BINUKSAN kamakalawa ang ika-siyam na vaccination site sa isang mall sa Mckinley Hill, Brgy. Pinagsama, Taguig City.
Layon ng bagong vaccination hub na ito na mapabilis ang kasalukuyang rollout na may 2 vaccination teams per cinema na nagsasagawa ng inoculations sa tinatayang 400 katao na daily capacity.
“We have a good number of vaccine supplies as of now. We were told by the national government that there will be more in June. With that, the job of the LGU is to make sure that vaccination is safe, fast, and accessible. The city of Taguig wants to focus on those three things. So, we will continue to aggressively plan our vaccination rollout,” sabi ni Mayor Lino Cayetano.
Tiniyak pa ni Mayor Lino na ang hangin sa loob ng Cinema 1 at Cinema 5 ng mall ay ligtas para sa mga tao dahil sinusukat ito ng aparato alinsunod sa DOLE Department Order No. 224, Series of 2021.
Nauna rito ay nagtayo ang Taguig City LGU ng Mega Vaccination Hub sa dalawa pang mall at isa sa BGC High Street upang tiyakin na ang magpapabakuna ay kumportable at ligtas sa panahon ng vaccination. (DAVE MEDINA)
192 