PAMBABRASO UMANO NI CO SA DA, PAGKAGAHAMAN – TIANGCO

TINAWAG ni Navotas Rep. Toby Tiangco na “kagahamanan” ang umano’y tangkang pang-aagaw ni Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co sa industriya ng isda, bukod pa sa mga kontrobersyal na proyekto nito sa Department of Public Works and Highways (DPWH). “Eto naman si Zaldy, ang dami na niyang pera. Pati legal na negosyo ng mga tao, gusto pang kuhanin. Ano ba ‘yan, hindi pa ba siya nasisiyahan?,” banat ni Tiangco sa ambush interview kahapon. Giit pa ng kongresista, garapalan na ang pagkagahaman kung pati hanapbuhay ng ibang negosyante ay gusto pang…

Read More

Nakorner na sa flood control scandal? ROMUALDEZ MAGBABAKASYON SA KAMARA

UMUGONG sa Kamara ang usap-usapan na maghahain ng leave of absence si House Speaker Martin Romualdez sa gitna ng lumalalang kontrobersya sa flood control projects. Mistulang nagmadali kahapon ang liderato ng Mababang Kapulungan na i-adjourn ang session matapos magbanta si Dasmariñas City, Cavite Rep. Francis “Kiko” Barzaga na ipadeklarang “all seats vacant,” kabilang na ang Speakership. Ayon sa ilang miyembro ng majority bloc, isa umano sa pinag-uusapan sa loob ng Kamara ang posibilidad na mag-leave si Romualdez dahil sa pagkakadawit ng kanyang pangalan sa isyu ng flood control scam. “Pinag-uusapan…

Read More

BRICE HERNANDEZ BALIK-SENADO

NAIBALIK na sa Senado si dating DPWH Assistant District Engineer Brice Hernandez. Ayon kay Senate Sgt At Arms Retired General Mao Aplasca, alas-10:10 ng umaga nitong Lunes nang madala sa Senado si Hernandez. Batay ito sa utos ng Pasay City Regional Trial Court bilang resulta ng pagtalakay nila ng writ of amparo petition ni Hernandez kung saan hinihiling niyang ibalik siya sa PNP Custodial Center. Kasabay nito, kinumpirma ng tanggapan ni Senate President Vicente Tito Sotto na sumulat sa lider ng Senado ang abogado ni Hernandez kaugnay sa muling admission…

Read More

CONGRESSMEOW BARZAGA KAKASUHAN NA SA ETHICS

NAUUBUSAN na ng pasensya ang National Unity Party (NUP) kay Dasmariñas City Rep. Francis “Kiko” Barzaga matapos ilantad ng partido na nakatakda na itong sampahan ng kaso sa House Ethics Committee. Ayon kay Antipolo Rep. Ronaldo Puno, chairman ng NUP, paulit-ulit nang lumalabag si Barzaga sa mga panuntunan ng Kamara dahil sa kanyang mga banat at pahayag na umano’y nakakapag-udyok ng kaguluhan. “When a Member deliberately engages in inflammatory rhetoric… it constitutes a willful degradation of standards,” saad ng opisyal na pahayag ng NUP. Matatandaang nag-resign si Barzaga sa NUP…

Read More

Import allocation naman ng isda DA TINANGKANG BRASUHIN NI ZALDY CO

TINUMBOK ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. si dating House appropriations chair at Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co matapos isiwalat na tinangka umano nitong mambraso para makakuha ng import allocation ng isda. Sa budget hearing ng DA sa Kamara, tinanong ni Bicol Saro Rep. Terry Ridon kung bakit hindi bumababa ang presyo ng galunggong sa kabila ng malakihang importasyon. Binanggit nito ang ilang kumpanya, kabilang ang fishing firm ng pamilya ni Navotas Rep. Toby Tiangco, para ipasilip kay Laurel kung sinu-sino ang malalaking importer. Aminado si Laurel na…

Read More

Sa presensya ng kapatid ni Miro Quimbo; INTEGRIDAD NG FLOOD CONTROL PROBE KINUWESTYON

BINANATAN ng mga netizen ang integridad ng Senate Blue Ribbon Committee matapos mabunyag na ang director general nito ay si Atty. Rodolfo Noel Quimbo—nakatatandang kapatid ni Marikina Rep. Miro Quimbo. Si Atty. Quimbo ang isa sa pinakamakapangyarihang opisyal ng komite na ngayo’y nag-iimbestiga sa kontrobersya sa flood control projects. Sa isang social media post mismo ni Rep. Quimbo, kinumpirma niyang kapatid niya ang nasabing opisyal. Sa nakaraang pagdinig, inihayag nina Sarah at Curlee Discaya ang pangalan ng ilang mambabatas, kabilang si Cong. Marcy Teodoro—na matagal nang karibal ng pamilya Quimbo…

Read More

Solons sa ICI: ‘CULTURE OF IMPUNITY’ SA INFRA PROJECTS TAPUSIN

KAILANGANG maging agresibo ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) na itinatag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa imbestigasyon at pagpapanagot sa lahat ng sangkot sa katiwalian sa flood control at iba pang infrastructure projects ng gobyerno upang maibalik ang tiwala ng taumbayan. Ito ang panawagan ni House Minority Leader Marcelino Libanan matapos pangalanan ng Malacañang ang dalawang kasapi ng ICI: Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Rogelio Singson at SGV & Co. Country Managing Partner Rossana Fajardo. Kasama rin si Baguio City Rep. Benjamin Magalong, ngunit hindi…

Read More

REAL STEEL HUMILING NG AGARANG PREVENTIVE SUSPENSION VS MAYOR PUNSALAN

NAGHAIN ng Extreme Urgent Motion ang Real Steel Corporation sa Office of the Ombudsman noong Setyembre 8, 2025 para agad na suspendihin sa puwesto si San Simon, Pampanga Mayor Abundio “JP” Simbulan Punsalan, Jr. dahil sa umano’y mabigat na ebidensiya ng grave misconduct at seryosong katiwalian. Ang mosyon ay isinampa ilang araw matapos ipag-utos ng Regional Trial Court ng Muntinlupa City, Branch 206, ang pagpapalaya kay Punsalan noong Setyembre 2, 2025, kasunod ng pagkakaaresto sa kanya ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang entrapment operation noong Agosto 5, 2025.…

Read More

TULFO: MGA CASINO NAGBULAG-BULAGAN SA BILYONG PAGSUSUGAL NG DPWH OFFICIALS

NANINIWALA si Senate Committee on Games and Amusement Chairman Sen. Erwin Tulfo na nagbulag-bulagan ang ilang casino at hinayaan lang na isugal ng mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Bulacan 1st Engineering District ang bilyong pisong pera ng bayan. “Wag nilang sabihin na hindi nila alam na mga taga-gobyerno itong mga opisyal ng DPWH dahil gumamit lang sila ng fake ID,” giit ni Tulfo sa isang panayam. “Akala ko ba mahigpit nilang ipinapatupad yung know your client o KYC policy nila?” Tinukoy ni Tulfo sina dating…

Read More