(JOCELYN DOMENDEN) SA pag-arangkada ng nationwide gun ban nitong Linggo ay apat na indibidwal agad ang nahuli. Ang gun ban at pagpapatupad ng checkpoints sa bansa ay sinimulan kahapon January 12 hanggang June 11, 2025, bilang bahagi ng election period para sa nalalapit na May 2025 midterm elections. Mismong si PNP Chief General Rommel Francisco Marbil ang nag-ulat sa pagkakahuli sa gun ban ng apat katao, sa isang ambush interview. Kaugnay nito ay mahigit isang libong checkpoints ang ipinakalat sa iba’t ibang lungsod at bayan upang maiwasan ang election related…
Read MoreCategory: BALITA
137K ESTUDYANTE TATANGGAP NG P15K NGAYON TAON
NAGLAAN ang Kongreso ng mahigit dalawang bilyong piso ngayong taon para tulungan ang mga mahihirap na estudyante lalo na ang mahihirap sa kanilang tuition fees at iba pang gastusin sa paaralan. Ito ang nabatid kay Quezon City Rep. Marvin Rillo ukol sa P15,000 na matatanggap ng may 137,000 estudyante ngayong taon sa buong sa ilalim ng Tulong Dunong Program. “In the 2025 General Appropriations Law, Congress earmarked the sum of P2.06 billion for the TDP, which provides grantees with cash aid of P7,500 per semester, or P15,000 per academic year,”…
Read MoreMilyong miyembro inaasahan sa Luneta INC RALLY PARA SA MGA DUTERTE?
TINAWAG lamang umano ng Iglesia ni Cristo (INC) na “rally for peace” ang kanilang pagtitipon ngayong araw sa Luneta subalit ang katotohanan ay para ito proteksyunan ang mag-amang dating pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Sara Duterte. “Organizers of the January 13 might deny it, but tomorrow’s gathering reeks of partisan politics – it is meant to shield Vice Pres. Sara Duterte from impeachment and her father Rodrigo from being held accountable for his crimes against humanity,” ani dating Bayan Muna party-list Rep. Teddy Casino. Ngayong araw ay inaasahang milyon-milyong…
Read MoreMORALIDAD DAPAT INGATAN NG UNIFORMED PERSONNEL -SOLON
PINAALALAHANAN ni Manila 2nd District Representative Rolando “CRV” M. Valeriano ang mga empleyado ng gobyerno, partikular na ang mga nasa hanay ng uniformed services, na panatilihin ang mataas na moralidad at igalang ang halaga ng pamilya. Ang kanyang pahayag ay kaugnay ng kontrobersyal na kaso ng nagbitiw na Senior Fire Officer 2 Reyca Janisa Palpallatoc, na kasalukuyang iniimbestigahan ang lisensya bilang registered nurse (RN) dahil sa alegasyon ng imoralidad. “Naiintindihan natin na nangyayari ang mga relasyon ng pagmamahalan sa mga tao. Pero kapag may pamilyang nasira dahil dito at naapektuhan…
Read MoreMASLOG BIGO SA BAIL PETITION SA SANDIGANBAYAN
NALIGWAK muli ang bail petition ng kontrobersyal na personality na dawit sa maanomalyang pagbili ng P24-million textbook na si Mary Ann Maslog. Ito ay makaraang ibasura ng Sandiganbayan ang kanyang ikalawang motion for reconsideration na humihiling baligtarin ng korte ang naunang desisyon ng pagbasura sa kanyang pansamantalang kalayaan. Si Maslog na kilala rin sa alias na Dra. Jessica Francisco ay naghain ng unang motion for reconsideration noong Nov. 25, 2024 ngunit agad itong ibinasura noong Disyembre 12, 2024. Subalit sa resolution noong Dec. 19, 2024, ibinasura ng Sandiganbayan Second Division…
Read MorePUGANTENG KANO HINARANG NG BI
HINARANG ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Amerikano na tinutugis sa kanilang bansa dahil sa kasong sexual assault. Iniulat ni BI Nueva Ecija head Rick Carlo Balingit, hinarang si Michael Lewis Ginsberg, 67, nang tangkain nitong palawigin ang kanyang tourist visa sa BI field office sa Cabanatuan. Nabatid sa ulat, nagsagawa ang assessor na si Nicole Matulac ng regular derogatory check at natuklasan na aktibong nasa watchlist si Ginsberg dahil sa immigration deportation case. Ayon sa mga awtoridad sa Amerika, si Ginsberg ay may warrant of…
Read MoreTOP 3 MWP SA RAPE ARESTADO SA PASIG
ARESTADO sa mga awtoridad noong Biyernes ng hapon ang isang top 3 most wanted person sa kasong rape, sa ikinasang manhunt operation sa Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City. Ayon sa report ni PCol. Hendrix Mangaldan, chief of police ng Pasig City Police Station, hindi na nakapalag ang suspek na si alyas “Kuya Vangie,” 44, may live-in partner, jobless, at residente ng nasabing barangay, nahaharap sa kasong statutory rape sa ilalim ng Article 266-A (1)(d) at Section 10(a) ng R.A. No. 7610 o Special Protection of Children Against, Exploitation and Discrimination Act.…
Read MoreVIETNAMESE ARESTADO SA ILLEGAL BEAUTY CLINIC
DINAKIP ng mga tauhan ng Organized and Transnational Crime Division (OTCD) ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang Vietnamese national sa kasong illegal practice of medicine. Kinilala ang inaresto na si Trinh Thi Kieu Nguyen aka “Dr. Rosa” dahil sa kasong paglabag sa Section 10 in relation to Section 28 ng Republic Act 2382 (Illegal Practice of Medicine) sa Mandaluyong City. Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, nadakip ang suspek makaraang inguso ng mapagkakatiwalaang impormante ang hinggil sa isinasagawang medical procedures nito bagama’t hindi awtorisado. Inaresto ang suspek sa…
Read MoreWALANG PALAKASAN SA PAGKUHA NG BUSINESS PERMIT SA PASAY
Tuloy pa rin ang dagsa ng mga may-ari ng negosyo sa Pasay City na gustong mag-renew at kumuha ng panibagong business permit sa Business Permit and Licensing Office (BPLO) ng City Hall. Ayok sa BPLO, nasa 600 hanggang 700 ang kaya nilang iproseso sa isang araw kaya posibleng matapos ang renewal at pagtanggap nila ng mga bagong business permit applications hanggang sa Enero 20. Sinimulan ang on-site at online business application ng BPLO noong Enero 2, 2025 upang bigyan ng pagkakataon ang lahat ng business establishment na kumuha ng permit.…
Read More