NON-WAGE BENEFITS TULAD NG ALLOWANCES, SUBSIDIES ISINUSULONG NG TRABAHO PARTY-LIST

PARA maiangat ang antas ng pamumuhay ng bawat Pilipinong manggagawa, isinusulong ng Trabaho Party-list ang paghahandog ng mga non-wage benefits tulad ng allowances at subsidies. Ayon kay Atty. Mitchell-David Espiritu, tagapagsalita ng Trabaho Party-list, mainam ang paghahandog ng mga naturang benepisyo, lalo na’t mayroon na namang 2.3% inflation rate noong Oktubre 2024. Hinimok ng grupo ang mga employer na magbigay ng benepisyo tulad ng rice subsidy, transportation allowance, at medical allowance upang maibsan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng bilihin. Para kay Atty. Espiritu, itong mga non-wage benefits ang…

Read More

P48-M PONDO PARA SA SENIORS NG MAYNILA, HAWAK PA NG PAYMAYA

IBINUNYAG ni Mayor Honey Lacuna na ang city funds na nagkakahalaga ng P48 million na laan para sa monthly allowance ng 8,000 senior citizens sa Maynila, ay nanatiling nasa PayMaya. Ang halaga ay katumbas ng allowances ng 8,000 individual seniors na P6,000 kada taon. Ang PayMaya system kung saan kinukuha ng senior citizens ang kanilang monthly allowance ay ipinatupad ni dating Mayor Isko Moreno, noong mayor pa siya. “Noong panahon po niya idinaan po ang mga allowances ng senior citizens natin through PayMaya. Napakarami pong mga reklamo sa akin na…

Read More

Pagbasura sa appointment ng ex-TESDA chief bilang Army colonel reservist pinuri ng BARMM peace advocate

IKINATUWA ng isang dating kongresista ang pagbasura ng Commission on Appointment sa ad interim appointment ni ex-TESDA chief Suharto ‘Teng’ Mangudadatu bilang Army colonel reservist. Ayon kay Esmael ‘Toto’ Mangudadatu, ngayo’y isang peace advocate sa BARMM, ang pagbasura ng CA sa pagtalaga kay Teng bilang colonel reservist sa Armed Forces of the Philippines ay makatuwiran. Tinukoy ni Toto, 3rd degree cousin ni Teng, ang mga pagkakataon sa track record ng umano’y mga pang-aabuso ng kanyang pinsan. “Ang daming reservist na nandito sa amin na nagagamit ni Teng. Libo ang reservist…

Read More

IMPEACHMENT VS SARA ISINAMPA NA

PORMAL nang sinampahan kahapon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ng impeachment case si Vice President Sara Duterte. “Today, I formally endorse the first-ever and historic impeachment complaint filed by our citizens against Vice President Sara Duterte,” ani Akbayan party list Rep. Perci Cendaña. Bukod sa partido ni Cendaña, kasama sa complainant si dating sen. Leila de Lima at kabilang sa grounds ay betrayal of humanity public trust, culpable violation of the constitution, other high crimes o graft and corruption. Layon umano ng mga ito na panagutin si Duterte sa kanyang…

Read More

Kaya nagpreno sa impeachment vs VP Sara MARCOS IWAS MAGMUKHANG ‘WEAK LEADER’

(CHRISTIAN DALE) NANINIWALA ang isang political analyst na maaaring magmukhang ‘weak leader’ o ‘lame duck’ si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kung malulusutan ni Vice President Sara Duterte ang impeachment attempt sa kanya. Sa isang panayam, sinabi ni political analyst Ronald Llamas na ang naging kautusan ni Pangulong Marcos sa kanyang mga kaalyado sa Kongreso na huwag nang maghain ng impeachment complaint laban kay VP Sara ‘could be taken at face value.’ “Pwede nating tingnan na ‘yung isang kamay niya ayaw niya ‘yung impeachment…pwede rin na habang dumidistansya siya ay ‘yung…

Read More

‘2022 presidency was mine already’ YOUNG GUNS SUPALPAL KAY VP DUTERTE

BINUWELTAHAN ni Vice President Sara Duterte ang mga mambabatas sa Kamara at sinabing sa kanya talaga ang 2022 presidency ngunit nagbigay-daan lamang siya. Pinagbatayan umano ni VP Sara ang mga survey at pagkakaisa ng mga tao para sa kanyang kandidatura. “The presidency of 2022 was mine already. Nanalo na ako sa surveys, lahat ng tao solid na, united na for my candidacy. Pero I gave it away because I felt I had to do some other things other than being president of the Republic of the Philippines,”ayon kay VP Sara.…

Read More

11 LOOSE FIREARMS INABANDONA SA MAGUINDANAO DEL SUR

NADISKUBRE ng mga sundalo ng 33rd Infantry Battalion ang 11 high-powered firearms matapos umanong abandonahin ng armadong kalalakihan sa hangganan ng Barangay Pimbalakan at Tukanalipao sa Mamasapano, Maguindanao del Sur. Isang concerned citizen ang nagbigay ng impormasyon kay Lt. Col. Udgie Villan, Commanding Officer ng 33IB, habang nagsasagawa sila ng pulong-pulong sa Barangay Gymnasium ng Tukanalipao ng nasabing munisipyo. “Agad tayong nagsagawa ng hakbang matapos maibigay sa atin ang impormasyon hinggil sa kinaroroonan ng mga iniwang armas mula sa grupo ni Zainodin Kiaro para makaiwas sa tropa ng pamahalaan na…

Read More

KUYA GRINIPUHAN SA AWAY SA BLUETOOTH SPEAKER

CAVITE – Patay ang isang 53-anyos na lalaki makaraang saksakin ng nakababatang kapatid dahil sa paggamit ng biktima sa bluetooth speaker ng suspek nang hindi nagpapaalam sa bayan ng Tanza noong Linggo ng gabi. Isinugod sa Tanza Specialist Medical Center ang biktimang si Michael Verde Flor Bustillos, subalit idineklarang dead on arrival. Arestado naman ang suspek na si alyas “Miegene”, 49, nakababatang kapatid ng biktima. Ayon sa ulat, dakong alas-7:00 ng gabi, hinanap ng suspek ang kanyang bluetooth speaker nang hindi nito makita sa loob ng kanilang bahay. Nang makita…

Read More

E-BIKE INANOD SA BAHA, 2 SENIORS NALUNOD

CAMARINES SUR – Nalunod ang dalawang senior citizen nang anurin ang sinasakyan nilang e-bike ng baha sa spillway ng Brgy. Biong, sa bayan ng Cabusao sa lalawigan noong Linggo. Kinilala ang mga biktimang sina Jessie de los Santos at Jun Grimpluma. Ayon sa report ng Camarines Sur Provincial Police Office, tinangkang itawid ng nagmamaneho ng e-bike ang spillway sa kasagsagan ng buhos ng ulan na nagdulot ng pagbabaha. Ngunit tinangay na agos ang e-bike at ang apat na sakay nito. Nakaligtas ang dalawa nang makalangoy ang mga ito patungo sa…

Read More