PINAGTIBAY ng Supreme Court (SC) En Banc ang nauna nitong deklarasyon na labag sa Saligang Batas ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Z. Duterte. Kahapon ay tuluyan nang ibinasura ng Kataas-taasang Hukuman ang motion for reconsideration ng Kamara na humihiling na baligtarin ang desisyon noong Hulyo 25, 2025 na nagdedeklarang unconstitutional ang impeachment laban sa Bise Presidente. Ayon sa SC, ang ikaapat na reklamong impeachment na ipinadala sa Senado noong Pebrero 5, 2025 ay malinaw na bawal sa ilalim ng Article XI, Section 3(5) ng Konstitusyon, na nagtatakda…
Read MoreCategory: BALITA
Ombudsman hindi natinag SC PETITION NI ZALDY CO TINAWAG NA DILATORY TACTICS
HINDI magpapatinag ang Office of the Ombudsman sa petisyong inihain ni dating Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co sa Korte Suprema. Ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano, hindi sila magpapaapekto sa tinawag niyang “dilatory tactics” ng kampo ng dating mambabatas na layong pabagalin ang imbestigasyon kaugnay ng mga kasong korupsyon. Kamakailan ay naghain ng petisyon si Co sa Korte Suprema upang humiling ng Temporary Restraining Order o TRO laban sa implementasyon ng resolusyon ng Ombudsman. Kaugnay ito ng mga kasong graft at malversation na inirekomendang isampa sa Sandiganbayan. Giit ni…
Read MoreHINDI HINARANG ANG GRUPO NI TOPACIO — KAMARA
ITINANGGI ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na hinarang nito ang grupo nina Atty. Ferdinand Topacio at dating kongresista Mike Defensor sa paghahain ng impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ayon kay Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, malinaw ang probisyon ng House rules hinggil sa paghahain ng impeachment complaint. “The problem is straightforward: there is no House member endorser. Without an endorser, the complaint cannot move. That is what the rules clearly provide,” ani Adiong. Matatandaang nagtungo sa Kamara ang grupo nina Topacio at…
Read MoreBYSTANDER SA SEPT. 21 RALLY NAGSUMITE NG COUNTER-AFFIDAVIT SA DOJ
NAGSIMULA na kahapon ang preliminary investigation ng Department of Justice (DOJ) panel of prosecutors sa reklamong inihain ng PNP–Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) laban sa mga lumahok sa malawakang September 21 rally kontra korupsyon sa Maynila. Kabilang sa mga nagsumite ng counter-affidavit ang 18-anyos na kliyente ni Atty. Katherine Panguban ng National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL) upang pabulaanan ang kasong sedition at inciting to sedition. Iginiit ng abogada na walang kinalaman sa kilos-protesta ang kanyang kliyente at nagkataon lamang na isa itong bystander na nasa gilid ng kalsada…
Read MoreMANILA LGU PALALAKASIN ANG LABAN KONTRA BAHA
PINANGUNAHAN ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang groundbreaking ng Flood Monitoring Command Center ng Manila City Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa Manila North Cemetery. Layong palakasin ng bagong pasilidad ang kahandaan ng lungsod laban sa pagbaha sa pamamagitan ng real-time flood monitoring at mas maayos na koordinasyon ng pagtugon tuwing may bagyo at malalakas na pag-ulan. Magsisilbi ang command center bilang sentro ng pagmamanman sa mga ilog, estero, at iba pang flood-prone areas sa Maynila upang mas mapabilis ang pagdedesisyon ng mga awtoridad sa oras…
Read MoreMGA MAKABAYANG GRUPO KINONDENA PAMBABARAKO NG CHINA SA WEST PH SEA
NAGDAOS ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at kasapi ng iba’t ibang makabayang organisasyon at non-government organizations, sa harap ng Chinese Embassy upang kondenahin ang patuloy na pananakot at agresibong kilos ng China sa West Philippine Sea. Kinondena ng grupo ang paggamit ng water cannon, pangha-harass, at iba pang coercive actions laban sa mga sundalo at mangingisdang Pilipino. Ayon sa FDNY, malinaw na paglabag ang mga ito sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at sa 2016 Arbitral Award,…
Read MoreMARCOS IPATATAWAG PERO PWEDENG ‘DI SUMIPOT SA IMPEACHMENT HEARING
HINDI umano pipilitin ng House committee on justice na dumalo si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa impeachment proceedings, bagama’t iimbitahan siya bilang respondent. Target ng komiteng pinamumunuan ni Batangas Rep. Gerville Luistro na simulan sa Pebrero 2 hanggang 4 ang pagdinig sa dalawang impeachment complaint na inihain laban sa Pangulo, na posibleng pagsamahin. Unang tutukuyin ng komite kung sufficient in form ang mga reklamo, bago naman suriin ang sufficiency in substance. Kapag nakumbinsi ang mga miyembro, aatasan ang mga complainant na isumite ang lahat ng ebidensya laban sa respondent.…
Read MorePULONG SA PAGKILALA NG SENADO SA EJK VICTIMS: SELECTIVE MOURNING
PINANGUNAHAN ni Senator Risa Hontiveros ang paglulunsad ng Paghilom Lakbay Museo sa Senado sa Pasay City, tampok ang photo exhibit na naglalarawan ng mga biktima ng extra-judicial killings (EJK) at kanilang mga pamilya mula 2016 hanggang 2022—bahagi ng adbokasiya ng senadora na itaguyod ang katarungan at suporta para sa mga biktima. Kasama sa larawan sina Senator Bam Aquino, Father Flavie Villanueva, forensic pathologist Dra. Raquel Fortun, at Randy delos Santos. (DANNY BACOLOD) IKINAINIS ni Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte ang pagkilala ng Senado sa mga biktima ng extra-judicial killings…
Read MoreSAHOD NI SEN. BATO NAMUMURONG MAHINTO
PAG-AARALAN ng Senado ang posibilidad na suspendihin ang sweldo ni Senador Ronald Bato dela Rosa dahil sa patuloy na pag-absent. Sinabi ni Senate President Pro Tempore Panfilo ‘Ping’ Lacson na pinag-usapan nila ito sa pulong nina Senate President Vicente Tito Sotto III kasama si dating Senador Antonio Trillanes IV. Sa pulong, natalakay anya ang plano ni Trillanes na maghain ng ethics complaint laban kay dela Rosa sa pagsapit ng ika-anim na buwan ng pag-absent ng senador. Binigyang-diin ni Lacson na mayroon silang binubuong solusyon o resolusyon sa sitwasyon ni dela…
Read More