HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga kabataang Pilipino na gawing inspirasyon at halimbawa ang buhay ni Apolinario Mabini upang magsikap sa buhay. Ginawa ng Pangulo ang panawagan sa pagdiriwang ng ika-160 kaarawan ni Apolinario Mabini sa Lungsod ng Tanauan, Batangas. “Tinatawagan ko ang mga kabataang Pilipino ngayon na gawing inspirasyon at halimbawa ang buhay ni Apolinario Mabini upang magpunyagi sa buhay,” ayon sa Pangulo. Hinikayat din ni Pangulong Marcos ang mga kabataang Pinoy na unawain ang mga “pilosopiyang pampulitika at panlipunan” ni Mabini upang magsilbing inspirasyon ang mga…
Read MoreCategory: METRO
DAAN-DAANG TAGA-MORIONES TUMANGGAP NG AYUDA MULA DSWD, SEN. TOLENTINO
TUMANGGAP ang nasa 600 benepisyaryo mula sa Barangay 123 Moriones, Tondo, Manila ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ng Department of Social Welfare and Development sa tulong ni Senator Francis ‘Tol’ Tolentino. Bukod sa pinamahaging tig-P2,000 sa mga biktima ng Bagyong Carina, nagbigay rin ng anim na wheelchair at dalawang bisikleta para sa senior citizens at PWDs sa naturang okasyon. (DANNY BACOLOD) 606
Read MoreTAGUMPAY IBINIDA SA 3RD SOCA NI LACUNA
IBINIDA ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan ang kanyang tagumpay at mga nagawa sa ilalim ng tatlong taong panunungkulan bilang ina ng lungsod sa kanyang ikatlong State of the City Address (SOCA) na ginanap sa Philippine International Convention Center (PICC) nitong Hulyo 30. Sa kanyang SOCA, kinilala ni Mayor Honey ang pagsisikap ng pamahalaang lungsod katuwang ang bawat departamento na maisakatuparan ang lahat ng mga programa at proyekto para sa bawat Manilenyo. Ilan lamang sa ibinida ni Mayor Lacuna ang maingat at masinop na paglalaan ng Special Education Fund para sa…
Read MoreNTF-WPS: PH NEVER HIHINGI NG PERMISO SA CHINA
PINABULAANAN ng National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) ang sinabi ng Tsina na pinayagan nito ang Pilipinas sa resupply mission sa outpost nito sa Ayungin Shoal. Pinasinungalingan ng task force sa isang kalatas ang sinabi ng Tsina na ininspeksyon nito ang supplies na dala ng Philippine military para matiyak na humanitarian necessities lamang ang karga patungong BRP Sierra Madre. “To clarify, the Philippines did not and will never seek permission from the PRC to conduct resupply missions to Ayungin Shoal,” ayon sa task force. “There was also…
Read MoreVP SARA MARAMING SECURITY; PNP HAYAANG MAGTRABAHO – SOLON
NANAWAGAN kahapon si Manila 3rd District Cong. Joel Chua kay Vice President Sara Duterte na hayaan na lamang magtrabaho ang Philippine National Police sa halip na pagbitangan ito ng “political harassment” dahil sa pagtanggal sa kanyang 75 PSPG personnel. “Malinaw ang pahayag ng PNP na inalisan siya ng maraming security personnel para ituon ang trabaho sa mas importante at mas karapat-dapat na pagtuunan ng pansin ng mga otoridad. Sa aking opinyon dapat itong igalang at respetuhin ng Pangalawang Pangulo at pagkatiwalaan ang desisyon ng PNP dahil sila ang mas nakakaalam…
Read MoreTAGUIG SOLON BINIRA SA ‘DI PAGSUNOD SA PROTOCOLS, PANINIGAW SA EVAC CENTER
UMANI ng kaliwa’t kanang batikos si Taguig 2nd District Representative Pammy Zamora mula sa mga residente, netizens, at empleyado ng barangay at lungsod dahil sa hindi pagsunod sa protocol at paninigaw sa mga kawani sa isang evacuation center sa Barangay Fort Bonifacio nitong Huwebes, Hulyo 25. Sa viral video sa Facebook, makikita si Cong. Zamora na nagagalit sa mga empleyado na nasa Gat Andres Bonifacio High School dahil hindi umano siya pinapapasok para makapagbigay ng tulong sa evacuees. Tugon naman ng City Social Welfare and Development Office staff na si…
Read MoreSafekeeping ng BOC pinasisilip NASASAMSAM NA FAKE PRODUCTS NIRE-RECYCLE?
(JOEL O. AMONGO) PINANGANGAMBAHANG ma-recycle o muling maibenta sa merkado ang nasamsam kamakailan na P11 bilyong halaga ng pekeng produkto sa Binondo, Manila. Sa ulat ng Bureau of Customs (BOC) noong nakalipas na Biyernes, nasamsam ng Intellectual Property Rights Division (IPRD) ang mga peke o imitasyon ng mga sikat na brand tulad ng Gucci, Chanel, Louis Vuitton, Nike, Rolex, Apple, Hermes at Dior. Pinangunahan umano ang operasyon ni Port Collector Rizalino Toralba ng Port of Manila (POM) at ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS). Ayon sa ulat, si IO3…
Read MoreFLOOD CONTROL BUDGET BUBUSISIIN NG KAMARA – ROMUALDEZ
INIUTOS na ni House Speaker Martin Romualdez ang pagbusisi ng Kamara sa master plan para sa flood control hindi lang sa Metro Manila kundi sa buong bansa. Ayon kay Speaker Romualdez, “gagamitin namin ang oversight function ng Kongreso para alamin kung napupunta ba talaga ang pera na inilalaan natin taon-taon para sa flood control”. “Gusto rin nating malaman, base na rin sa ating nakita noong kasagsagan ng Bagyong Carina at habagat, kung tama o epektibo pa ba ang master plan ng mga ahensya ng gobyerno sa pagtugon sa mga baha,”…
Read MoreGAMOT SA LEPTOS AT TETANUS PINALILIBRE
ISUSULONG ni Cong. Erwin Tulfo at ng mga kasamahan niya sa ACT-CIS Party-list ngayong linggo na sagutin na ng PhilHealth ang pagpapagamot laban sa leptospirosis at tetano ng mga pasyente na biktima ng mga kalamidad tulad ng bagyo, baha at sunog. Ayon kay Cong. Tulfo, “malaking ginhawa sa mga pasyente lalo pa’t kung biktima sila ng kalamidad sa kanilang lugar”. Aniya, wala na nga makain dahil sa bagyo o pagbaha o naubos ang gamit dahil sa sunog tapos tatamaan pa ng leptospirosis o tetano…paano pa magpapagamot ngayon? Ito pa ang…
Read More