NANAWAGAN si dating Angadanan, Isabela Mayor Manuel “Noli” Siquian kay Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro na bigyang pansin ang lumalalang problema umano sa korupsyon, droga at kriminalidad sa lalawigan ng Isabela sa kasalukuyang mga namumuno rito. Ilan sa tinukoy ng dating alkalde ang maanomalyang bilyones umano na road projects na nagsimula sa Ilagan City hanggang sa munisipalidad ng Divilacan, Isabela at ilan pang bayan nito, na gamit ang inutang na pondo sa Development Bank mula 2016 hanggang sa kasalukuyan, ang mga inosenteng mamamayan at mga hindi pa…
Read MoreCategory: BALITA
CO SINIPA BILANG APPRO CHAIRMAN NG KAMARA
INALIS bilang chairman ng makapangyarihang Committee on Appropriations si Ako Bicol Rep. Elizaldy Co kahapon. Mismong si presidential son at House senior majority leader Sandro Marcos ang nagmosyon para ideklara bilang ‘vacant’ ang nasabing komite at dahil walang tumutol ay inaprubahan ito sa plenaryo ng Kamara. Mula noong June 2022 ay pinamunuan ni Co ang nasabing komite na nag-apruba sa unang tatlong national budget ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., o 2023, 2024 at 2025 general appropriations act (GAA). Si Co ang lider ng House contingent sa Bicameral Conference committee…
Read MorePANAWAGAN NG INC PARA SA PAGKAKAISA SUPORTADO NG AKO-OFW PARTY-LIST
SI Dr. Chie Umandap (kaliwa) kasama si Mayor Christian Rodrigues ng Taytay, Palawan. SUPORTADO ng AKO-OFW Party-list ang panawagan ng Iglesia ni Cristo para muling magkaayos ang mga pinuno ng bansa. Ayon sa Advocates and Keepers Organization of OFW Inc. o mas kilala bilang AKO-OFW Party-list at first nominee na si Dr. Chie Umandap, sang-ayon ito sa panawagan ng Iglesia ni Kristo para sa pambansang kapayapaan. Una na rito ay nanawagan din ang AKO-OFW Party-list na pansamantalang italaga si Vice President Sara Duterte bilang OFW Czar na siyang mamamahala sa…
Read MoreMANILA MAYOR PANGATLO SA TOP PERFORMING SA NCR
PANGATLO si Manila Mayor Honey Lacuna sa “Pulso ng Bayan: Top Performing Mayors of National Capital Region” sa kanilang survey na isinagawa para sa buwan ng December 2024. Ang nasabing survey ay nagtatampok sa outstanding performance ng mga local chief executive sa National Capital Region (NCR). Nanguna sa listahan si Mayor Joy Belmonte ng Quezon City na may approval rating na 92.7%, na statistically tied kay Mayor Vico Sotto of Pasig City, na nakakuha ng 92.3%. Sila ay sinundan bilang top performers nina Mayor Emi Calixto-Rubiano ng Pasay City na…
Read MorePNP IIMBESTIGAHAN SA DRUG OPS MULA 2016
IKAKASA ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Philippine National Police-wide investigation na may kinalaman sa pagkumpiska ng ilegal na droga na sisimulan nito sa taong 2016 hanggang 2022 matapos sampahan ng criminal charges ang nasa 30 pulis. Ang pahayag ni DILG Secretary Jonvic Remulla ay matapos na ipag-utos ng Department of Justice (DoJ) ang paghahain ng criminal charges laban sa 30 pulis na may kaugnayan sa pagkumpiska ng mahigit sa 900 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6.7 billion sa serye ng anti-drug operations sa Maynila.…
Read MoreLIFE IMPRISONMENT AT P10 MILYONG MULTA ITUTULAK NI REP. TULFO LABAN SA SCAMMER NG MGA OFW
ITINUTULAK ni House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo at kanyang mga kasamahan sa ACT-CIS party-list ang mas mabigat na parusa at pagkakulong sa sinomang manloloko at mambibiktima ng mga OFW at kanilang pamilya. Ihahain ngayong Lunes (Enero 13), sa muling pagbubukas ng sesyon ng Kongreso ang House Bill na “an act penalizing fraud against Overseas Filipino Workers (OFW) and providing penalties for violation thereof”. Kasama ni Tulfo na maghahain ng panukalang batas ang kanyang mga kasamahan sa ACT-CIS partylist na sina Reps. Edvic Yap at Jocelyn Tulfo, Benguet Rep. Eric…
Read MoreSUPORTA NG PUBLIKO SA ‘IMPEACH SARA’ HINDI IKINAGULAT SA KAMARA
HINDI na ikinagulat ng mga kongresista ang resulta ng pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS) na nagpapakita na suportado ng 41 porsyento ng mga Pilipino ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte dahil sa dami ng ebidensya kaugnay ng maling paggamit ng confidential funds at pagtataksil sa tiwala ng publiko. Ito ang naging reaksyon nina House Assistant Majority Leader at Zambales 1st District Rep. Jay Khonghun at Deputy Majority Leader at La Union 1st District Rep. Paolo Ortega V nang makita ang resulta ng survey. Ayon sa kanila,…
Read MorePAGBABA NG UNEMPLOYMENT RATE MAGANDANG BALITA PARA KAY SPEAKER ROMUALDEZ
MAGANDANG balita at positibong pag-unlad para sa bansa ang pagbaba ng bilang ng mga walang trabaho. Ito ang sinabi ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez kaugnay ng Labor Survey ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nagpapakita na ang bilang ng mga Pilipino na walang trabaho ay bumaba sa 3.2 porsyento noong Nobyembre ng nakaraang taon mula sa 3.9 porsyento noong Oktobre 2024 o katumbas ng 1.66 milyong katao. Bumaba rin ang antas ng underemployment sa 10.8 porsyento noong Nobyembre mula sa 12.6 porsyento noong Oktubre. Sinabi ni Speaker Romualdez na…
Read MoreMGA LIDER NG KAMARA IKINATUWA MALAKAS NA SUPORTA SA QUAD COMM
IKINATUWA ng mga lider ng Quad Committee ng Kamara de Representantes ang malakas na suporta ng publiko sa imbestigasyon nito upang lumabas ang katotohanan at mapanagot ang mga may sala sa kalakalan ng ilegal na droga, ilegal na operasyon ng POGO, at libu-libong extrajudicial killings noong panahon ni dating pangulong Rodrigo Duterte. Ayon sa resulta ng survey na isinagawa ng Pulse Asia mula Nobyembre 26 hanggang Disyembre 3, 2024, 61 porsiyento ang pabor sa imbestigasyon ng Quad Comm. “This is a clear mandate from the people to pursue justice and…
Read More