AFP: 2024 COA AUDIT REPORT BINALUKTOT SA SOCIAL MEDIA

MARIING itinanggi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga pahayag sa social media na umano’y nagpapakita ng talamak na katiwalian sa hanay ng militar, kasunod ng paglabas ng 2024 Commission on Audit (COA) Annual Audit Report. Ayon sa AFP, sadyang binaluktot ang ilang audit observations upang palabasing may korupsyon, kahit malinaw sa ulat ng COA na layon ng mga obserbasyon na palakasin ang accounting procedures, internal controls at financial management ng ahensya. Nilinaw ng AFP na ang mga bank account na tinukoy bilang “unauthorized” ay ginamit para sa…

Read More

KAPALPAKAN NG SOLAR PH NI LEVISTE SINISI SA NAWALANG OPORTUNIDAD NG PILIPINAS SA DATA CENTER

ISINISI ng isang network ng digital advocates sa mga kapalpakan ng kumpanyang itinatag ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste ang pagkabigo ng Pilipinas na umusbong bilang isang regional data center hub. Ayon kay Digital Pinoys national campaigner Ronald Gustilo, nabigo ang Solar Philippines na tuparin ang halos 12 gigawatts ng ipinangako nitong renewable energy capacity mula sa power projects na nakuha nito. Dahil sa kabiguan ng kumpanya na tuparin ang pangako nito sa Department of Energy (DOE), sinabi ni Gustilo na nararamdaman na ng sambayanang Pilipino ang epekto dahil…

Read More

PASAHERONG ARMADO NABARIL NG PNP-AVSEGROUP

NAKA-HOSPITAL arrest at nilalapatan ng lunas ang isang airline passenger matapos na mabaril ng nagrespondeng mga tauhan ng Philippine National Police-Aviation Security Group dahil sa pagwawala umano nito habang armado ng patalim sa loob ng Iloilo International Airport, sa Cabatuan, Iloilo. Patuloy ang imbestigasyon ng Office for Transportation Security (OTS) sa insidenteng nangyari sa Iloilo International Airport, katuwang ang airport authorities at law enforcement agencies Iginiit din ng ahensya na ang naging aksyon ng PNP–Aviation Security Group (AVSEGROUP) ay tugon upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga pasahero at…

Read More

SEGURIDAD KONTRA BANK ROBBERY AT CYBERCRIME, PINAIGTING SA QUEZON

MAS pinaigting na koordinasyon at mas malinaw na estratehiya laban sa bank robbery at cybercrime ang naging pangunahing resulta ng idinaos na Provincial Joint Anti-Bank Robbery and Cybercrime Coordinating Committee (JABRACCC) Meeting ng Quezon Police Provincial Office nitong Huwebes, Enero 29. Sa pagpupulong na pinangunahan ni PCol. Romulo A. Albacea, Acting Provincial Director ng Quezon PNP, at Chairman ng JABRACCC, nagkaisa ang pulisya, mga kinatawan ng mga financial institution at partner agencies sa pagpapalakas ng information sharing, crime trend analysis, at preventive measures upang mas maagapan ang mga banta sa…

Read More

FAKE NEWS SA KRIMEN INALMAHAN NG LIPA POLICE

MARIING pinabulaanan ng Lipa City Police Station at Batangas Police Provincial Office ang kumakalat na maling impormasyon sa social media hinggil sa umano’y mga pamamaril sa lungsod na may nasawi. Ayon sa pulisya, walang katotohanan ang mga post na nagsasabing may tatlo kataong napatay sa isang insidente sa Lipa City. Nilinaw rin ng Lipa City Police na bagama’t totoo ang pananambang sa sinasakyang SUV ng tatlong empleyado ng Small Town Lottery sa Barangay Pangao, ligtas ang lahat ng mga sakay at walang nasawi. Pinabulaanan din ng pulisya ang balitang may…

Read More

BUS NASUNOG, 2 PANG SASAKYAN NADAMAY

CAVITE – Nasunog ang isang pampasaherong bus habang nadamay ang dalawang nakaparadang sasakyan habang binabagtas ang kahabaan ng Aguinaldo Highway sa Imus City noong Miyerkoles ng madaling araw. Wala namang pasaherong nadamay sa pagkasunog ng pampasaherong Ube Express Bus na may plakang NBQ 7094, na minamaneho ni alyas “Arnel”, 49, na mabilis na nakababa bagama’t nadamay ang isang Nissan Serena na may plakang BEA 378, at Honda Civic na may plakang WMF 436, na nakaparada sa lugar. Ayon sa ulat, bandang alas-3:50 ng madaling araw nang mangyari ang insidente. Habang…

Read More

Mundo ni Atong Ang lumiliit na – Sec. Remulla PILIPINAS MAY LIAISON OFFICER NA SA CAMBODIA – DILG

INIHAYAG ni DILG Secretary Jonvic Remulla na may liaison officer na sa Cambodia para makipag-ugnayan sa posibleng kinaroroonan ni Atong Ang. Sinabi ng Kalihim, may extradition treaty doon ang Pilipinas sa Cambodia, at kung nandoon si Ang ay posibleng mapauwi ito sa bansa. Ayon kay Remulla, lumiliit na ang mundo ni Ang ngunit aminado ang Kalihim na malaking hamon ang paghuli sa puganteng si Ang. Pero, kahit na maraming salapi, kaya pa rin aniya itong mahuli kagaya na lang ng nangyari kay dating Congressman Arnulfo Teves na wanted noon sa…

Read More

ILLEGAL CIGARETTE FACTORY SINALAKAY NG BOC

BILANG pagtalima sa utos ni President Ferdinand R. Marcos Jr. na wasakin ang illicit trade networks sa bansa at pangalagaan ang government revenues, isang joint enforcement operation ang inilunsad ng Bureau of Customs (BOC) sa lalawigan ng Pampanga. Sinalakay ng mga tauhan ng BOC ang hinihinalang illegal cigarette manufacturing site sa Mexico, Pampanga, at nadiskubre ang nagaganap na unauthorized local production ng sigarilyo. Bago ang pagsalakay, nakatanggap ng intelligence report ang BOC hinggil sa isang bodega na nasa Lot 2645, Panipuan, Mexico, Pampanga kaya agad nagtatag ng law enforcement operation…

Read More

TRAFFIC ENFORCER NA SANGKOT SA KOTONG SAPOL SA ONE STRIKE POLICY SA MAYNILA

MULING ipinaalala ni Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso ang mahigpit na One Strike Policy ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila laban sa mga tiwaling kawani, kasunod ng agarang pagsibak sa isang traffic enforcer na nasangkot sa pangongotong sa Binondo, Maynila. Ayon sa alkalde, layon ng patakaran na ipakita ang matibay na paninindigan ng lokal na pamahalaan sa disiplina, integridad at mabilis na aksyon para sa kapakanan ng mga Manileño at ng mga dumadayo sa lungsod. Sinabi ni Mayor Isko na agad naglabas ng cease and desist order si MTPB Officer-in-Charge…

Read More