungan o kooperasyon ng international counterparts at ng law enforcement agencies ng Pilipinas Bukod dito, sinabi pa ng komisyuner na nagpapakita rin ito na hindi natitinag ang commitment o mandato ng bansa, para manaig ang hustisya kahit ano pa man ang kinakaharap na balakid. Magandang senyales din aniya…
Read MoreGAS STATION IPINADLAK SA P3.1-M UNMARKED FUEL
PANSAMANTALANG ipinasara ng Bureau of Customs (BOC) ang isang gas station sa Valenzuela City matapos matuklasan na ilan sa mga tangke nito ay naglalaman ng unmarked fuel na aabot sa halagang P3.1 milyon. Sinabi ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio, ang tatlo sa apat nitong tangke sa Roden Refilling Fas Station sa Barangay Ugong ay nabigo sa fuel mark test na isinagawan ng Customs Intelligence and Investigation Service-Manila International Container Port (CIIS-MICP) at Enforcement Group-Fuel Marking agents noong Huwebes. Samantala, iniulat ni BOC-CIIS Director Verne Enciso, nagtungo ang mga ahente sa…
Read MoreMANGANGALAKAL NAGKALAT NG BASURA, BINARIL NG SEKYU
NILALAPATAN ng lunas sa pagamutan ang isang mangangalakal ng basura makaraang barilin ng security guard ng isang restaurant makaraang magkalat umano ng basura sa paligid ng binabantayang establisyemento ng suspek sa Quezon City noong Huwebes ng umaga. Sinabi ni Quezon City Police District Director, PBGen. Redrico Maranan, kinilala ang nadakip na suspek na si Remwil Garcera, 58, security guard, at residente ng Brgy. Tandang Sora, Quezon City. Nasugatan naman ang biktima na isang mangangalakal na hindi pa nakikilala, nilalapatan ng lunas sa East Avenue Medical Center (EAMC). Ayon sa ulat…
Read MorePAGBABAGONG PULITIKAL ITINUTULAK NG POLPHIL
NAIS isulong ng Political Officers League of the Philippines (POLPhil), isang organisasyon ng pinagsama-samang mga dating aktibista, development worker at sectoral leaders ang pakikipag-alyansa at suporta sa FPJ Panday Bayanihan Partylist upang isulong ang batayan kahilingan ng mamamayan. Sinabi ni Rico Cajife, lider ng PolPhil-Sogod, Southern Leyte province na ang kanilang grupo ay nakahandang sumuporta sa FPJ Panday Bayanihan dahil sa magkatugma ang hangarin na magkaroon ng seguridad sa pagkain, pantay na hustisya at kaunlaran na pakikinabangan ng lahat ng mamamayan. Sa ginanap na press conference, binanggit ni Cajife na…
Read MoreMAG-ASAWA HINOLDAP NG HIRED DRIVER, 1 PATAY
NALIMAS na ang dalang P2,000,000 cash, namatay pa ang isang ginang habang sugatan ang kanyang mister nang pagsasaksakin sila ng taong inupahan nila para sila ipag-drive sa bayan ng Naic, Cavite, Huwebes ng madaling araw. Kapwa isinugod sa ospital ang mag-asawang Czarri Marie Cantuba, 34, at Marlon Cantuba, 35, ng Candaba, Pampanga subalit namatay si Czarri dahil sa saksak sa leeg. Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang suspek na si Jomar Tambo y Domingo, 43, residente ng Malate, Maynila. Ayon sa ulat ni Police Corporal Robinson Tercia ng Naic Municipal…
Read MoreHIGIT 300 KAPUS-PALAD SA DAVAO CITY NABIGYAN NG TIG-P10K at 20 KILOS BIGAS
LUBOS ang saya ng higit sa 300 mangangalakal, street dwellers, sidewalk vendor, at persons with disability (PWD) ng Davao City nang maabutan din ng ayuda sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair ng pamahalaan. Mismong si House Speaker Martin Romualdez ang humarap sa grupo kasabay ang pangakong “sabay-sabay tayong babangon muli”. “Ito naman talaga ang dahilan kung bakit may Bagong Pilipinas Serbisyo Fair tayo, para lahat maabutan ng tulong,” ani Speaker Romualdez. Labis ang pasasalamat ni Maryjean Montecino, 29-anyos, maybahay ng isang mangangalakal. Aniya, “malaki ang matutulong nito sa aming mahihirap.” “Sana…
Read MoreGRADE 1 STUDENT PATAY, NANAY SUGATAN BUS
DEAD on the spot ang isang Grade one student habang malubha namang nasugatan ang kanyang ina matapos silang mahagip ng rumaragasang passenger bus noong Miyerkoles sa Maharlika Highway sa Barangay Tinambacan Norte, Calbayog City, Samar. Ayon sa ulat ng Calbayog City PNP, patay ang anim na taong gulang na batang babae habang sugatan naman ang kanyang ina, kapwa residente ng Barangay Tinambacan. Hawak naman ng mga awtoridad ang driver ng pampasaherong bus na nagmula sa Maynila at patungo ng Tacloban City. Lumilitaw sa imbestigasyon, tinangkang tumawid ng bata na nakita…
Read More