X-ray machines dinagdagan (Ni JOEL O. AMONGO) Lalo pang hinigpitan ng Bureau of Customs (BOC) ang border security sa buong bansa sa pamamagitan ng paglalagay ng mas maraming x-ray scanners machines sa Port of Manila (POM), Manila International Container Port (MICP), Port of Davao at Port of Cebu kamakailan. Nitong nagdaang Setyembre 24, dalawang x-ray machines ang inilagay sa BOC-POM. Una nang bumili ang BOC ng anim na upgraded x-ray machines mula sa Astrophysics Inc., isang US company based sa Southern California. Layunin ng ahensya, na matupad ang kanilang planong…
Read MoreCategory: ADUANA SPOTLIGHT
BOC HUMINGI NG PANG-UNAWA SA STAKEHOLDERS SA PAGKAANTALA NG ACCREDITATION
Humingi ng pang-unawa ang Bureau of Customs (BOC) sa stakeholders dahil sa bahagyang pagkaabala sa proseso ng kanilang accreditation. Sa kasalukuyan, ang BOC ay patuloy ang pagpapaganda ng sistema at proseso para sa kanilang stakeholders at partners. Partikular na ang pagpapabilis sa proseso ng lahat ng mga nakabinbin na aplikasyon sa kanilang tanggapan. Nakatakdang umalalay ang BOC-Public Information and Assistance Division (PIAD) sa mga nangangailangan partikular sa kanilang stakeholders at partners ng Customs. Nauna nang ipinatupad ng Customs ang modernisasyon para makapagbigay ng mataas na kalidad na serbisyo sa kanilang…
Read MoreNASABAT NA ULO NG USA NASA PANGANGALAGA NA NG DENR
Pormal nang itinurn-over ng Bureau of Customs-Environmental Protection and Compliance Division (BOC-EPCD) sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang nasabat na ulo ng usa kamakailan. Ayon sa report, ang ulo ng usa ay wala umanong kaukulang import permit mula sa BOC at DENR na nasabat sa isang warehouse sa Maynila noong nakaraang Setyembre 24, 2019. Bahagi umano ito ng parcel na idineklarang ‘used household goods’ at personal na kagamitan na dumating sa Manila International Container Port (MICP) noong Hulyo 12, 2019 mula sa Guam. Kinumpiska ang ulo ng…
Read MoreFULL IMPLEMENTATION NG ‘FUEL MARKING SYSTEM’ SA ENERO 2020 NA
(Ni JO CALIM) Ipatutupad na ang full implementation ng ‘fuel marking system’ sa Enero ng susunod na taon na ang pangunahing layunin ay maiwasan ang smuggling ng mga produktong petrolyo sa bansa. Ayon kay Finance Undersecretary Antonette Tionko, kasalukuyan nang isinasagawa ng departamento ang ‘marking fuel manually’, habang may isang team ang nagsasagawa ng automatic system na siyang hahawak ng malaking volumes sa mga refinery at tank farm level. “The team is in the process of working with the big refineries for installation of the automatic injection of the marker.…
Read MoreP35-M SHABU NASABAT NG CUSTOMS-NAIA
(Ni Joel O. Amongo) Aabot sa P35 milyon halaga ng shabu ang nasabat ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) sa bagahe ng isang pasaherong nagtangkang iwanan, Sabado ng umaga sa nasabing paliparan. Ayon sa report, ang pinaghihinalaang bagahe ay ininspeksyon at ipinagbigay alam sa Customs Anti-Illegal Drugs Task Force (CAIDTF) sa pakikipag-ugnayan sa NAIA-Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG) para sa posibleng drug interdiction operation. Gayunpaman, sa isinagawang eksaminasyon, dito ay nakita ang puting pulbos, methamphetamine hydrochloride (shabu), na may timbang na mahigit kumulang sa 5.16-kilo na may …
Read More3 PA IDINAGDAG SA ASF BAN LIST
Tatlo pang bansa sa ibayong-dagat ang idinagdag sa listahan na ipagbabawal ang pag-import ng mga karneng baboy dahil sa African Swine Fever (ASF). Kabilang sa mga bansang ito ang Myanmar, Serbia at South Korea na pinaniniwalaang kontaminado ng ASF. Bukod sa tatlo, kasama na rin sa listahan ang mga bansang Belgium, Bulgaria, Cambodia, China, Czech Republic, Hong Kong, Hungary, Laos, North Korea, Latvia, Moldova, Mongolia, Poland, Romania, Russia, South Africa, Ukraine, Vietnam at Zambia. Matatandaang noong Setyembre 18, nag-isyu ng updated na listahan si Bureau of Customs (BOC) Deputy Commissioner…
Read MoreINTER-AGENCY TASK FORCE VS. ASF BINUO NG BOC-PORT OF SUBIC
Sa layuning malabanan ang pagkalat pa ng sakit na African Swine Fever (ASF) sa mga baboy, isang inter-agency task force ang binuo ng Bureau of Customs (BOC) Port of Subic. Nakipag-ugnayan na kamakailan ang BOC Subic sa mga opisyal ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) para sa pagbuo ng nasabing task force. Pinangunahan ito ni BOC Port of Subic District Collector Maritess Martin; SBMA Deputy Administrator Ronnie Yambao; kasama sina Ms. Belinda Lim, Chief Assessment; at Mr. Pocholo Mangohig ng Public Information Office (PIO). Ang pagbuo ng task force ay…
Read MorePARA MAPABILIS ANG PROSESO AT SERBISYO: 4-DAY WORKSHOP SA BOC-MICP
Nag-organisa ang Bureau of Customs-Manila International Container Port (BOC-MICP) sa pamamagitan ng kanilang External Affairs Office ng 4-day workshop na kung saan nakasentro ito sa Time Release Study (TRS) 2019 na siyang magiging daan upang mapabilis pa ang proseso at paghahatid-serbisyo nito. Sa tulong na rin ito ng Planning and Policy Research Division (PPRD) ng kanilang tanggapan sa Port Area, Manila bilang testing port. Ang nasabing workshop ay pinangasiwaan ni WCO TRS Accredited Expert Mr. Sompasong Alphaengphai, Deputy Director Legislation Division mula Lao Customs Department at suportado ng Asian Development…
Read MoreMANDATORY X-RAY SA CONTAINERIZED CARGOES HINIGPITAN NG BOC
(Ni BOY ANACTA) Mas lalo pang hinigpitan ng Bureau of Customs (BOC) ang implementasyon ng mandatory x-ray sa lahat ng containerized cargoes na papunta sa mga Customs Bonded Warehouses (CBWs). Sa inilabas ni BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero na memorandum na may petsang Setyembre 12, mahigpit nitong iniutos ang mandatory x-ray examination sa nasabing mga kargamento. Suhestiyon ito ng Assessment and Operations Coordination Group sa pamamagitan ni Deputy Commissioner Atty. James Dy Buco bilang karagdagang hakbang upang masugpo ang smuggling activities. Ayon kay Dy Buco, bagama’t ang imported containerized cargoes …
Read More