GOOD PERFORMANCE NG CUSTOMS-NAIA IPINAGMALAKI NI GUERRERO

Commissioner Rey Leonardo Guerrero-5

IPINAGMAMALAKI ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Rey Leonardo Guerrero ang magandang performance ng  Customs-NAIA. Si Guerrero ang na­ging panauhing pandangal sa 59th Founding Anniversary ng Port of NAIA noong nakaraang Setyembre 16, 2019. Sa pananalita ni Commissioner Guerrero sa nasabing okasyon ay pinuri niya ang pamunuan ng Customs-NAIA sa pamumuno ni District Collector Carmelita Talusan at mga tauhan nito dahil sa kanilang magandang performance. Sa nasabing selebras­yon ay iprinisinta ni District Collector Talusan ang accomplishment report ng Port mula 2018 hanggang 2019 at iba pang reporma. Dahil dito, pinangunahan…

Read More

BOC NAGDAOS NG 2-DAY STRATEGY FORMULATION ACTIVITY

2-DAY STRATEGY FORMULATION ACTIVITY

Para magkaroon ng mataas at de-kalidad na serbisyo Sa layong magkaroon  ng mataas at de-kalidad na serbisyo, nagsagawa ng ‘2-day strategy formulation activity’ ang Bureau of Customs (BOC) sa Port of Clark, Angeles City, Pampanga kamakailan. Ang aktibidad na isinagawa nitong nakaraang  Setyembre  5 hanggang 6, 2019 sa Lewis Grand Hotel, Pampanga ay bahagi ng  strategic planning ng ahensya na nakapaloob sa  10-point priority program nito. Kabilang sa mga dumalo sa sesyon ay ang Customs Commissioner, Deputy Commissioners, Service Directors, District Collectors at iba pang key officers ng ahensya. Nagsilbing …

Read More

LIQUID MARIJUANA NASABAT NG CUSTOMS-NAIA

LIQUID MARIJUANA

(Ni JOEL O. AMONGO) NASABAT ng Bureau of Customs-NAIA ang anim  na  kahon ng liquid marijuana na idineklara  bilang “ULEI CBD full plant extract” na galing sa bansang Romania noong Setyembre 20, 2019. Lumitaw na matapos ang isinagawang masu­sing physical examination sa package  ng Customs examiner sa presensya na rin ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine Post Office (Philpost), Customs Anti-Illegal Drugs Task Force (CAIDTF), X-Ray Inspection Project (XIP), Enforcement Security Service (ESS), at Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) ay tu­mambad ang nasabing ilegal na droga. Mula sa…

Read More

REGULATED IMPORT PRODUCTS LIST INILABAS NA NG BOC

BOC-12

Inilabas na ng Bureau of Customs (BOC) ang listahan ng regulated import products na tinagurian bilang ‘Regulated Importables’. Kabilang sa mga ito ay ang live plants, live animals, used left hand drive automobiles, used left hand drive trucks and buses, cigars, cigarettes, e-cigarettes at e-liquid. Dahil dito, kinakailangan umanong mayroong import permit/clearance ng Sanitary and Phytosanitary Import Clearance (SPSIC), Authority To Release Imported Goods (ATRIG), Certificate of Authority to Import (CAI) at Import Commodity Clearance (ICC) ang mga nabanggit na produkto bago makapasok sa bansa. Ang mga regulating agency na…

Read More

‘RECORD BREAKING ACHIEVEMENTS’ NG BOC-NAIA IBINIDA SA 59TH FOUNDING ANNIVERSARY

CUSTOM-NAIA

Ang ‘Record breaking achievements’ ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) mula 2018-2019  ang ibinida sa pagdiriwang ng kanilang 59TH founding anniversary noong Setyembre 16, 2019. Ang selebrasyon ay may temang ‘FLYING HIGH @59: AMAZING BOC-NAIA’S ACHIEVEMENTS ON THEIR FOUNDING ANNIVERSARY’. Pinangunahan ni District Collector Carmelita M. Talusan, mga opsiyal at kawani ng BOC-NAIA  ang selebrasyon kung saan nakasentro hindi lamang sa kanilang gawain kundi higit nitong ipinagmalaki  ang matagumpay  nilang pag-abot ng revenue target ma-ging ang pagprotekta sa mga hangganan ng bansa. Ang revenue collection ng Port of NAIA mula…

Read More

 ‘NO CONTACT POLICY’ IKAKASA NA NG MICP

Manila International Container Port

(Ni Jo Calim) Ikakasa na rin ng Manila International Container Port (MICP) ang ‘No Contact Policy’ upang higit na mapabilis ang paggulong ng proseso sa ahensiya. Sa public briefing kama­kailan, naging sentro ng MICP ang kaugnay  sa ‘No Contact Policy’  na pinangunahan ng Management Information System and Technology Group (MISTG). Pangunahing layunin nitong maiwasan ang ‘face-to-face’ transactions sa Aduana. Dahil dito, ang online Customs Care Portal System na ang gagamiting channel para sa pagsumite at pag-follow-up ng mga transaction. Sa briefing, nagbigay ng presentasyon  ang MISTG  kung paano gamitin ang Customer Care…

Read More

UGNAYANG BOC-ASEAN PINALALIM PA

District Collector Atty Ruby Claudia Alameda

Pinalalim pa ang namamagitang ugnayan sa pagitan ng Bureau of Customs (BOC) at ASEAN Member States kaalinsunod ito sa idi­naos na tatlong araw  na 23rd ASEAN Single Window Steering Committee (ASWSC) meeting noong Setyembre 10 hanggang 12 sa Clark, Pampanga. Si Port of Clark ni District Collector Atty. Ruby Claudia Alameda ang nagbigay ng welcome message sa natu­rang pagtitipon na dinaluhan ng ASEAN Member-States habang nagsilbing presiding officer si  Department of Finance Undersecretary Gil Beltran,  tumatayong Chairman ng ASWSC. Ang ASEAN Single Window ay isang digital platform na kung saan layon nitong  gawing…

Read More

TAMANG TAX COLLECTION PAGBUBUTIHIN PA

TAX-3

(Ni Jo Calim) Upang higit pang mapagbuti ang tamang pangongolekta ng buwis, nagsagawa ng  Annual Assessment Summit ang Bureau of Customs (BOC)  kamakailan sa Diamond Hotel, Manila. Pangunahing tinalakay sa naturang pagtitipon ang may kaugnayan  sa ‘assessment methods’ na gamit sa pagdetermina ng tamang valuation and classification ng goods at pangongolekta ng tamang duties at taxes sa mga kargamentong pumapasok sa bansa. Kasama rin sa tinalakay ang special permits mula sa concerned government agencies para matiyak ang seguridad ng consuming public at protektahan na rin ang local industries. Matatandaang maraming…

Read More

TAPAT NA CUSTOMS EXAMINER PINARANGALAN

HONEST

Pinarangalan ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Eddie Monreal ang isang frontliner na si Innah Angela Castillo, Customs examiner matapos na i-turnover nito ang napulot  na electronic gadget sa tamang awtoridad noong Hulyo 11, 2019 para maibalik sa tunay na may-ari. Sa sulat ni Monreal kay Ms. Carmelita Talusan, District Collector ng Bureau of Customs NAIA, Old Mia Road, NAIA Cmpd., Pasay City na may petsang Agosto 28, 2019 pinuri nito ang ipinakitang pagiging tapat ni Castillo. Si Castillo ay nakatalaga sa NAIA Terminal 2 . Nabatid  na…

Read More