15 DAGDAG SA CAMANAVA COVID DEATHS

NAGTALA ng 15 namatay sa COVID-19 ang CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area noong Mayo 19, nabatid sa health offices ng nasabing mga lungsod. Ayon sa ulat, sampu ang namatay sa Caloocan at 1,169 ang active cases. Pumalo na sa 29,962 ang total confirmed cases sa lungsod, kung saan 27,929 na ang gumaling at 864 ang namatay. Samantala, dalawa ang binawian ng buhay sa Navotas City at 154 ang active cases sa lungsod makaraang 24 ang nagpositibo at 20 ang gumaling. Sumampa na sa 10,742 ang tinamaan ng COVID sa…

Read More

Sa Taguig 9th vaccination site 800 KATAO TARGET BAKUNAHAN KADA ARAW

BINUKSAN kamakalawa ang ika-siyam na vaccination site sa isang mall sa Mckinley Hill, Brgy. Pinagsama, Taguig City. Layon ng bagong vaccination hub na ito na mapabilis ang kasalukuyang rollout na may 2 vaccination teams per cinema na nagsasagawa ng inoculations sa tinatayang 400 katao na daily capacity. “We have a good number of vaccine supplies as of now. We were told by the national government that there will be more in June. With that, the job of the LGU is to make sure that vaccination is safe, fast, and accessible.…

Read More

MOA PARA SA DAGDAG NA MEDICAL WORKERS

MAGTUTULUNGAN na ang Anti-Crime and Terrorism Community Involvement and Support (ACT-CIS) Party-list at ang Quezon City government upang mapabilis pa ang vaccination drive sa lungsod. Lumagda kahapon sina Quezon City Mayor Joy Belmonte at ang ACT-CIS Party-list sa pangunguna ng magkapatid na radio broadcasters na sina Raffy at Erwin Tulfo, ng Memorandum of Agreement (MOA) hinggil dito, sa isang seremonya na ginanap sa Annabel’s restaurant sa Timog Avenue, QC. Tiniyak ng ACT-CIS na sila ay committed para tumulong sa vaccination program ng Quezon City, sa pamamagitan ng pagbibigay ng medical…

Read More

DILG BIBIGYAN NG PAPEL SA VACCINE DELIVERIES

SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na dapat maging kabahagi ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa ninanais ng Pfizer na direct vaccine delivery ng kanilang mga bakuna. Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr., gusto ng Pfizer na huwag nang magkaroon ng double handling at sa halip ay ideretso na agad ang kanilang bakuna sa kinauukulang Local Government Unit (LGUs). Sinabi ng pangulo na ang magiging trabaho ng DILG ay tingnan kung ano pa ang kakailanganin sa paghahatid ng bakuna at matiyak na mapananatili ang integridad ng…

Read More

17-ANYOS PABABA BABAKUNAHAN DIN

HANDA ang pamahalaan na bumili ng bakuna na akma para sa mga 17 years old below. Ito ang siniguro ni Chief Implementer at vaccine czar Carlito Galvez, Jr. sa harap ng ulat na maaari na rin umanong ipagamit ang ilang US brand vaccine sa nasabing age bracket. Aniya, hindi nawawala sa vision ng pamahalaan na maprotektahan din ang mga kabataan sa harap ng pinalalakas na vaccination program ng gobyerno. “Ang nakikita po natin i-evaluate pa po kung talagang bababa na po tayo, kung puwede na pong bumaba ang mga vaccine…

Read More

12 PA PATAY SA COVID SA CALOOCAN, MALABON

UMABOT sa 12 ang bilang ng mga namatay sa COVID-19 noong Mayo 18 sa mga lungsod ng Caloocan at Malabon, ayon sa health offices ng nasabing mga lungsod. Ayon sa ulat, siyam ang patay sa Caloocan City at 1,232 ang active cases. Pumalo na sa 29,786 ang total confirmed cases sa lungsod kung saan 27,700 na ang gumaling at 854 ang namatay. Tatlo naman ang namatay sa Malabon City at pumanhik sa 433 ang COVID death toll ng lungsod. Habang 28 ang nadagdag na confirmed cases at sa kabuuan ay…

Read More

15 QUEZON CITY AREAS LOCKDOWN PA RIN

KABILANG pa rin sa Special Concern Lockdown Areas (SCLA) ang 15 lugar sa Quezon City dahil sa pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19. Partikular na lugar lamang ang sakop ng SCLA at hindi buong barangay. Kabilang sa mga ito ang isang lugar sa Laura St., Brgy. Matandang Balara; bahagi ng Bukidnon St., Brgy. Ramon Magsaysay; bahagi ng Bukidnon St., Brgy. Ramon Magsaysay; bahagi ng Ilocos Norte St., Brgy. Alicia; isang lugar sa Iba St., Brgy. Salvacion; apat na lugar sa Broadway St., Brgy. Kristong Hari; isang lugar sa…

Read More

Banta ni PDu30 kapag muling tumaas ang COVID-19 cases LOCKDOWN NA NAMAN

SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na maaari siyang magpatupad ng panibagong lockdown, kapag muling sumirit ang coronavirus infections dahil sa mas nakahahawang COVID-19 variants at paglabag sa “health protocols. Ang bago at mas nakahahawang coronavirus variants ang dahilan kung bakit nagdo-doble ang kanilang trabaho para pigilan ito. “Ang pag-asa natin is really the obedience, parang boy scout. You want to end the danger of COVID-19 engulfing this country. Kapag hindi, [m]apipilitan talaga ako na to impose lockdowns and everything,” ayon kay Pangulong Duterte. Sa ulat, natukoy pa ang karagdagang…

Read More

GUSTONG RUMAMPA? MAGPABAKUNA

PINAKIUSAPAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mamamayang Filipino na manatili sa bahay kung ayaw magpabakuna laban sa COVID-19. Ito’y dahil na rin sa nahihirapan ang mga awtoridad na mapataas ang kumpiyansa ng publiko sa bakuna. Ani Pangulong Duterte, walang basehan ang pangamba sa epekto ng bakuna dahil wala naman aniyang namatay matapos mabakunahan. “Maniwala kayo sa gobyerno, maniwala kayo sa mga tao na nilagay n’yo d’yan sa opisina nila… Maniwala kayo, Diyos ko po kasi kung hindi, hindi kayo makatulong,” ang pahayag ni Pangulong Duterte sa kanyang Talk to…

Read More