IPINAKALAT ng Jollibee ang holiday cheer sa pamamagitan ng paglulunsad ng kanilang mga bagong Christmas Treats sa Dessert Museum, Pasay City, noong Nobyembre 5, 2025. Kabilang sa mga bagong handog ng paboritong fast-food chain ang Iced Vanilla at Iced Caramel Coffees, creamy Coffee Floats, at ang chocolatey Rocky Road Sundae na gawa sa KITKAT® — mga pampatamis na siguradong magdadala ng saya ngayong kapaskuhan. Ayon sa Jollibee, ang mga treat ay available sa limitadong oras sa mga piling branch sa buong bansa simula sa halagang PHP 60 lamang. Layunin ng…
Read MoreCategory: BALITA
P4.35-B FLOOD CONTROL PROJECTS SA DAVAO CITY KWESTYUNABLE – SOLON
KWESTYONABLE umano ang mahigit ₱4.35 bilyong halaga ng flood control projects sa unang distrito ng Davao City na kinakatawan ni Rep. Paolo “Polong” Duterte, ayon kay ACT Teachers Party-list at Deputy Minority Leader Antonio Tinio. Sa press conference kahapon sa Kamara, sinabi ni Tinio na base sa mga dokumentong nakuha mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at iba pang budget records, mula sa 121 flood control contracts na nagkakahalaga ng ₱6.6 bilyon (2019–2022), 87 kontrata rito na nagkakahalaga ng ₱4.35 bilyon ang may mga iregularidad. “Our analysis…
Read More‘PAGBABANTA’ NI PATIDONGAN SA REPORTER IIMBESTIGAHAN
IIMBESTIGAHAN ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) ang umano’y pagbabanta ni Julie “Dondon” Patidongan, ang self-proclaimed whistleblower sa kaso ng mga nawawalang sabungero, laban sa TV5 correspondent na si Gary De Leon. Sa panayam kay PTFoMS Executive Director Usec. Jose Torres Jr., kinumpirma niyang nakikipag-ugnayan na ang kanilang tanggapan kay De Leon at sisimulan na ang pormal na imbestigasyon sa insidente. Ang ulat ay unang ipinaabot sa PTFoMS ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) matapos humingi ng tulong si De Leon kaugnay ng umano’y banta…
Read MoreSa 7 luxury vehicles ng Discayas BOC NAGTAKDA NG MAHIGIT P100-M FLOOR PRICE
NAGTAKDA ng mahigit sa P100 million floor price ang Bureau of Customs para sa isusubastang pitong luxury cars ng mag-asawang government contractors na sina Pacifico “Curlee” at Sarah Discaya na sinasabing nakakopo ng karamihan ng Department of Public Works and Highways flood control projects. Una rito, nag-isyu ang BOC ng notice for public auction para sa 7 mamahaling sasakyan ng mag-asawang Discaya na sinasabing nagkamal ng multibilyong kita mula sa umano’y maanomalyang government flood control projects sa pamamagitan ng sealed bidding. Kabilang sa luxury vehicles na isusubasta ang Rolls-Royce Cullinan…
Read MoreDUTERTE AT MARCOS ADMIN PAREHONG PALPAK SA PAGTATAYO NG CLASSROOMS
PAREHONG pumalpak ang mga administrasyon nina dating pangulong Rodrigo Duterte at kasalukuyang Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagpapatayo ng mga silid-aralan sa nakalipas na pitong taon. Ito ang ibinunyag ng Makabayan bloc sa kanilang House Resolution (HR) No. 425, na humihiling ng imbestigasyon sa kabiguan ng pamahalaan na maipatupad nang maayos ang School Building Program ng Department of Education (DepEd). Batay sa datos ng grupo, mula 2018 hanggang 2024, naglaan umano ang gobyerno ng pondo para sa 66,494 classrooms sa buong bansa ngunit 4,399 lamang ang natapos. Noong panahon…
Read MoreAIR FORCE CHOPPER NA MAY 6 SAKAY, BUMAGSAK
KINUMPIRMA ng Philippine Air Force (PAF) na isang Super Huey Helicopter na may sakay na anim na sundalo ang iniulat na bumagsak sa pagitan ng Agusan del Sur at Davao de Oro nitong Martes ng umaga. Ayon sa inisyal na ulat, umalis ng Davao ang PAF chopper patungong Butuan nitong Martes bandang alas-10:55 ng umaga nang bumagsak ito sa bisinidad ng Loreto, Agusan del Sur at Laak, Davao de Oro. Sa inilabas na statement ng PAF, ang kanilang Super Huey helicopters ay bumagsak nitong Nobyembre 4, 2025, sa bisinidad ng…
Read MoreDOLOMITE INVESTIGATION PINALAGAN NI POLONG
PINALAGAN ni Davao City Rep. Paolo “Polong” Duterte ang anunsyo ng House Committee on Public Accounts na planong imbestigasyon sa Dolomite Beach sa Manila Bay na proyekto na inilunsad noong panahon ng kanyang amang si dating pangulong Rodrigo Duterte. Galit na sinagot ni Duterte ang pahayag ni ACT Teachers party-list Rep. Antonio Tinio, na nagsabing dapat managot ang lahat ng sangkot sa umano’y “walang silbing proyekto,” mula sa mga opisyal hanggang sa dating Pangulo. “Ang bilis ninyong maghanap ng ‘mananagot’ ngayon, pero noong tunay na ninakawan ang bayan — tahimik…
Read MoreP150K NATANGAY SA JUNK SHOP
CAVITE – Mahigit P150,000 cash at baril ang tinangay ng ‘di pa nakikilalang lalaki mula sa opisina ng isang junk shop sa Gen. Trias City sa lalawigan noong Lunes ng gabi. Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng suspek na tumakas matapos ang insidente. Ayon sa salaysay ng biktimang si alyas “Rain”, 36, negosyante, nagbakasyon sila sa Dasmariñas City, Cavite subalit pagbalik nila sa kanilang junkshop sa Brgy. Tejero, Gen. Trias City, Cavite bandang alas-6:00 ng gabi ay napansin na puwersahang sinira ang padlock ng opisina at tinangay ng suspek ang isang…
Read MorePinakakalkal sa Kamara DREDGING, SAND EXTRACTION NG CHINESE FIRMS PELIGROSO
LABIS ang pagkabahala ni Mamamayang Liberal (ML) party-list Rep. Leila de Lima sa patuloy na dredging at sand extraction activities ng Chinese companies sa bansa, partikular sa San Felipe, Zambales, na aniya’y nagdudulot ng panganib sa kapaligiran at kabuhayan ng mga residente. Sa kanyang House Resolution (HR) No. 424, hiniling ni De Lima sa liderato ng Kamara na magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa umano’y large-scale dredging at extraction operations na kinasasangkutan ng China Harbour Engineering Company Ltd. (CHEC) — isang subsidiya umano ng China Communications Construction Company (CCCC) na pag-aari…
Read More