NASA 112,000 unregistered vape products na tinatayang mahigit sa P50 milyon, kasama ang buwis na dapat bayaran nito, ang nasamsam ng mga ahente ng Bureau of Customs sa Port of Manila. Ayon kay BOC Commissioner Bienvenido Rubio, ang unang shipment ng kontrabando ay agad na namarkahan dahil sa kuwestyunableng mga impormasyon na natanggap ng Enforcement Group, kaya inisyuhan ang nasabing shipment ng Pre-Lodgments Control Order (PLCO) sa kahilingan ni Deputy Commissioner Teddy Raval. Bunsod nito, ipinag-utos na suriin ng Aduana ang laman ng dalawang 40-foot high-cube containers. Dito nalantad ang…
Read MoreCategory: BALITA
6 HINIHINALANG FOREIGN SPIES, INARESTO NG AFP AT NBI
KINUMPIRMA ng Department of National Defense (DND) na nagsagawa ng joint law enforcement operation ang composite team mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP), National Bureau of Investigation (NBI), at Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) na nagresulta sa pagkakaaresto sa anim na banyaga at dalawang Pilipino sa bisa ng inisyung warrant of arrest ng korte. Ayon sa inilabas na impormasyon ng DND, kabilang sa mga nahuli ang limang Chinese, isang Cambodian, at dalawang Pilipino na inaresto dahil sa paglabag sa Securities Regulation Code at Cybercrime Prevention Act. Target ng…
Read MoreSNATCHER NASUKOL SA FOLLOW-UP OPS
ARESTADO ng mga tauhan ng San Nicolas Police Community Precinct, sakop ng Meisic Police Station 11 ng Manila Police District, ang isang 23-anyos na umano’y snatcher makaraang humingi ng tulong ang biktimang online seller na inagawan nito ng cellphone sa San Roque Street, Barangay 20, Tondo, Manila noong Miyerkoles ng hapon. Kinilala ang suspek na si alyas “Jomar”, binata, driver, residente ng Isla Puting Bato, Brgy. 20, Tondo. Ayon sa ulat ni Police Major Joselito Baun Delos Reyes, hepe ng PCP, bandang alas-3:00 ng hapon nang humingi ng tulong ang…
Read MorePEDICAB DRIVER NASAGIP SA TANGKANG SUICIDE
NASAGIP ng mga tauhan ng Manila Police District at ng Bureau of Fire Protection ang isang 43-anyos na pedicab driver na nagtangkang tumalon mula sa rooftop ng isang gusali sa Victoria St., Ermita, Manila noong Miyerkoles ng gabi. Nauna rito, agad nagresponde ang mga tauhan ng MPD – Ermita Police Station 5, Special Weapon and Tactics (SWAT), Bureau of Fire Protection at District Intelligence Division (DID) sa nasabing lugar dahil sa ulat na tangkang pagpapakamatay ng isang lalaking si alyas “Jessie”, residente ng Intramuros, Manila. Ayon sa ulat ni Police…
Read More‘BATO’ INUPAKAN SA PLANONG PAGTATAGO
BINATIKOS ng Malakanyang si Senator Ronald ”Bato” dela Rosa nang sabihin nito na kinokonsidera niya na magtago na lamang kaysa sa sumuko sa International Criminal Court (ICC) sa oras na magpalabas na ng warrant of arrest laban sa kanya. “Hindi po natin sinasang-ayunan ang ganoong klase pong paniniwala at kanyang nais gawin,” ang sinabi ni Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang. “Hindi po ito makakabuti sa mga kababayan natin na mismong lider natin ay hindi haharapin ang anumang kaso o complaint…
Read MoreCYBER LIBEL VS TIGLAO ISINAMPA NI HOUSE DEPUTY SPEAKER DUKE FRASCO
INIREKLAMO ni House Deputy Speaker Vincent Franco “Duke” Frasco ng Cyber Libel ang journalist na si Rigoberto Tiglao. Nag-ugat ang reklamo matapos akusahan ni Tiglao sa kanyang artikulo sa The Manila Times na tumanggap ng suhol si Frasco para lumagda sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte. Ayon kay Frasco, walang katotohanan sa mga akusasyon ni Tiglao at layon nitong bahiran ang kanyang reputasyon bilang House Deputy Speaker. Iginiit ni Frasco na ang kanyang pasya na lumagda sa impeachment complaint ay ibinase sa kanyang prinsipyo at commitment sa…
Read MoreIMEE BUMISITA SA QC HALL
MAINIT na pagtanggap ang ibinigay ni Mayor Joy Belmonte kay Sen. Imee Marcos sa kanyang pagbisita sa Quezon City Hall. Sa kanyang pagdalaw, kinumusta ng senadora ang mga opisyal ng barangay upang talakayin ang mahahalagang usapin para sa kaunlaran ng lungsod. Kasama sa mga malugod na bumati sina Barangay and Community Relations Department head Ricky Corpuz at Coun. Mari Rodriguez. (DANNY QUERUBIN) 205
Read MoreCAYETANO: DUE PROCESS PARA SA LAHAT KASAMA SI DUTERTE
BINIGYANG-DIIN ni Senator Alan Peter Cayetano nitong Huwebes ang kahalagahan ng due process, kahit sa kaso ni dating pangulong Rodrigo Duterte. Aniya, dapat itong ipatupad sa lahat, maging ordinaryong mamamayan o opisyal ng gobyerno. “Basically there’s so much confusion. We’re trying to get to the [bottom of the] confusion to make sure we respect our constitution and everyone’s right is protected. Even if a person, a private citizen or government [personnel] is accused, the duty of the constitution [is] that everyone should be given due process… I’m just making the…
Read MorePAGBOMBA NG ISRAEL SA GAZA KINONDENA NG MUSLIM CONGRESSMAN
MARIING kinondena ng isang Muslim congressman ang pag-atake muli ng Israel sa Gaza na nagresulta umano ng kamatayan ng daan-daang sibilyan, kasama na ang mga kababaihan at mga bata. Lalong nadurog umano ang puso ni Basilan representative Mujiv Hataman dahil itinaon ang pagbomba sa Gaza sa panahon ng Ramadan na sagradong panahon ng mga Muslim at kahit umiiral pa umano ang tigil-putukan. “Durog na durog na ang puso ng bawat Muslim sa buong mundo sa mga larawang lumalabas mula sa Gaza. Mga katawan ng bata na walang buhay, mga pamilyang…
Read More