TINIYAK kahapon ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na tuluy-tuloy ang isinasagawa nilang paglilinis sa hanay ng kanilang mga Internet Gaming Licensees (IGLs), na dating kilala sa tawag na POGOS, upang masugpo ang mga iregularidad at criminal activities. Ayon kay PAGCOR Chairman at CEO Alejandro Tengco, mula sa orihinal na 46 kumpanya, na nabigyan ng lisensya sa ilalim ng kanyang administrasyon noong nakaraang taon, ay naging 42 na lamang ang aktibong licensees sa ngayon matapos kanselahin ang lisensiya ng isa pa noong nakaraang linggo, at suspindehin naman ang tatlong…
Read MoreCategory: METRO
MAHIHIRAP NA PWDs, ESTUDYANTE SA LEYTE HINATIRAN NG AYUDA
DINALA sa Leyte ang dalawang programa ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez para bigyan ng tig-P5,000 halaga ng financial assistance at bigas ang 8,000 benepisyaryo. Pinangunahan ni Speaker Romualdez, kinatawan ng Leyte, ang distribusyon ng tulong mula sa Cash and Rice Distribution (CARD) Program at Integrated Scholarship and Incentives for the Youth (ISIP for the Youth) Program sa magkahiwalay na event sa Leyte. “Tuloy-tuloy po ang ating tulong sa mga kababayan nating nangangailangan ng ayuda mula sa vulnerable sectors at sa ating mga college students. Kayo po ang ibinilin ng ating…
Read MoreFUN RUN FOR TATAY
Libu-libong Las Piñeros ang sumali sa unang Fun “Farm” Run with Group Sing and Dance Competition, ngayong Linggo, June 30 sa Villar Children’s Farm sa Bacoor City. Ang kaganapan ay isang post Father’s Day celebration na inorganisa ng Villar Foundation sa pangunguna ni Senator Cynthia Villar kasama ang anak na si Deputy speaker Camille Villar. Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Senador Villar ang tungkulin ng mga ama bilang mga haligi ng tahanan na araw-araw nagsusumikap upang matiyak na ang pamilya ay may magandang kinabukasan, lalo na ang mga anak. (DANNY…
Read MoreKASOSYO NI MAYOR GUO SA POGO, PATULOY NA TINUTUGIS
TULOY-TULOY pa rin ang paghahanap ng mga tauhan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG), katuwang ang Presidential Anti-Organized Crime Commission, sa sinasabing “big boss” ng sinalakay na POGO hub sa Porac, Pampanga at hinihinalang kasosyo ni Bamban, Tarlac suspended Mayor Alice Guo. Ayon kay PNP-CIDG Director PMGen. Leo Francisco, kabilang ang Chinese na “big boss” sa sinalakay POGO hub sa Porac, Pampanga, sa kanilang hinahanap kaya pinasok nila ang Fontana Leisure Park sa Mabalacat, Pampanga kamakalawa ng gabi. Ipinahayag ni Gen. Francisco, may natanggap silang impormasyon na…
Read More4 SA 10 NAPATAY NA CPP-NPA, HIGH RANKING OFFICIALS
NAKUMPIRMA ng AFP-Northern Luzon Command na apat sa sampung kasapi ng communist terrorist group na napaslang ng mga tauhan ng 84th Infantry (Victorious) Battalion, Philippine Army, ay nabatid na pawang high ranking officers ng CPP-New People’s Army, matapos makilala ang pito sa mga rebelde sa Brgy. Malbang, Pantabangan, Nueva Ecija noong Miyerkoles. Base sa report ng 703rd Infantry (Agila) Brigade, kinilala ang mga napatay, kinabibilangan ng matataas na mga opisyal sa ilalim ng grupong Komiteng Rehiyong Gitnang Luzon, na sina Hilario Guiuo alias “Berting”, Acting Secretary of KRGL, at Commander,…
Read MoreHOMICIDE SUSPECT SA BINONDO, NABITAG SA OBANDO
NADAKIP sa Obando, Bulacan noong Martes ng gabi ng mga tauhan ng Intelligence Unit ng Manila Police District-Meisic Police Station 11, sa ikinasang “Oplan Pagtugis”, ang 44-anyos na tricycle driver na suspek sa kasong homicide sa Binondo, Manila. Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, station commander, ang suspek na si alyas “Banhil”, 44, binata, residente ng Peñarubia Street, Binondo, Manila. Inaresto ang suspek dakong alas-7:00 ng gabi sa nabanggit na lugar, makaraan ang 25 taong pagtatago gamit ang iba’t ibang pangalan, sa bisa ng warrant of arrest na inilabas…
Read MoreUS AMBASSADOR NAGBABALA SA CHINA
TINAWAGAN ng pansin ni United States Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson ang China na lumolobo na ang bilang ng mga bansa na nanawagan na sumunod ang China sa umiiral international laws. “The chorus against threats to peace and stability in the South China Sea is growing louder and stronger each day,” ani Carlson. Umapela ang US Envoy sa China na tigilan na ang pangha-harass sa Philippine vessels na legal na nag-ooperate sa West Philippine Sea (WPS). Direktang nanawagan si Carlson sa Beijing sa gitna ng bagong salpukan sa pagitan…
Read MoreREP. TULFO: KULONG, PERPETUAL DQ SA NAMIMILI NG BIBIGYAN NG AYUDA
NAGHAIN ng panukalang batas si House Deputy Majority Leader at ACT-CIS partylist Rep. Erwin Tulfo nitong Huwebes na naglalayon maipakulong at maparusahan ng perpetual disqualification ang mga opisyal ng pamahalaan na namimili sa pagbibigay ng tulong sa kanilang mga nasasakupan. Ang House Bill, “An Act Penalizing Selective, Discretionary, and Discriminatory Acts in the Delivery of Cash, Livelihood, or Relief Assistance Programs of Local Government Units (LGUs)” ay magpapataw ng parusang pagkakakulong ng anim na buwan hanggang isang taon at perpetual disqualification sa mga public official. “Lagi nating naririnig ang problema…
Read MorePNP-MARITIME GROUP TUTULONG ANTI-NARCOTICS COASTAL WATCH
NAKAHANDANG tumulong ang Philippine National Police Maritime Group sa pagbabantay sa mga dalampasigan bunsod ng naitalang paggamit sa coastal areas sa pagpupuslit ng ilegal na droga papasok ng bansa. Bukod pa sa nakitang mga droga na palutang-lutang sa dagat na posibleng ibinagsak o sadyang inabandona gaya ng 42 kilo ng shabu na nakitang palutang-lutang sa dagat sakop ng lalawigan ng Ilocos Sur, na tinatayang nagkakahalaga ng P280 million. Ayon sa PNP Maritime Police Regional Office 1, tutulong sila sa paggalugad sa coastal waters ng Ilocos Sur, kasunod ng pagsamsam sa…
Read More