NAGSUMITE na ng counter affidavit si Charlie “Atong” sa Department of Justice nitong Biyernes ng hapon kaugnay ng kaso ng mga nawawalang sabungero. Sinabi ni Atty. Gabriel Villareal, legal counsel ni Ang, inihain ang kontra-salaysay ng kanyang kliyente sa National Prosecution Service sa DOJ. Ayon pa kay Villareal, ginawa nila nang mas maaga ang paghahain ng kontra-salaysay upang maiwasan ang kaguluhan sa pagdinig lalo pa’t mahigit 61 ang respondents sa kaso. Kabilang sa nakapaloob sa counter affidavit ni Ang ang denial o pagtanggi sa pitong kaso na inihain laban sa…
Read MoreCategory: BALITA
2 CHINESE TIMBOG SA ILLEGAL MEDICAL PROCEDURE
KALABOSO ang dalawang Chinese national na nagsasagawa umano ng medical procedure nang walang kaukulang lisensya at permit sa isang wellness facility sa Taguig City. Ayon kay CIDG Director Police Major Gen Robert Morico II, sinalakay ng mga tauhan ng CIDG-Anti Organized Crime Unit ang Rise Salon and Spa sa Fort Palm Spring sa nasabing Lungsod. Inabutan ng mga awtoridad ang dalawang suspek na isang babae at isang lalaki na kapwa Chinese national, na nagsasagawa ng facial injection sa isang pasyente bilang bahagi umano ng isang medical procedure. Dito na hinanapan…
Read MoreNakipagpulong si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Atty. Vigor Mendoza sa mga transport leaders, operators at iba pang cooperative groups nationwide na ginanap sa consultative assembly upang talakayin ang mga problemang bumabalot na nakaaapekto sa industriya ng transportasyon kahapon sa Quezon City. PHOTO BY: BENEDICT ABAYGAR, JR. 229
Read MoreLAW ENFORCEMENT OPS NAUWI SA BARILAN; 2 PATAY, 3 SUGATAN
MAGUINDANAO DEL NORTE – Nauwi sa madugong sagupaan ang ikinasang joint law enforcement operation nang manlaban ang target ng warrant of arrest na ikinamatay nito at ikinasugat ng tatlo sa panig ng pamahalaan kabilang ang dalawang kasapi ng Philippine Marines sa bayan ng Odin Sinsuat sa lalawigan noong Miyerkoles. Ayon sa ulat, bandang alas-5:00 ng umaga ay tinangkang magsilbi ng warrant of arrest ang pinagsanib na pwersa ng Philippine National Police at Philippine Marines subalit sa halip na sumuko nang buhay ay lumaban ang target at isang kasamahan nito kaya…
Read MoreBATA, SUSPEK PATAY; 2 PULIS, 1 PA SUGATAN SA PAGSISILBI NG WARRANT
LAGUNA – Namatay ang isang bata gayundin ang isang suspek, habang dalawang pulis at isang sibilyan ang nasugatan nang mauwi sa engkwentro ang operasyon ng paghahain ng warrant of arrest sa Calamba City noong Miyerkoles ng umaga. Ayon sa ulat ng Police Regional Office 4A, nangyari ang insidente dakong alas-11 ng umaga sa Purok 5A, Barangay San Cristobal, Calamba City, habang nagsasagawa ng operasyon ang mga tauhan ng Warrant Section ng Calamba City Police Station laban sa provincial most wanted person na may warrant of arrest para sa kasong homicide…
Read MoreGURO BINARIL NI MISTER SA SILID-ARALAN
LEYTE – Binaril ng kanyang mister ang isang babaeng guro sa silid ng paaralan habang nagtuturo nitong Huwebes ng umaga sa Barangay Tanauan sa bayan ng Leyte sa lalawigan. Ayon sa ulat, na nakarating sa Camp Crame, dakong alas-7:45 ng umaga ay bigla na lamang dumating ang suspek na may dalang .38 caliber revolver at pinaputukan ang biktima. Nakilala ang biktimang si Elizabeth Mandreza na tinamaan ng bala sa kanyang kanang balikat habang ang suspek na kanyang mister ay nakilalang si “Adan Mandreza”. Matapos na barilin ay agad tumakas ang…
Read MoreTRICYCLE DRIVER, PATAY SA RIDING IN TANDEM
CAVITE – Patay ang isang tricycle driver nang pagbabarilin ng riding in tandem habang nakaupo sa kanyang tricycle sa bayan ng Naic sa lalawigan noong Miyerkoles ng umaga. Unang dinala sa San Lorenzo Hospital ngunit inilipat sa Tanza Medical Hospital ang biktimang si alyas “Michael” subalit idineklarang dead on arrival. Inilarawan ang mga suspek na magkaangkas sa isang itim na motorsiklong Aerox, na tumakas matapos ang insidente. Ayon sa ulat, bandang alas-7:45 noong Miyerkoles ng umaga nang mangyari ang insidente sa Brgy. Sabang, Naic, Cavite. Habang nakaupo umano ang biktima…
Read MoreMGA DISCAYA MAY GUSTONG ISALBA?
NANINIWALA si Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla na posibleng may “malalaking taong” pinoprotektahan ang mag-asawang Curlee at Sarah Discaya matapos tanggihan ang panawagan ng Independent Commission on Infrastructure (ICI) na maglabas ng lahat ng impormasyon kaugnay sa mga maanomalyang proyekto ng gobyerno. Sa panayam nitong Miyerkoles, Oktubre 15, sinabi ni Remulla na halatang nagpipigil ang mag-asawa sa pagsisiwalat ng buong katotohanan. “They were not in a tell-all mood… They wanted to spare a lot of people and just choose what they wanted to say,” pahayag ni Remulla. Ayon sa Ombudsman,…
Read MorePBBM PARANOID, INSECURE – VP SARA
TINAWAG na “paranoid” ni Vice President Sara Duterte si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., matapos umano siyang paulit-ulit na atakehin ng administrasyon kahit wala naman siyang ginagawang masama. Sa isang press conference sa Kamuning Bakery bilang panauhing pandangal sa World Pandesal Day, sinabi ni Duterte na tila sobra ang pagtingin sa kanya ng kampo ng Pangulo. “Kahit saan ako magpunta, tinatanong kung ilan ang kasama ko. Kapag may opisyal ng gobyerno na bumisita sa akin, agad sinasabi — ‘bakit, ano’ng ginagawa niyan kay Inday Sara?’” aniya. Ayon pa kay Duterte,…
Read More