(Ni Jo Calim)
Ikakasa na rin ng Manila International Container Port (MICP) ang ‘No Contact Policy’ upang higit na mapabilis ang paggulong ng proseso sa ahensiya.
Sa public briefing kamakailan, naging sentro ng MICP ang kaugnay sa ‘No Contact Policy’ na pinangunahan ng Management Information System and Technology Group (MISTG).
Pangunahing layunin nitong maiwasan ang ‘face-to-face’ transactions sa Aduana.
Dahil dito, ang online Customs Care Portal System na ang gagamiting channel para sa pagsumite at pag-follow-up ng mga transaction.
Sa briefing, nagbigay ng presentasyon ang MISTG kung paano gamitin ang Customer Care Portal pagdating sa pagsumite ng concerns, requests, at complaints.
Ayon kay District Collector Guillermo Pedro A. Francia IV, nakahanda ang ahensiya sa mga pagbabago upang makaaangat ito pagdating sa information technology.
Dumalo sa briefing ang lahat ng brokers, importers at stakeholders na may transaksyon sa MICP.
Isinagawa ito sa BOC-MICP Operations Lobby, sa 3rd floor ng Operations Building North Harbor, Tondo, Manila.
