11 PATAY SA BINONDO FIRE

AGAD nagsagawa ng malalimang imbestigasyon ang Manila City Disaster Risk Reduction Management Office hinggil sa nangyaring sunog sa Binondo, Maynila na kumitil ng 11 katao. Nagpaabot ng pakikiramay si Manila Mayor Honey Lacuna sa pamilya ng mga nasawi kasunod ng sunog na tumupok sa isang residential-commercial establishment sa Carvajal St., Binondo, Manila nitong Biyernes ng umaga. “In response to this tragedy, I will be issuing a memorandum instructing all building and fire officials to conduct thorough inspections of all structures within the city,” ayon kay Mayor Lacuna. Inutos ni Lacuna…

Read More

AIR CARGO LOAD NG RELIEF GOODS, DONASYON NG UAE

PORMAL na tinanggap ng Pilipinas ang donasyon mula sa gobyerno ng United Arab Emirates na isang air cargo load ng reliefs good para sa mga biktima ng super typhoon Carina at habagat. Ang mga donasyon ay kinabibilangan ng mga gatas, harina, bigas at iba pa. Ang turnover ceremony na ginanap sa Ninoy Aquino International Airport ay dinaluhan nina Ma. Anna Kathryna Yu-Pimentel, Special Envoy to the United Arab Emirates for Trade and Investments, Department of Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian, Interior Secretary Benjamin Abalos Jr., UAE Ambassador Mohammed…

Read More

U.S. NAGBIGAY NG P55-M AID SA CARINA VICTIMS

NAGKALOOB ang United States government, sa pamamagitan ng U.S. Agency for International Development (USAID), ng P55 million ($1 million) halaga ng humanitarian aid sa mga komunidad na apektado ng malawakang pagbaha na dulot ng bagyong Carina. Ayon sa anunsyo ni U.S. Secretary of State Antony Blinken sa kanyang pagbisita sa Manila, ang nasabing ayuda ay tutugon sa agarang pangangailangan ng mga apektado at vulnerable communities sa Bulacan, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Lanao Del Sur, Maguindanao del Norte, Maguindanao del Sur, National Capital Region, at Pampanga. Sa pamamagitan ng nasabing pondo,…

Read More

DALAGA ARESTADO SA FRUSTRATED MURDER

ARESTADO ang 25-anyos na babae sa kasong frustrated murder sa ikinasang operasyon ng mga operatiba ng District Special Operation Unit (DSOU) ng Manila Police District sa Tondo, Manila. Sa ulat ni Police Senior Master Sergeant Mark Lester Ong, na pinangasiwaan ni Police Lieutenant Colonel Marlon Mallorca, hepe ng DSOU, bandang alas-11:40 ng umaga kahapon nang maaresto ang suspek na kinilala lang sa alyas “Cherry Joy”, residente ng nasabing lugar.. Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Acerey Pacheco, ng Regional Trial Court, Branch…

Read More

MICHAEL YANG PINAAARESTO NG KAMARA

NAGLABAS na ng arrest order ang liderato ng Kamara laban sa dating economic adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Michael Yang bunsod ng paulit-ulit nitong pagbalewala sa imbitasyon na dumalo sa pagdinig ng House committee on dangerous drugs. Matapos lagdaan ni House Secretary General Reginald Velasco ang contempt order na inisyu ng komite na pinamumunuan ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, dinala na ni House Sergeant-at-Arms, retired Gen. Napoleon Taas ang arrest order sa Fortun Law Offices sa 134 CRM Avenue, BF Homes Almanza, Las Piñas City.…

Read More

PBBM NAGPAABOT NG PAGBATI SA ANIBERSARYO NG INC

NAGPAABOT ng pagbati si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ika-110 anibersaryo ng Iglesia ni Cristo (INC). Sa kanyang mensahe, inilarawan ng Pangulo na “makasaysayan” ang pagdiriwang ng anibersaryo ng INC. Binanggit ng Pangulo ang pagkakaroon ng matibay na pananampalataya at dedikasyon na ipinamamalas ng mga miyembro ng INC. Ayon kay Pangulong Marcos, ang kanilang walang sawang paglilingkod at pagdalo sa mga gawain ay pagpapakita lamang ng pagkakaisa, pag-unlad at mas malalim na pang-unawa bilang isang sambayanan. Hinikayat ng Pangulo ang lahat ng miyembro ng INC na patuloy pang pagtibayin ang…

Read More

ABOT-KAYANG LIVER TRANSPLANT HIRIT NI REP. TULFO SA DOH

NANAWAGAN nitong Miyerkoles si ACT-CIS partylist Rep. Erwin Tulfo sa Department of Health (DOH) na gumawa ng paraan para masolusyunan at maisailalim sa liver transplant ang mga batang may biliary atresia sa bansa. Sinabi ito ni Tulfo sa Makati Shangri-La hotel sa isinagawang programa ng pasasalamat para sa 150 batang Pinoy na may biliary atresia na matagumpay na sumailalim sa liver transplant sa Apollo Hospital sa New Delhi, India. “This celebration is also call to action,” ani Tulfo patungkol sa pamahalaan partikular sa DOH na gumawa ng paraan para masolusyunan…

Read More

KAMARA KUMILOS PARA TULUNGAN MGA APEKTADO NG OIL SPILL

AGAD pinakilos ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang kanyang mga kapwa mambabatas upang tulungan ang libu-libong mangingisda sa apat na lalawigan na naapektuhan ng pagtagas ng langis. “Hindi na natin hihintayin na humingi sila ng tulong sa atin. Tayo na ang lumapit sa kanila para alamin kung ano ang tulong na kailangan nila sa atin at sa gobyerno,” aniya. “The livelihood of our fisherfolk is at stake. We must act quickly to mitigate the damage and provide the necessary support,” pahayag pa ng lider ng may 300 miyembro na…

Read More

BLINKEN, AUSTIN NASA PILIPINAS

NAKIPAGPULONG si Secretary of State Antony J. Blinken at Defense chief Lloyd J. Austin III ng Estados Unidos kina Defense chief Gilberto Teodoro Jr. at Foreign Affairs chief Enrique Manalo ng Pilipinas sa Quezon City, nitong Martes. Dumating ang mga ito sa Camp Aguinaldo para sa 4th Philippines-US Foreign and Defense Ministerial Dialogue kung saan inaasahan na pag-uusapan ang ‘defense and security’ at economic cooperation. Ayon sa government sources, inaasahan nila na tatalakayin ang pagtatapos bago pa ang yearend ng mahahalagang information-sharing pact tinawag na General Security of Military Information…

Read More