NAMATAY noon din ang isang tricycle driver makaraang baunan ng bala sa ulo sa Block 7, Old Site, Baseco Compound, Port Area, Manila noong Lunes ng madaling araw. Kinilala ang biktimang si alyas “Brandon”, nasa hustong gulang at nanunuluyan sa Quiapo, Manila. Mabilis namang nakatakas ang suspek na nakasuot ng ng itim na jacket, t-shirt, pantalon at cap. Ayon kay Police Lieutenant Colonel Emmanuel Gomez, commander ng Manila Police District – Baseco Police Station 13, may “person of interest” na sila sa krimen habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.…
Read MoreCategory: METRO
AFP JOINT TASK FORCE NCR, NAGHAHANDA NA SA SONA NI PBBM
KINUMPIRMA ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines na nagsasagawa na sila ng paghahanda para matiyak ang seguridad at peace and order para sa gaganaping ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Hulyo 22, 2024. Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, bahagi ang AFP ng task force na nangangasiwa sa kapayapaan at seguridad ng ikatlong SONA ng pangulo. Katunayan ay kasama ang AFP sa inilalatag na security preparation mula sa planning hanggang sa execution nito, na pangungunahan ng Philippine National Police,…
Read More3 CHINESE NATIONALS HULI SA KALAHATING KILO NG SHABU
ARESTADO ang tatlong Chinese nationals makaraang mahulihan ng tinatayang kalahating kilo ng umano’ty shabu na nagkakahalaga ng P3,400,000, sa inilatag na anti-narcotics operation ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Shanghai Building, Brgy. Balibago, Angeles City noong Lunes, Hulyo 1, 2024. Ayon sa ulat na isinumite sa tanggapan ni PDEA Director General Moro Virgilio Lazo, isang sting operation ang ikinasa ang kanyang mga tauhan mula PDEA Region 3 Office, sa Barangay Balibago sa Angeles City. Ayon sa PDEA Region 3 report nitong Martes, isinagawa ang buy-bust operation dakong alas-10:50 ng gabi…
Read More83 MOBILE CLINICS IPINAMAHAGI SA CENTRAL LUZON
PINAGKALOOBAN ng 83 bago at modernong mobile clinics ang pitong lalawigan sa Central Luzon, partikular na sa remote areas nito na bahagi ng pangako ni First Lady Liza Araneta-Marcos na higit pang ilalapit ang health care system sa mamamayan. Ang distribusyon ng mobile clinics ay bahagi ng collaborative effort sa pagitan ng Unang Ginang at ng Department of Health (DOH) at sa pakikipagtulungan na rin sa Department of Local Government Unit, Philippine Charity Sweepstakes Office at Act Agri-Kaagapay Organization. Ang inisyatiba ay nasa ilalim ng “Libreng Laboratoryo, Konsulta, at Gamot…
Read MoreNAVAL RESERVE FORCES MAS PINALAKAS NG AFP
MAS pinalalakas ngayon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang naval reserve force sa pagpapaigting ng territorial defense ng bansa sa gitna ng security development sa rehiyon. Ito ang pahayag ni AFP chief General Romeo Brawner Jr. nang pangunahan ang pagtatapos ng pinakabagong batch ng Basic Citizen Military Course Class 08-24 at 09-24 finishers sa Baguio Country Club . Umabot sa 84 bagong graduates ang madaragdag sa Naval reserve force matapos na matagumpay na pagkumpleto sa training program. “Maganda naman ang nangyaring graduation because now we have 84…
Read MoreMAYOR BASTE, EX PRRD INIWAN MGA KABABAYAN HABANG BINABAHA DAVAO
NAGTUNGO sa Tacloban City ang mag-amang Rodrigo at Davao Mayor Sebastian Duterte na tila nangangampanya habang binabaha ang Davao City noong Linggo. Bunsod nito ay plano ng Department of Interior and Local Government (DILG) na pagpaliwanagin si “Baste” kung bakit wala ito sa kanyang nasasakupan o pwesto habang binabaha ang kanyang mga kababayan. Paalala ng DILG, nakasaad sa Local Government Code na ang local chief executive ay dapat nasa kanyang area of responsibility para matiyak ang kaligtasan ng kanyang constituents sa panahon ng kalamidad. Rumagasa ang flashflood sa Toril, Davao…
Read MoreCYBERCRIMES CASES SA PILIPINAS TUMAAS
LUMOBO ng 21.84% porsyento ang naitalang cybercrimes sa bansa sa unang quarter ng 2024, na mas mataas kumpara sa parehong panahon noong 2023, ayon sa Philippine National Police (PNP). Lumabas sa datos na nakapagtala ang PNP Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) ng 21.84% na pagtaas ng cybercrime cases sa bansa, na pinangungunahan ng online selling scams, credit card fraud at investment scams. Ayon kay PNP chief, Gen. Rommel Francisco Marbil, ipinag-utos niya na paigtingin ng Pambansang Pulisya ang kampanya laban sa cybercrimes at maglalaan ng mas maraming resources upang mas mapalakas ang…
Read MoreSENIOR CITIZEN INARESTO SA ILLEGAL RECRUITMENT
SINILBIHAN ng warrant of arrest ng mga tauhan ng District Special Operation Unit (DSOU) ng Manila Police District sa loob ng custodial facility ng DSOU sa United Nations Avenue, Ermita, Manila ang isang 68-anyos na senior citizen dahil sa kasong 16 counts ng estafa at illegal recruitment noong Linggo ng gabi. Kinilala ang suspek na si alyas “Dory”, 68, may asawa, at residente ng Gil Puyat Avenue, Pasay City. Ayon sa ulat ni Police Senior Master Sergeant Mark Lester Ong, na pinangasiwaan ni Police Lieutenant Colonel Marlon Mallorca, hepe ng…
Read MoreNOGRALES: 3M TRABAHO SA PINOY KAYA NG ADMIN
NANINIWALA si Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles na maaabot ng administrasyong Marcos ang layuning makalikha ng tatlong milyong trabaho hanggang 2028. “I believe that the target of 3 million by the end of Pres. Marcos’ term is achievable. Kami sa Kamara ay patuloy na makikipagtulungan sa administrasyon para mapatotoo ang adhikaing ito at nang mas marami pa sa kababayan natin ang magkaroon ng marangal na pamumuhay,” ani Nograles. Makikita aniya sa pagtaas ng bilang ng may trabaho na kayang maabot ang target ng administrasyong Marcos. Kaugnay nito, umapela si…
Read More