GINAWARAN ng Asia’s Most Versatile and Promising TV Host on Agriculture, Reporter, Columnist and Vlogger of the year si Mer Layson na lalong kilala sa tawag na Magsasakang Reporter at dating Presidente ng Manila Police District Press Corps (MPDPC). Ang parangal ay ibinigay kay Layson sa isinagawang 9th Asia Pacific Luminaire Awards sa Ballroom Heritage Hotel, Pasay City, kahapon. Kinilala ng Asia Pacific Luminare ang malaking ambag ni Layson sa larangan ng Agrikultura hinggil sa pagpapalaganap ng Urban Gardening at Organic Farming sa bansa. Si Layson ang host ng Masaganang…
Read MoreCategory: METRO
P11-B COUNTERFEIT GOODS SINAMSAM NG CUSTOMS
TINATAYANG P11 bilyong halaga ng mga pekeng signatures products gaya ng Gucci, Chanel, Louis Vuitton, Nike, Rolex, Apple, Hermes, at Dior ang sinamsam ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC), sa pamamagitan ng Intellectual Property Rights Division (IPRD), sa isinagawang operasyon sa Binondo, Maynila kamakailan. Ayon sa BOC, ang mga may-ari ng nasamsam na mga produkto ay binigyan ng 15-araw upang magbigay ng patunay ng pagbabayad ng tamang custom duties, buwis at ebidensya ng lehitimong pag-aangkat nito, subalit lumipas ang itinakdang deadline noong Hunyo 28, 2024. Dahil dito, nag-isyu ng Warrant…
Read MoreJAIL GUARD, EX-PDL ARESTADO SA PAGPATAY SA MAG-INA
ARESTADO ang isang jail guard ng Bureau of Corrections (BuCor), at isang dating person deprived of liberty (PDL) dahil sa pagkakasangkot sa kidnapping and robbery incident sa Quezon City noong Hunyo, ayon sa ulat ng National Bureau of Investigation (NBI) nitong Biyernes. Iprinisenta ni NBI Director Jaime B. Santiago ang mga suspek na sina Corrections Officer 1 Pio Jonathan Aniero Eulalio at former PDL Raymond David Reyes. Sinabi ni Santiago, sina Eulalio at Reyes ay naaresto ng mga operatiba sa pangunguna ni NBI Homicide Division (NBI-HD) noong Hulyo 11 at…
Read MoreREP. NOGRALES PABOR BIGYAN NG SHORT COURSES K-12 GRADS
(JOEL O. AMONGO) PINABORAN ng kinatawan ng ikaapat na distrito ng Rizal ang mungkahi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bigyan ng short courses ang mga nagsipagtapos ng K to 12 upang mapalakas ang kanilang employability. Ayon kay House committee on labor and employment Chair Fidel Nograles, suportado niya ang anomang hakbang para matulungan ang mga graduate na agad makakuha agad ng trabaho. Matatandaang bigong matupad ang layunin ng K to 12 program na mapagbuti ang employability ng mga nagsipagtapos kaya ipinanukala ni Marcos na bigyan ang mga ito ng…
Read MoreRELIEF OPS NILARGA NI ROMUALDEZ, TINGOG SA ‘CARINA’ VICTIMS SA METRO MANILA
SA gitna ng pananalasa ng Bagyong Carina na nagpalakas sa habagat, naglunsad ang tanggapan ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez at Tingog Party-list ng relief operations upang tulungan ang libu-libong naapektuhan ng masamang panahon sa Metro Manila at mga karatig lugar. Pinangunahan nina Speaker Romualdez at Reps. Yedda K. Romualdez at Jude Acidre ng Tingog Party-list ang mga relief operation kung saan nasa 20,000 food packs ang target na unang maipamigay. Kinuha ang pondo sa Disaster Relief Funds ni Speaker Romualdez. “The government, under the leadership of President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos…
Read MoreACT-CIS NAGPAABOT NG TULONG SA MGA BINAHA
AGAD nagpaabot ng tulong ang ACT-CIS party-list sa mga naapektuhan ng pagbaha noong Miyerkoles matapos humupa ang ulan sa Metro Manila. Nagpahanda si Cong. Edvic Yap ng dalawang libong food packs para sa mga bakwit sa Quezon City at Marikina City. “Hindi lang makatawid ang mga trak namin noong kasagsagan ng ulan at baha dahil maraming kalsada ang sarado,” aniya. “Narinig kasi namin panawagan ng LGU na baka kulangin ang suplay nila ng pagkain dahil sa sobrang dami ng evacuees matapos umapaw ang Marikina River,” sabi pa ni Cong. Yap.…
Read MoreRPMD INILABAS TOP PERFORMING MAYORS, REPRESENTATIVES SA NCR
INILABAS ng RPMD Foundation Inc. (RPMD) ang kanilang malayang pagtatasa sa pagganap ng mga alkalde sa National Capital Region para sa ikalawang kwarter ng 2024 sa ilalim ng inisyatibong “Boses ng Bayan.” Binigyang-diin sa pagsusuring ito ang limang mayor na nagpakita ng natatanging pamumuno at pamamahala, kung saan sila’y mataas na niraranggo ng kanilang mga nasasakupan. Nanguna sa listahan si Mayor Joy Belmonte ng Quezon City na may 90.5%, sinundan ni Mayor Jeannie Sandoval ng Malabon na may 90.3%, Mayor John Rey Tiangco ng Navotas na may 90.1%, Mayor Eric…
Read MorePinalubog ng Bagyong Carina STATE OF CALAMITY SA METRO MANILA
(JESSE KABEL RUIZ) ISINAILALIM na sa state of calamity ang buong Kamaynilaan dahil sa pinsalang dulot ng Bagyong Carina at Habagat. Nauna rito, inirekomenda ng Department of the Interior and Local Government (DILG) kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isailalim ang buong Metro Manila sa state of calamity dahil sa malawak na epekto ng mga pag-ulan at pagbaha. Sa situation briefing kahapon na pinangunahan ni Marcos kasama ang mga miyembro ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa Headquarters ng konseho sa Camp Emilio Aguinaldo, Quezon City, inihain…
Read MoreP5K CHALK ALLOWANCE IBIBIGAY SA MGA GURO SA LUNES
TINIYAK ni Education Secretary Sonny Angara na ipalalabas ang P5,000 “chalk allowance” para sa mga guro kasabay ng pagbubukas ng klase sa Hulyo 29, Lunes. “Pagkabukas ng klase, may allowance na si teacher para iyong pangangailangan, iyong pagkukulang doon sa kanyang classroom, pwede niyang punan o dagdagan,” aniya pa rin. Sinabi pa nito na ang cash allowance ay tax-free. Madaragdagan pa aniya ito at magiging P10,000 sa susunod na taon. Nauna rito, ganap nang batas ang panukalang magtataas sa P10,000 teaching allowance ng mga guro sa pampublikong paaralan sa buong…
Read More