42K BAGONG BARANGAY OFFICIALS, SASANAYIN NG DILG

IHAHANDA ng Department of the Interior and Local Government ang mahigit 42,000 bagong halal na barangay officials kasunod ng Barangay and Sangguniang Kabataan Elections sa Nobyembre 6, 2026. Sa pamamagitan ng Local Government Academy, isasailalim ang mga bagong opisyal sa Barangay Newly Elected Officials Program simula Enero 2027. Ayon kay LGA Assistant Director Daphne Purnell, may orientation, localized at needs-based training, at pamamahagi ng printed reference materials sa bawat barangay. Layunin ng DILG ang tuloy-tuloy na pagsasanay upang matiyak ang maayos at epektibong serbisyo sa komunidad. (JESSE KABEL) 195

Read More

PNP-IAS SINIMULAN NA PRE-CHARGE PROBE VS 6 MPD COPS SA ROBBERY-EXTORTION

pulis

PINASIMULAN na ng Philippine National Police–Internal Affairs Service ang pre-charge investigation laban sa anim na pulis ng Manila Police District na inaresto sa Makati City kaugnay ng umano’y robbery-extortion. Ayon kay PNP-IAS Inspector General Atty. Brigido Dulay, inihahanda na ang mga kasong administratibo laban sa mga mapatutunayang sangkot. Mariing iginiit ng PNP at NCRPO na hindi kukunsintihin ang kriminal na gawain ng sinomang pulis sa serbisyo. Saklaw ng imbestigasyon ang command responsibility, lalo na kung may pagkukulang sa pangangasiwa ng mga opisyal. Matatandaang pansamantalang sinibak ang hepe ng MPD Malate…

Read More

‘ZERO BILL’ SA KURYENTE PARA SA LOW-INCOME HOUSEHOLDS, INANUNSYO NG ERC

MILYUN-MILYONG Pilipino ang inaasahang makararanas ng zero billing sa buwanang singil sa kuryente sa ilalim ng pinalawak na lifeline subsidy program. Inihayag ng Energy Regulatory Commission na ang marginalized end-users na kumokonsumo ng 0–50 kWh kada buwan ay karapat-dapat na sa 100% diskwento sa buong electric bill—mula generation hanggang VAT. Magkakabisa ang bagong Lifeline Subsidy Rate 15 araw matapos mailathala ang resolusyon na inaasahang sa susunod na buwan. Kwalipikado ang mga benepisyaryo ng 4Ps at mga sertipikadong nasa ilalim ng poverty threshold ng PSA. Ayon sa DoE, awtomatikong rehistrado ang…

Read More

ISKO PINANGUNAHAN HIGH-TECH QUAKE DRILL SA INTRAMUROS

GAMIT ang makabagong teknolohiya, pinalakas ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang kahandaan laban sa posibleng malakas na lindol o “The Big One.” Biyernes ng umaga, pinangunahan ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso ang kauna-unahang sabayang Intramuros-wide earthquake drill sa Kartilya ng Katipunan malapit sa Manila City Hall. Sa pag-ugong ng earthquake drill alarm, ipinakita ang lawak ng saklaw ng sistema na may hanggang limang kilometrong radius mula City Hall na sakop ang buong Intramuros. Ayon sa alkalde, isasagawa ang earthquake drill sa random day at random time, walang end date, upang…

Read More

SC: HINDI LANG IMPEACHABLE OFFICER, KUNDI PROSESO NG IMPEACHMENT DAPAT SINUSURI

NILINAW ni Supreme Court Associate Justice Amy Lazaro-Javier na hindi lamang ang impeachable officer ang dapat suriin, kundi pati ang mismong proseso ng impeachment bago magbigay ng hatol. Ito ang binigyang-diin ng mahistrado sa kanyang boto na nagpapatibay sa naunang desisyon ng Korte Suprema na labag sa Saligang Batas ang Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte. Matatandaang ibinasura ng SC ang Motion for Reconsideration ng Kamara dahil sa kawalan ng due process at paglabag sa one-year bar rule. Ayon kay Lazaro-Javier, ang pananagutan ay para sa lahat—kaya’t…

Read More

TAUHAN NG CUSTOMS IDINADAWIT SA P1.2-B NA HALAGA NG PUSLIT NA YOSI

INIIMBESTIGAHAN ngayon ang ilang opisyal ng Bureau of Customs sa Port of Batangas dahil sa koneksyon umano sa nakumpiskang P1.2 billion na halaga ng smuggled na sigarilyo sa Barangay Balete, Batangas City noong New Year’s Eve. Sinasabing, ang pagkakatukoy ng pagkakakilanlan ng isa sa mga pangunahing suspek sa smuggling ang susi para malaman ang mga opisyal ng customs na nagbigay ng go signal upang i-clear ang illegal shipments ng yosi. Una ring sinabi ng PNP-Highway Patrol Group na ang mister ng isang empleyado ng customs ang nagrerenta ng container yard…

Read More

SENADO ‘DI DAPAT MAGPADALA SA EMOSYON SA PAGKONDENA SA CHINA

PINAALALAHANAN ni dating Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary at Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang kanyang mga kapwa senador na huwag magpadala sa emosyon at magdahan-dahan sa kanilang desisyon at hakbangin sa pagkondena sa China. Paalala ni Cayetano sa kanyang kapwa mambabatas, mayroong epekto para sa ating mga China-based overseas Filipino workers (OFWs) ang gusto nilang ipasa na resolusyon na kumokondena sa isang Chinese embassy official tungkol sa usapin ng West Philippine Sea. Labinlimang senador na kasi ang lumagda sa Senate Resolution No. 256 na kumokondena sa maanghang…

Read More

MARAMING PINOY WALANG TIWALA SA CHINA—OCTA

NANAWAGAN ang isang opisyal ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa lahat ng lider ng bansa na igalang at makinig sa dumaraming bilang ng mga Pilipino na walang tiwala sa China at itinuturing nilang pinakamalaking banta sa bansa. Ginawa ni Deputy Speaker Jay Khonghun ang panawagan matapos lumabas sa Tugon ng Masa (TNM) survey ng OCTA Research na 13 lamang sa Pilipino ang nagsabi na dapat magtiwala sa China na kinontra ng 60% habang ang natitirang 26% ay walang posisyon sa nasabing isyu. “The numbers are very clear. This is no…

Read More

OsTon, GINAWARAN NG GOLD AWARD SA REVENUE COLLECTION

TUMANGGAP ng Gold Award ang Ospital ng Tondo (OsTon) dahil sa mataas nitong revenue collection efficiency sa ilalim ng pamumuno ni Dr. Edwin C. Perez. Ayon sa ulat, nakamit ng OsTon ang 114.3 percent revenue collection efficiency para sa taong 2025, dahilan upang kilalanin ito bilang huwaran sa maayos na pamamahala ng pondo. “Ang mahalagang tagumpay na ito ay patunay ng matibay na paninindigan ng ospital sa kahusayan sa pananalapi, transparency at pananagutan sa pamamahala ng pondo ng bayan,” pahayag ni Perez. Dagdag pa ng direktor, ang paglampas sa revenue…

Read More