Panukalang kondisyon sa 4Ps beneficiaries NO BAKUNA NO AYUDA

IPINANUKALA ni Presidential spokesperson Harry Roque na gawing kondisyon ang mapasailalim sa vaccination program ng pamahalaan ang mga benepisyaryo ng 4Ps. Ang panukalang ito ni Sec. Roque ay bunsod ng vaccine hesitancy at umano’y ulat na nasa 30 porsiyento lamang ang nais sumalang sa bakuna. Aniya, kung maisama sa kondisyon ang pagsalang sa bakuna ng mga nakikinabang sa 4Ps ay tiyak na tataas ang bilang ng mga mababakunahan lalo na sa hanay ng mahihirap. Aniya pa, hindi lamang sa 4Ps beneficiaries maaaring maikabit ang vaccination program ng gobyerno. At kung…

Read More

ISA PANG LIDER NG KAMARA COVID POSITIVE

ISA pang lider ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang dinapuan ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 na patuloy na nananalasa at nagpabagsak ng ekomiya ng bansa. Sa kanyang Facebook account, inanunsyo ni Deputy Speaker Henry Oaminal ng Ikalawang Distrito ng Misamis Occidental, positibo siya COVID-19 matapos sumailalim sa swab test. “I regret to inform you that I have tested positive for COVID-19,” ani Oaminal matapos magpa-swab test dahil sa pananakit ng katawan at pagkakaroon ng lagnat. “Following COVID-19 protocols, I will be on quarantine for 14 days; at the same…

Read More

COVID-19 DEATH TOLL SA PNP PUMALO SA 61

NADAGDAGAN pa ang mga nasawi dahil sa COVID-19 sa pwersa ng Philippine National Police nang masawi ang isang police staff sergeant. Dahil dito, umakyat na sa 61 ang kabuuang bilang ng mga pulis na iginupo ng corona virus mula nang mag-umpisa ang pandemiya sa Pilipinas. Kaugnay nito ay nagpahatid ng kanyang pakikiramay si P/Gen. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, chief PNP, sa pamilya ng namatay na 39-anyos na pulis na kasapi ng Rizal PNP. Base sa ulat ng PNP Health Service, nagpositibo sa COVID-19 swab test ang pulis nuong May 10…

Read More

58M SA COVID-19 HOTSPOT AREAS TARGET BAKUNAHAN

TARGET ng Pilipinas na mabakunahan ang 58 milyong indibidwal o 70% ng 83 milyong katao na nakatira sa COVID-19 hotspots para makamit ang herd immunity. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ang tinaguriang hotspots areas ay ang National Capital Region, Metro Cebu, Metro Davao, Bulacan, Cavite, Pampanga, Laguna, Batangas, at Rizal. Ang expansion areas, sa kabilang dako ay kinabibilangan naman ng Region 3, Region 4, Cagayan de Oro, Baguio City, Zamboanga City, Bacolod City, Iloilo City, General Santos, Iligan City, Region 7 at Region 11, Region 10, Region 6,…

Read More

P15-B GINASTOS NG PHILHEALTH SA COVID-19

LAGPAS na sa P15 billion ang ginagastos ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa COVID-19 dahil maging ang remdesivir ay ginagastusan nila nang malaki. Ito ang isiniwalat ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor sa pagpapatuloy ng pagdinig ng House committee on good government and public accountability sa kabagalan ng Food and Drug Administration (FDA) kaugnay ng pagpabor ng mga ito sa remdesivir subalit pagdating sa murang gamot tulad ng ivermectin ay ang bagal ng desisyon ng mga ito. “Mr. Chair as of now, for the record…P15 Billion na po…the last…

Read More

DRIVE-THRU VACCINATION FACILITY ITATAYO SA PITX

MAGTUTULUNG-TULONG ang lokal na pamahalaan ng Parañaque, Southern Police District Office at ang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) na matiyak ang ligtas na pagbiyahe at iwas-hawa ng COVID-19 sa mga pasahero sa susunod na mga araw. Sa isinagawang weekly Southern Metro Manila Press Club Forum @ PITX, sinabi ni Jason Salvador, PITX Corporate Affairs and Government Relations head, umaabot sa 40,000 pasahero ang dumadagsa kada araw sa PITX kaya malaking bilang ang inaasahan nilang mababakunahan sa sandaling mailagay na ang drive-thru vaccination facility sa third-floor ng PITX sa pakikipagtulungan ng…

Read More

5 PATAY SA COVID SA CALOOCAN, MALABON

NABATID na apat ang namatay sa COVID-19 sa Caloocan City at isa naman sa Malabon City noong Mayo 16, ayon sa health offices ng nasabing mga lungsod. Pumalo na sa 29,355 ang total confirmed cases sa Caloocan, at sa nasabing bilang ay 1,206 ang active cases, 27,310 ang gumaling at 839 na ang namatay. Umakyat naman sa 428 ang COVID death toll sa Malabon makaraang isang pasyente ang bawian ng buhay. Habang 18 ang nadagdag na confirmed cases at sa kabuuan ay 12,799 ang positive cases sa siyudad, 284 dito…

Read More

Sen. Go kumpiyansa sa takbo ng pagbabakuna HERD IMMUNITY MAKAKAMIT NG PINAS

“THERE is light at the end of the tunnel.” Ito ang kumpiyansang ipinahayag ni Senator Christopher “Bong” Go, kasunod na rin ng pagsusumikap ng pamahalaan na makapagbakuna ng may 50 milyon katao hanggang sa Setyembre at maabot ang 70 milyong target sa pagtatapos ng taong 2021 upang makamit ng bansa ang herd immunity laban sa COVID-19. “Bilisan natin ang ating vaccine rollout at ni isang dose ay hindi dapat masayang dahil talagang agawan ang supply ng bakuna. Paigtingin at pabilisin natin lalo ang pagbabakuna para ma-attain natin ‘yung herd immunity…

Read More

DRIVE THRU VACCINATION SA RIDERS, ISINUSULONG

IMINUNGKAHI ni Senador Joel Villanueva sa gobyerno na magtalaga ng mga drive-thru para sa bakuna o isang mega vaccination site para sa libo-libong delivery riders at couriers sa Mega Manila para umarangkada ang paggamit ng 5.1 milyong bakuna na malapit nang mag-expire. Iginiit ni Villanueva na mapabibilis ang pagbabakuna sa mga delivery rider kung magtatalaga ng vaccination site nang hindi na kailangan pumila at makisabay pa sa mga LGU facility. Bilang mga “essential workers,” malaking tulong sila sa mamamayan, lalo na noong panahon ng mahigpit na lockdown dahil sila ang…

Read More