SA itinakdang deliberasyon para sa P6.352 Trilyong pambansang badyet, sinabi ng isang dating opisyal ng gobyerno na panahon na para i-highlight sa mga mambabatas na dagdagan ang pondo para sa pangkalahatang pag-unlad ng sports, para makabuo ng mas maraming gold-winning athletes. Sinabi ni Atty. Nicasio Conti, dating commissioner ng Presidential Anti-Graft Commission, at dating Maritime Industry Authority Officer-In-Charge at ngayon ay Capstone Intel Corp., na ipinakita ni 2-time gold medalist Carlos Yulo na maaaring makipagsabayan ang Pilipino sa grandest sports spectacle sa lahat – ang Olympics. “Binibigyang-diin ng tagumpay ni…
Read MoreCategory: METRO
PAGGALANG SA INT’L HUMANITARIAN LAW TINIYAK NG PHIL. ARMY
PINANGUNAHAN ng Philippine Army ang paggunita sa International Humanitarian Law (IHL) Month kahapon sa Headquarters ng Philippine Army, sa Fort Bonifacio, Taguig City bilang patunay na seryoso ang hukbo na iginagalang ng kanilang organisasyon ang karapatang pantao. “Ang paggunita sa IHL month ngayong taon ay may temang ’75 Taong Paninindigan sa IHL Kamalayan, Kalinga, Kaunlaran: Kalakasan ng IHL sa Bagong Pilipinas,’ summarizes our national government’s enduring commitment to upholding the rule of law and respect for human rights. It also emphasized the importance of raising consciousness and promoting greater awareness…
Read MorePINALAWAK NA DEFENSE DEAL NG PHL, GERMANY TATAPUSIN
KAPWA committed ang Pilipinas at Germany na tapusin ang pinalawak na defense cooperation arrangement. Nauna rito, nagpulong sina Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. at German Federal Minister of Defense Boris Pistorius sa Maynila noong Linggo, nataon naman sa 70th anniversary ng Philippines-Germany diplomatic relations. “The top defense officials “expressed their unwavering commitment to the revitalization of Philippines-Germany defense relations,”ayon sa joint statement. Ang Germany ay isa sa “oldest formal defense partners” ng Pilipinas sa pamamagitan ng 1974 Administrative Agreement na may kinalaman sa pagsasanay ng mga opisyal ng Armed Forces…
Read MoreROMUALDEZ TINIYAK PONDO PARA SA PAGTATAYO AT PAGSASAAYOS NG BARRACKS NG MGA SUNDALO
MAGLALAAN si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ng pondo para sa pagpapagawa at pagsasaayos ng mga barracks ng mga sundalo kasabay ng pagpuri sa katapangan ng mga ito na maipagtanggol ang bansa. Ginawa si Speaker Romualdez ang pahayag sa kanyang pagpunta noong Huwebes sa headquarters ng 11th Infantry Division ng Philippine Army sa Camp Teodulfo Bautista sa Busbus Village, Jolo, Sulu na pinamumunuan ni Commander, Maj. Gen. Ignatius Patrimonio. Sinalubong ni Patrimonio si Romualdez, na binigyan ng arrival honors. Si Speaker Romualdez ay sinamahan ng ilang opisyal ng Kamara de…
Read MoreMGA LUMUBOG NA OIL TANKER POSIBLENG SANGKOT SA ‘PAIHI’ – TULFO
NAIS ni ACT-CIS Representative at Deputy Majority Floor Leader Erwin Tulfo na silipin din ng Department of Justice (DOJ) ang anggulo na ang mga lumubog na oil tanker noong kasagsagan ng Bagyong Carina at Habagat ay maaaring sangkot sa “paihi” ng langis. Maging si Justice Secretary Crispin Remulla ay naniniwala na magkakasama ang tatlong lumubog na barko sa isang ilegal na gawain. Ani Remulla, hindi aksidente kundi krimen ang nagawa ng mga nasabing kumpanya ng barko matapos itong makipagpulong sa mga opisyal ng Philippine Coast Guard. Ayon pa kay Cong.…
Read MoreCARLOS YULO ISANG ‘SPORTS HERO, NATIONAL TREASURE’ – ROMUALDEZ
PINURI ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang Pinoy gymnast na si Carlos Edriel Yulo na isa aniyang “sports hero” at “national treasure” sa kanyang natatanging ipinamalas na galing sa men’s final floor exercise kaya nakapag-uwi ng gintong medalya mula sa Paris Olympics 2024. Ayon kay Speaker Romualdez, ang makasaysayang tagumpay ni Yulo, na naghatid ng unang gintong Olympic medal sa Pilipinas sa larangan ng gymnastics at ikalawang gintong medalya ng Pilipinas sa Olympics ay isa umanong simbolo ng hindi natitinag na diwa at katatagan ng mga Pilipino. Bago tumulak…
Read More18-ANYOS HULI SA SHABU
SWAK sa selda ang isang 18-anyos na binatilyo makaraang makumpiskahan ng 11.5 gramo ng shabu sa buy-bust operation sa Tondo, Manila noong Sabado ng gabi. Ayon sa ulat, nagkasa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police District-Moriones Police Station 2, sa Juan Luna Street, malapit sa Chacon St., Tondo, Manila na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek na si alyas “Boss”, ng Barangay 102, Tondo, at nakumpiska ang umano’y shabu na tinatayang P78,200 ang halaga. Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic…
Read MoreSa illegal sale ng gamot na ‘di aprub ng FDA 2 DIALYSIS CENTER EMPLOYEES ARESTADO
ARESTADO ang dalawang empleyado ng dialysis center dahil sa pagbebenta umano ng mga gamot na hindi inaprubahan ng Food and Drug Administration. Ayon sa ulat ni National Bureau of Investigation Director Jaime Santiago, nakatanggap ang ahensya ng impormasyon na ginagamit ng dialysis center ang kemikal at ibinibenta ito sa iba pang dialysis centers. Agad nagpatupad ng operasyon ang NBI-NCR sa bisa ng search warrant at nadiskubre ang 50 kahon ng Diacid, isang hindi inaprubahang gamot na ginagamit sa dialysis para sa mga pasyenteng may sakit sa kidney. Nabatid mula kay…
Read MoreCONSTRUCTION WORKER ISINELDA SA IMPROVISED NA BARIL
BINITBIT ng mga awtoridad ang isang 29-anyos na construction worker makaraang makumpiskahan ng improvised na baril sa panulukan ng Rizal Avenue at Malabon St., Sta. Cruz, Manila noong Huwebes ng madaling araw. Kinilala ang suspek na si alyas “Wewe”, binata, residente ng Tondo, Manila. Base sa ulat ni Police Staff Sergeant Kenneth Relopez, na pinangasiwaan ni Police Lieutenant Colonel Leandro Gutierrez, station commander ng Sta. Cruz Police Station 3 ng Manila Police District, bandang alas-3:00 ng madaling araw nang mamataan ang suspek na may sukbit na baril. Bunsod nito, sinita…
Read More