SA LANDSLIDE SA CAMSUR

CAMARINES SUR – Patay ang isang 52-anyos na lalaki habang sugatan ang kanyang 49-anyos na misis sa nangyaring landslide matapos ang malakas na buhos ng ulan dulot ng shearline sa Barangay Ananeam, sa bayan ng Labo sa lalawigan noong Linggo ng gabi. Ayon sa report ng Labo MDRRMO, nagiba ang isang bahagi ng bahay nina Eliberto Merilla, at Mary Ann Merilla, matapos mabagsakan ng gumuhong lupa at bato. Isinugod ang ginang sa Camarines Norte Provincial Hospital sa Daet para sa agarang lunas bunsod ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi…

Read More

PASAYAHIN 2024: TULOY-TULOY ANG SIGLA!

MAS pinasaya at mas pinabongga ang isinagawang Parade of Lights at Street Dancing Competition ng Pamahalaang Lungsod ng Pasay kahapon. Bukod sa mala-fiestang street dancing, ipinarada rin ang iba’t ibang pailaw at float lulan ang sari-saring palamuti bilang pakikiisa sa ika-161 Founding Anniversary ng lungsod na may temang “Pasayahin 2024: Tuloy-tuloy ang Sigla!” Naglatag din ng mga aktibidad at salu-salo para sa mga Pasayeño. Dinagsa ng libu-libong Pasayeño ang aktibidad lalo’t suspendido ang klase at trabaho sa buong lungsod nitong Lunes, upang bigyang-daan ang selebrasyon ng Araw ng Pasay. (DANNY…

Read More

RUSSIAN ATTACK SUBMARINE PUMASOK SA KARAGATAN NG PH

LABIS na ikinabahala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang namataang Russian attack submarine sa West Philippine Sea (WPS) noong nakaraang linggo. “That’s very concerning. Any intrusion into the West Philippine Sea, of our EEZ, of our baselines is very worrisome. Yes it’s just another one,”ang sinabi ni Pangulong Marcos sa mga mamamahayag. Sinabi pa ng Pangulo na hahayaan niya ang Philippine military na pag-usapan ang bagay na ito. Nauna rito, kinumpirma naman ni Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson para sa WPS Commodore Jay Tarriela ang impormasyong isang Russian attack submarine…

Read More

PASKO SA LAS PIÑAS

PINANGUNAHAN ni Senator Cynthia Villar ang kauna-unahang Christmas Tree Lighting ceremony sa People’s Park sa Barangay Daniel Fajardo, Las Piñas City sa unang araw ng Disyembre, bilang hudyat ng opisyal na pagsisimula ng kapaskuhan sa lungsod, na siyang kinikilala ring Parol Capital ng Metro Manila. Ang seremonya ay ginawang mas espesyal sa pamamagitan ng magagandang tinig ng Las Piñas Voice Choir, na nagbigay ng magical feel at nagdala ng diwa ng Pasko sa lahat. Sa kanyang mga pahayag, binigyang-diin ni Villar kung paano pinagsasama-sama ng kapaskuhan ang mga pamilya at…

Read More

DOH NAALARMA SA PAGLOBO NG KASO NG HIV

NAALARMA ang Department of Health (DOH) sa datos na aabot sa 215,400 ang kabuuang kaso ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) sa pagtatapos ng kasalukuyang taon. Sa pinakahuling pagsusuri ng DOH, mayroong 4,595 na kumpirmadong HIV-positive na individuals mula Hulyo hanggang Setyembre 2024. Sa nasabing bilang ay mayroong 1,301 o katumbas ng 28 percent dito ang mayroong advance HIV infection sa panahon ng kanilang diagnosis. Mayroon ding 50 HIV cases ang naitatala sa bansa kada araw kung saan 4,362 dito o 95 percent ay kalalakihan habang 233 o 5 percent ay…

Read More

GOBYERNO MAGTATAYO NG NAVAL BASE SA MISAMIS OR

PLANO ng gobyerno na magtayo ng naval base sa Misamis Oriental. Sinabi ni Defense Secretary Gilbert Teodoro na ang panukalang naval base ay aakto bilang base ng Philippine Naval Operations sa Mindanao at magiging tahanan ng 15th Strike Wing ng Philippine Air Force (PAF). “May runway na tayo, secure ang runway at pinalalakihan na rin ang rampa para ganon may bagsakan ng goods at services. Yung naval base na proposed, magiging logistics center din. Yung mga heavy goods na kinakailangan for military purposes or for humanitarian assistance or disaster response…

Read More

MAYOR PASCUAL PINANGUNAHAN GROUNDBREAKING NG NE HOUSING PROJECT

PINANGUNAHAN ni Llanera Mayor Ronnie “Roy” Pascual ang iba pang opisyales ng Nueva Ecija sa groundbreaking ceremony para sa pagpapagawa ng mahigit 30,000 housing units sa Nueva Ecija, na nasa ilalim ng flagship program ni Presidente Ferdinand R. Marcos Jr., “The Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Housing (4PH) Program”. Layon ng administrasyong Marcos na magpatayo ng anim na milyong housing units na lilikha ng 1.7 milyon na trabaho kada taon mula 2023 hanggang 2028 at ang paggawa ng libo-libong housing units sa Llanera, Nueva Ecija ay parte ng proyekto ng…

Read More

Marcos admin sinisingil KINITA SA SIN TAXES SAAN NAPUNTA?

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) HINDI titigil ang mga health advocate na pigilan ang administrasyong Marcos Jr. sa paggamit sa pondo ng ilang ahensya ng pamahalaan para pondohan ang kanilang mga programa. Sa Pandesal forum noong isang linggo, kinuwestyon ng mga health advocate na kinabibilangan ni Cielo Magno, kung saan napunta ang kinita ng gobyerno sa sin taxes na nakalaan para sa kalusugan. Muli rin nilang kinondena ang paglilipat ng pondo ng PhilHealth para sa infrastructure program ng administrasyong Marcos. Sa Palace press briefing, sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan…

Read More

Retired AFP, PNP officers napuno na ROMUALDEZ RESIGN NOW NA!

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) NAGPAHAYAG ng pagkadismaya ang mga retiradong opisyal ng sundalo at pulisya laban sa liderato ni House Speaker Martin Romualdez. Sa pamamagitan ng open letter na ipinakalat kahapon, hiniling ng mga retiradong heneral ang pagbibitiw sa pwesto ni Romualdez dahil umano sa mga korupsyon sa ilalim ng kanyang pamamahala. Inakusahan ni dating National Intelligence Coordinating Agency (NICA) Chief Maj. General Alex Paul Monteagudo kasama ang ilang retirees mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na itinataguyod ni Romualdez ang ‘unsustainable’ na…

Read More