KAHIT singko, wala pang naibalik na pera ang mga dawit sa flood control scam na nag-apply bilang state witness. Kinumpirma ito ng Department of Justice (DOJ) kasunod ng tanong kung totoong nagbalik na si dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo ng umano’y nakulimbat na pondo mula sa maanomalyang proyekto, base sa pahayag ni Senator Sherwin Gatchalian. Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, wala pang restitution na naganap, at kung sakaling magkaroon, agad itong ipaaalam sa publiko. Binigyang-diin din niya na kinakailangan munang magkaroon ng memorandum of agreement kay Bernardo at…
Read MoreCategory: BALITA
ALICE GUO, IBA PA HABAMBUHAY HIMAS-REHAS
GUILTY sa kasong qualified trafficking ang tinanggal sa puwesto na dating alkalde ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo, batay sa inilabas na desisyon ng Pasig City Regional Trial Court noong Nobyembre 20, 2025. Bukod kay Guo, hinatulan din sina Rachelle Malonzo Carreon, Jaimielyn Cruz, at Walter Wong Rong ng habambuhay na pagkabilanggo at multang ₱2 milyon. Ang kaso ay nag-ugat sa pagbunyag ng ilegal na operasyon ng isang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Bamban, kung saan natuklasan ng mga awtoridad na pinatatakbo ito ng Zun Yuan Technology. Nagsilbing…
Read MoreBAM KAY ZALDY CO: BUMALIK SA BANSA AT HARAPIN ANG MGA ALEGASYON
NAKIISA na rin si Senador Bam Aquino sa mga nananawagan kay dating Cong. Zaldy Co na umuwi na at panumpaan ang kanyang mga alegasyon. Hinimok din ni Aquino ang dating kongresista na isiwalat ang lahat ng kanyang nalalaman tungkol sa maanomalyang flood control projects at kontrobersyal na budget insertions. Muling iginiit ni Aquino na kailangang managot ang lahat ng sangkot sa maanomalyang flood control projects, mabawi ang ninakaw na pondo, at dapat magpatupad ng mga sistematikong reporma upang hindi na maulit ang katiwalian sa hinaharap. Iginiit din ni Aquino ang…
Read More‘NUISANCE PROJECTS’ SA KATUBIGAN SA METRO MANILA NA-AUDIT NA
NATAPOS na ang audit sa mga proyekto at istrukturang itinuturing na “nuisance” o sagabal sa daloy ng tubig sa Metro Manila. Sa clean-up operations sa Buhangin Creek sa Mandaluyong, sinabi ni MMDA Chairman Atty. Romando Artes na kumpleto na ang fact-finding sa mga proyektong nagdudulot ng pagbaha at humaharang sa mga waterway. Ayon kay Artes, naisumite na ng Commission on Audit (COA) ang resulta ng imbestigasyon sa mga kaukulang ahensya ng gobyerno at hinihintay na lamang ang kanilang aksyon. Dagdag pa ng MMDA chief, hindi bababa sa 52 booster pumps…
Read More3 PATAY SA BUY-BUST SA QC
PATAY ang tatlong suspek matapos umanong manlaban sa mga pulis sa ikinasang buy-bust operation nitong Martes sa Quezon City. Ayon kay PDEG spokesperson Lt. Marlon Sy, target ng PNP Drug Enforcement Group ang grupo matapos tangkaing i-estafa ang mga operatiba gamit umano ang “double-cross” modus. Nasa target list at intelligence packet na umano ang mga hindi muna pinangalang suspek mula pa noong Agosto. Pero nang ibunyag ang buy-bust money, bigla umanong nagpaputok ang lider, dahilan para mauwi sa palitan ng putok. Nakawala naman ang isa pang kasamahan nila at patuloy…
Read MoreNobyo patay na rin PNP: VIVA MAX ACTRESS HINDI NAMATAY SA BUGBOG
NILINAW ng Philippine National Police (PNP) na hindi dulot ng pambubugbog ang pagkamatay ng Viva Max actress na si Gina Lima, na natagpuang walang buhay sa condo unit ng kanyang dating nobyo na si Ivan Ronquillo sa Quezon City. Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni QCPD Spokesperson Maj. Jennifer Gannaban na base sa autopsy report ng Regional Forensic Unit, ang mga pasa sa hita ni Lima ay “non-fatal” o hindi sapat para ikamatay niya. Batay sa post-mortem findings, nakita rin ang congested at edematous lungs at heart congestion…
Read MoreOMB NAGLUNSAD NG MOTU PROPRIO INVESTIGATION SA PASABOG NI ZALDY CO
INAABANGAN kung aabot kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang imbestigasyon ng Office of the Ombudsman matapos ang pasabog ni Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co. Inihayag ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla na paiiralin ng anti-graft body ang “motu proprio investigation” sa lahat ng indibidwal na idinawit ni Co sa kanyang revelation video, na kinabibilangan ng kasalukuyang Pangulo. Gayunman, iginiit ni Remulla, illogical ang paratang ni Co na may “insertions” kung saan umano’y nakinabang ang Pangulo. Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang lawak at katotohanan ng alegasyon. (JULIET PACOT)…
Read MoreBERSAMIN: ‘DI AKO NAG-RESIGN
ITINANGGI ni dating Executive Secretary Lucas Bersamin na siya ay nagbitiw sa tungkulin, taliwas sa anunsyo ng Malacañang na “out of delicadeza” umano ang kanyang pag-alis sa Gabinete. “Masarap pakinggan ang out of delicadeza. Pero di naman totoo ‘yan, di ako nag-resign,” aniya. “I bow to the prerogative of the President… pero wala akong ibinigay na resignation letter.” Ayon pa sa kanya, ang tanging sulat na ipinadala niya ay kung paano siya papalitan, at iyon ay pinirmahan lamang niya nitong November 18, samantalang November 17 pa diumano in-announce ng Malacañang…
Read MoreBawasan ang kadaldalan – Paras LACSON ‘WAG MAG-ABOGADO PARA KAY MARCOS JR.
NANAWAGAN si dating Negros Oriental rep. Jacinto Paras kay Senator Panfilo “Ping” Lacson, chair ng Senate Blue Ribbon Committee, na maging neutral at huwag masyadong “lawyering” sa administrasyong Marcos. Sa Kapihan sa Manila Bay forum, sinabi ni Paras na dapat manahimik si Lacson at tumuon sa kanyang trabaho, batay lamang sa aktwal na testimonya ng mga testigo at ipinrisintang ebidensya. “He should reform himself at maging neutral, just keep quiet and stick to his work and base his statements on the actual testimony and evidence presented, rather than nakipagsapalaran ka…
Read More