COC NG BOC BINISITA NI FINANCE SEC. DOMINGUEZ

Binisita ni Department of Finance (DOF) Secretary Carlos Dominguez III kasama si Undersecretary Antonette Tionko ang bagong pasinayaang Customs Operations Center (COC) ng Bureau of Customs o BOC. Ipinakita naman ni Commissioner Rey Leonar­do B. Guerrero ang kanilang bagong Customs Operations Center sa dalawang opisyal ng DOF sa pamamagitan ng audio-visual presentation ng nasabing pasilidad at kung paano ang operas­yon o pagpapatakbo nito. Ito ay kasunod ng demontrasyon kaugnay sa ‘routinary activities and actions’ na isinasagawa araw-araw sa tuwing ika-2 oras ng pinagsamang team mula sa Intelligence, Enforcement at Port…

Read More

P1-M ECSTASY “PARTY DRUGS” SABAT SA BOC-NAIA, NAIA-IADITG AT PDEA

JOEL O. AMONGO Aabot ng 535 pirasong tabletas ng ecstasy (party drugs) na may katumbas na isang milyong piso (P1-M) ang nasabat ng pinagsanib na grupo ng Bureau of Customs Port of NAIA, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) sa air parcel sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City kamakailan. Ang nasabing mga tabletas ay inisyal na nadiskubre ng Customs personnel sa CMEC matapos ang isinagawang 100% physical exa­mination sa air parcel. Kasunod ng laboratory test na isinagawa ng PDEA, nakumpirma…

Read More

PORT OF CEBU NAKAPAGTALA NG RECORD-HIGH P3.33-B ANNUAL COLLECTION SUrpLUS

NAKAPAGTALA ng taunang record-high na koleksyon ang Bureau of Customs Port of Cebu nitong nakalipas na Disyembre 31, 2020. Base sa kanilang ulat, ang Port of Cebu ay naka­kulekta ng aabot sa 3.331 bilyong piso para sa kanilang annual revenue collection surplus, ang pinakamalaking sobra na naitala ng port. Sa yearend tally lumalabas na ang Port of Cebu ay nakapag-ambag sa gobyerno ng kabuuang 30.870 bilyong piso, 12.10% mas mataas sa kanilang annual target na 27.539 bilyong piso. Kinilala naman ni Port of Cebu Acting District Collector Atty. Charlito Martin…

Read More

PUBLIKO BINALAAN NG BOC VS FAKE COVID-19 VACCINES

NAGBABALA ang Bureau of Customs (BOC) sa publiko laban sa mga pekeng bakuna sa Covid-19 na smuggled at kumakalat ngayon sa merkado. Sa inilabas na article ng Europol at ang  United States Department of Homeland Security binanggit na may malaking posibilidad na may organized crime groups na nagpapakalat ng mga pekeng COVID-19 vaccine sa merkado. Nakatala rin sa nasabing article na may mga bansa sa kasalukuyan ang may crime groups na nagtangkang bentahan ang kanilang merkado ng fake influenza vaccines na kung saan ay napatunayan na pawang mga palsipikado. Dahil…

Read More

Para mabawasan ang pagsisikip ng mga cargo 2020 TRS NAKUMPLETO NA SA 5 PORTS NG BOC

INAASAHAN na lalo pang magiging maganda at mabilis ang transaksyon sa limang ports ng Bureau of Customs (BOC) matapos makumpleto nila ang 2020 Time Release Study (TRS) nitong nakalipas na taon. Kabilang sa limang ports ay ang  Port of Manila (POM), Manila International Container Port (MICP), Port of Davao, Mindanao International Container Terminal (MICT) sa Cagayan de Oro at Port of Zamboanga na kung saan ay napag-alaman  na nagkakaroon ng mga pagsisikip (bottlenecks) sa cargo clearance at release time. Ang TRS ay nagpapakita ng lahat ng ports ng oras para…

Read More

2020 REVENUE COLLECTION TARGET NG BOC, NALAGPASAN

Positibong nalagpasan ng Bureau of Customs (BOC) ang kanilang annual target collection para sa nagdaang taon nang 2020. Batay sa inilabas na data ng BOC, nakapagtala ng 6.6% o katumbas ng 33.5 bilyong piso lagpas ang kanilang naging koleksyon. Para sa buwan ng Disyembre 2020, ang BOC ay muling nakalagpas ng kanilang revenue target para sa pitong (7) sunod-sunod na buwan na umabot ng 9.1%. Base sa preliminary report mula sa BOC Financial Service, may kabuuang 47.316 bilyong piso ang kanilang nakulekta kung ikukumpara sa kanilang buwan ng Disyembre target…

Read More

365 KILOS UNREGISTERED MEDICINES, COSMETICS AT HAZARDOUS GOODS SINIRA NG BOC-NAIA

Sinira ng Bureau of Customs – Port of NAIA ang panibagong 365 kilograms ng mga unregistered medicines, cosmetics at iba pang hazardous goods sa Trece Martires, Cavite noong nakaraang Disyembre 29, 2020. Ang nasabing medicines at cosmetic products ay nasabat sa pagdating pa lamang sa Port na walang kaukulang clearance mula sa Food and Drug Administration (FDA) at hindi ligtas na gamitin ng tao. Ayon kay District Collector Carmelita M. Talusan, ang mode of condemnation ay sa pamamagitan ng thermal decomposer (Pyrolysis) na magbibigay ng garantiya na kahit isang piraso…

Read More

P62-M AGARWOOD NASABAT NG BOC DAVAO

Dahil sa pinalakas na koordinasyon sa pagitan ng Bureau of Customs (BOC)-Port of Davao, Davao International Airport (DIA), BOC – Ninoy Aquino International Airport (NAIA), PNP Aviation Security Group at Department of Environment and Natural Resources (DENR) Region XI ay nasabat ang anim (6) na boxes ng ­Agarwood na may halagang 62 milyong pisong noong nakaraang Disyembre 24, 2020. Ito ay isang uri ng kahoy na kasama sa National List of Threatened Philippine Plants per DENR Administrative Order No. 2007-01. Ang packages ay idineklara na naglalaman ng “woodcrafts” na patungo…

Read More

P9.97-M PUSLIT NA YOSI LAGLAG SA PORT OF DAVAO

Aabot ng mahigit sa siyam na milyong pisong (P9.97-M) halaga ng smuggled na sigarilyo ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Davao kamakailan. Armado ng alert order na inisyu ni Port of Davao District Collector Erastus Sandino Austria, sa mga miyembro ng Port’s Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), Enforcement and Security Service (ESS) at X-ray Inspection Project (XIP) para hulihin ang shipment na kung saan ay idineklara bilang brand new PP Bags. Subalit, matapos na isagawa ang physical i­nspection, ay ­napatunayang naging positibo para sa misdeclaration…

Read More