ERWIN TULFO HATAW SA PINAKABAGONG SURVEY

LIMANG araw bago ang eleksyon, patuloy na humahataw si Alyansa para sa Bagong Pilipinas senatorial candidate Erwin Tulfo na nananatiling numero uno sa pinakabagong senatorial survey. Sa bagong survey ng WR Numero na isinagawa mula Abril 23 hanggang Abril 30 at nilahukan ng 2,400 na respondents, nagtamo si Tulfo ng 48.7 percent voting preference, tumaas ng 5.3 percent mula sa naunang survey. Nagpakita rin ng matatag na voter base si Tulfo dahil nananatili siyang nasa unahan ng preferences anomang kulay o partido ang sinusuportahan. Numero uno siya sa mga Pro-Marcos…

Read More

Sa kabila ng P240-M confi funds ni Mayor Abby Binay MAKATI NAGTALA NG ‘SHARP INCREASE’ SA KIDNAPPING, ROBBERY INCIDENTS

SA kabila nang pagkakaroon ng P240 milyon confidential funds ni Mayor Abby Binay, nagkaroon ng sharp increase o matalim na pagtaas sa insidente ng kidnapping, robbery at iba pang uri ng krimen sa ilang bahagi ng Makati City. Nitong 2022 at 2023, nakapaglaan ang Makati City Council ng halagang P240 milyon kada taon para sa confidential funds na maaaring gamitin ni Binay sa peace and order programs (POPs) na susugpo sa kriminalidad alinsunod sa itinakda ng batas. Sa kabila nito, tumaas ang insidente ng kriminalidad sa ilang bahagi ng lungsod…

Read More

ROSE LIN INENDORSO NG INC AT IBA PANG GRUPO SA DISTRITO 5

NAKUHA ni congressional candidate Ate Rose Nono Lin ang suporta ng religious group na Iglesia ni Cristo (INC). Si Lin ay tumatakbo bilang kinatawan ng Ika-limang distrito ng Quezon City. Agad namang pinasalamatan ni Ate Rose Lin ang tiwala at suporta ng INC at ng iba’t ibang grupo sa lungsod. Aniya, malaking karangalan na mapabilang sa mga kandidato na binigyan ng basbas ng INC ngayong May 12 midterm election. Bukod dito, tumanggap din ng matinding pagsuporta si Ate Rose Lin mula sa malalaking voting blocks tulad ng Muslim groups, senior…

Read More

REP. MAAN TEODORO NG MARIKINA INIREKLAMO SA VOTE BUYING

MAYNILA — Isang pormal na reklamo kaugnay ng vote-buying ang inihain sa Commission on Elections (COMELEC) laban kay Marikina City Representative Marjorie Ann “Maan” Teodoro. Batay sa reklamo, isinagawa umano ang sistematikong pamamahagi ng pera na itinago sa anyo ng tulong mula sa gobyerno sa gitna ng opisyal na panahon ng kampanya—isang tahasang paglabag sa Seksyon 261(a), 261(b), at 261(o) ng Omnibus Election Code. Kalakip ng reklamo ang walong (8) sinumpaang salaysay mula sa mga residenteng nakatanggap ng naturang cash assistance, pati na rin ang mga video at larawan na…

Read More

HILING NG COMELEC: MAY 12 GAWING HOLIDAY

HINILING ng Commission on Elections (Comelec) sa Malakanyang na ideklarang holiday ang Mayo 12, ang araw ng halalan sa buong bansa. Ito ay upang bigyang pagkakataon ang mga botante na makapili ng kanilang kandidato sa araw ng halalan. Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia, ito ay para mabigyan din ang mga botante ng pagkakataon at mahikayat na bumoto sa nasabing araw. Kung idedeklarang holiday ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang nasabing petsa maraming mga manggagawa ang hindi na magmamadali para pumasok sa trabaho. Nilinaw ni Garcia na kinakailangan ng isang…

Read More

Inendorso Alyansa team KOKO SA MGA BOTANTE: GAMITIN ‘KOKOte’

TODONG suporta ang ibinigay ni dating Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III sa buong senatorial slate ng tinatawag niyang “Alyansa Para sa Pagbabago”. Si Pimentel, na ngayo’y tumatakbo bilang kongresista ng unang distrito ng Marikina, iginiit na ang mga kandidato ng Alyansa ay subok na sa serbisyo—mga beteranong mambabatas, gobernador, alkalde, kongresista, at dating miyembro ng Gabinete—na may alam sa trabaho at tunay na malasakit sa bayan. “‘Pag sila ang nailuklok sa Senado, siguradong may katuwang si Pangulong Bongbong Marcos sa pagpasa ng mga batas at pagtupad ng kanyang mga…

Read More

GRUPO NG BUMBERO UMAPELA SA COMELEC

SA pagdiriwang ng International Firefighters day, muling umapela ang Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) party-list sa Commission on Elections (Comelec) na ipasa na ang resolusyon na nagbibigay sa kanila ng pagkilala bilang tunay na kinatawan ng sektoral na grupo bago nila tuluyang ihimlay ang kanilang ikatlong nominee na pinatay kamakailan sa Maynila. Pinangunahan ng unang nominee na si Dr. Jose Antonio “Ka Pep” Goitia ang apela kay Comelec Chairman George Erwin Garcia. Sila umano ang lehitimong party-list group, No. 134 dahil sa katotohanang ang pinaslang na si Leninsky Bacud ang…

Read More

BAM AQUINO, NAKUHA SUPORTA NI PIOLO PASCUAL

SUMAMA na rin ang aktor na si Piolo “Papa Pi” Pascual sa celebrities na nag-endorso sa senatorial bid ni dating Senador and independent candidate Bam Aquino. Katunayan, nakiisa si Pascual sa motorcade ni Aquino sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila nitong Linggo kabilang na sa Mandaluyong at Cubao sa Quezon City. Kasama rin ni Aquino ang aktres na si Iza Calzado na nakilala sa role niya sa “Darna”—at si Bea Binene sa pag-iikot sa Mandaluyong, Quezon City, at Valenzuela. Bago ang motorcade, pinagtibay nina Pascual, Calzado, at Binene ang…

Read More

LISTAHAN NG 25K SCHOLARS SA PASIG PINASASAPUBLIKO

HINILING ng mga residente sa Pasig City na mailabas ang listahan ng sinasabing mahigit 25,000 na scholars sa lungsod. Ginawa ng mga residente ang panawagan kay Pasig City Mayor Vico Sotto, matapos mapag-alaman na mayroon lamang 13,000 scholars na na-accommodate para sa 2024-2025 school calendar. Ang sinasabing 25,000 scholars ay pawang college students na naka-enroll umano sa iba’t ibang unibersidad sa Pasig City; gayunman, mayroon lamang ilang state universities sa lungsod kaya duda ang marami na kayang i-accommodate ang sinasabing 25,000 scholars. Ayon kay Ryan Villacorta mula sa Brgy. Maybunga…

Read More