(Ni JOEL O. AMONGO) SINIRA ng Bureau of Customs (BOC) Port of Davao ang 3,276 pares ng ‘fake’ smuggled slippers na nakumpiska sa isang kompanya sa Davao City kamakailan. Ang nasabat na mga tsinelas na may 3,276 pares smuggled fake Havaianas ay sinira ng BOC Port of Davao noong nakaraang Agosto 7, 2019. Ang pagkakasabat ng mga tsinelas ay resulta ng pinatinding kampanya ng BOC na mahigpit na pagpapatupad ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) at ang Intellectual Property Code of the Philippines. Ang kargamento ay nasabat sa pamamagitan…
Read MoreCategory: ADUANA SPOTLIGHT
SERBISYO NG BOC PAGAGANDAHIN PA
(Ni BOY ANACTA) Sa layuning pagandahin pa ang paghahatid serbisyo sa publiko ng Bureau of Customs (BOC), nag-enroll ang ahensya sa Performance Governance System (PGS). Bahagi nito ay ang pakikipag-ugnayan ng BOC sa Institute for Solidarity in Asia (ISA) para sa ‘strategic planning facilitation services’ . Layunin nito na maging moderno na ang BOC para magkaroon ng mataas na kalidad ng serbisyo sa stakeholders partikular pagdating sa designing, executing, monitoring at sustaining strategy na siyang pangunahing plataporma ng PGS. Dahil dito, sumailalim ang BOC sa 3-araw na ‘Strategic Positioning and…
Read MoreUTOS NI GUERRERO SA MGA BAGONG CUSTOMS POLICE: TUMULONG SA PAGSUGPO VS. KATIWALIAN
(Ni BOY ANACTA) Kasabay ng pangaral, ay inutos na rin ni Customs Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero sa 90-newly hired Customs police na tulungan siyang linisin ang ahensya mula sa katiwalian. Sa kanyang speech sa idinaos na reception ceremony sa bagong Customs police batch AGILA (Alagad ng Gobyerno na Iaalay ang Lahat para sa Aduana) kamakalawa sa Port of Manila, pinaalalahanan niya ang mga ito ukol sa kanilang duties at responsibilities bilang law enforcers at public servants. Pangaral ng opisyal na bilang law enforcement agents, sila ang magsilbing magandang ehemplo…
Read MoreBOC-BATANGAS MULING NAKAKUHA NG ISO CERTIFICATION
(Ni JOEL O. AMONGO) Inaasahang mas lalo pang gaganda ang serbisyo ng Bureau of Customs (BOC) Port of Batangas matapos mai-award dito ang recertification ng International Standardization Organization (ISO) 9001:2015 Quality Management System. Nitong nagdaang Agosto 2, natanggap ng nasabing port ang kanilang award para sa kumpletong recertification audits para sa ISO 9001:2015 Quality Management System sa pamamagitan ng TÜV SÜD Philippines. Pumasa ang BOC-Port of Batangas sa annual surveillance audits simula taong 2012 dahilan upang pagkalooban ito ng ISO certification. Bunga na rin ito ng pagsisikap ng mga tauhan…
Read MoreBOC-PORT OF ZAMBO AT CEBU HUMATAW RIN SA COLLECTION TARGET
Nakapagtala ng malaking lagpas sa kanilang July 2019 collection target ang Bureau of Customs (BOC) Port of Zamboanga. Sa ulat ng BOC-Port of Zamboanga, sa buwan ng Hulyo ay nakapagtala sila ng actual collection para sa nasabing buwan ng P42,696,216.00 kung ikukumpara sa P27,470,000.00. Dahil dito, ay nakapagtala sila ng positibong lagpas na P15,226,216.00 para sa kanilang month of July target. Kabilang sa mga naging malaking ambag ng malaking koleksyon ng Port of Zamboanga ay ang pagkakakumpiska ng P1.2 milyon halaga ng smuggled na sigarilyo noong Hulyo 10, 2019. Ang…
Read MoreSMUGGLED GADGETS NASABAT
(Ni JOEL O. AMONGO) Nasabat ng pinagsanib na operatiba ng Bureau of Customs-Customs Intelligence and Investigation Service (BOC-CIIS), Intellectual Property Rights Division (IPRD), Armed Forces of the Philippines (AFP) Joint Task Force (JTF)-National Capital Region (NCR) at Philippine Coast Guard (PCG) ang mga ‘smuggled high-valued electronic products’ matapos ang isinagawang pagsalakay sa isang business establishment sa Binondo, Maynila na umano’y nagbebenta ng mga nabanggit na produkto. Ang grupo ay armado ng Letter of Authority (LOA) No. 07-31-152-2019 nang salakayin noong Hulyo 31, 2019 ang naturang establisimiyento na kung saan nasabat…
Read MoreIMPLEMENTASYON NG FUEL MARKING PROGRAM SINIMULAN NA
(Ni JOEL O. AMONGO) Sinimulan na ng gobyerno sa pamamagitan ng Department of Finance (DOF), Bureau of Customs (BOC) at Bureau of Internal Revenue (BIR) ang implementasyon ng ‘Fuel Marking Program’ sa isinagawang ‘first live marking of petroleum products’ nitong nakaraang Biyernes (Agosto 2, 2019), sa SeaOil Bulk Terminal sa Mabini, Batangas. Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ng mga opisyales at kinatawan mula sa DOF, BOC, BIR, Department of Energy (DOE), Procurement Service-Department of Budget and Management (DBM) at SICPA-SGS Philippines. Sa ilalim ng Section 148-A ng National Internal Revenue…
Read More3-DAY MEDIA WORKSHOP ISINAGAWA NG BOC-PIAD
Pinangunahan ng Bureau of Customs-Public Information and Assistance Division (BOC-PIAD), ang ‘3-Day Media Workshop’ na dinaluhan ng lahat ng local information officers sa buong bansa. Layunin nito, para magkaroon ng komprehensibo at maabot ang malalayong lugar na mailapit sa Bureau ang publiko sa pamamagitan ng lahat ng local information officers sa bansa. Ang three-day media workshop ay nagsimula noong ika-24 ng Hulyo 2019, na ang pangunahing tinalakay ay ang history ng Bureau, para makatulong sa information officers kung papaano nila isulat ang ‘basics of news writing’ hindi lamang sa print…
Read MoreP.5-M UNDECLARED DOLLARS NAKUMPISKA NG CUSTOMS-NAIA
(Ni JOMAR OPERARIO) Hindi nakalusot sa mga tauhan ng Bureau of Customs-NAIA ang isang ‘package shipped’ sa pamamagitan ng FedEx mula sa Arkansas, USA na naglalaman ng USD 12,000 na nakalagay sa box ng cellphone nitong nakaraang Hulyo 31, 2019. Ayon sa report, ang nasabing padala ay isang ‘undeclared foreign currency’ na nakabalot umano sa aluminum foil na sinadyang itinago para makalusot mula sa paghalughog ng mga tauhan ng Customs. Ito’y isang malinaw na paglabag sa Section 1400 na may kaugnayan sa Section 1113 ng CMTA. Ini-refer na ang kaso…
Read More