GUSTONG RUMAMPA? MAGPABAKUNA

PINAKIUSAPAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mamamayang Filipino na manatili sa bahay kung ayaw magpabakuna laban sa COVID-19.

Ito’y dahil na rin sa nahihirapan ang mga awtoridad na mapataas ang kumpiyansa ng publiko sa bakuna.

Ani Pangulong Duterte, walang basehan ang pangamba sa epekto ng bakuna dahil wala naman aniyang namatay matapos mabakunahan.

“Maniwala kayo sa gobyerno, maniwala kayo sa mga tao na nilagay n’yo d’yan sa opisina nila… Maniwala kayo, Diyos ko po kasi kung hindi, hindi kayo makatulong,” ang pahayag ni Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi.

“We cannot force you. But then, sana, kung ayaw n’yong magpabakuna, huwag na kayong lumabas ng bahay para hindi kayo manghawa ng ibang tao,” dagdag na pahayag nito.

Sinasabing isa lamang sa apat na residente ng Maynila ang handang magpabakuna, ayon sa survey ng OCTA research group, habang halos kalahati naman ng mga Filipino na tinanong ng Pulse Asia ang nag-aatubiling magpabakuna.

Sa hiwalay na survey ng Pulse Asia, lumabas na 6 sa 10 Filipino ang nag-aatubili na magpabakuna laban sa COVID-19.

Samantala, kailangan na mabakunahan ang 70% ng populasyon para makamit ang herd immunity.

Ang bakuna ang magsisilbing indirect protection mula sa infectious disease kapag ang populasyon ay immune na “either through vaccination or immunity developed through previous infection,” ayon sa World Health Organization. (CHRISTIAN DALE)

146

Related posts

Leave a Comment