SOUTH KOREAN ARESTADO SA FINANCIAL FRAUD

INARESTO ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) ang isang South Korean na wanted sa mga awtoridad sa Seoul, dahil sa pagkakasanggkot sa financial fraud. Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang suspek na si You Hyun Tea, na nakorner sa Cordova, Cebu ng mga operatiba ng BI Fugitive Search Unit (FSU). Sinabi pa ni Tansingco, si You ay pababalikin sa South Korea bilang kautusan sa summary deportation na inisyu ng BI Board of Commissioners noong 2021. “He was arrested on the strength of a deportation warrant that was…

Read More

TRAFFIC ENFORCER NATAGPUANG PATAY SA VAN

PATAY na nang matagpuan ang isang MMDA traffic enforcer sa loob ng isang sasakyan sa panulukan ng Ramon Magsaysay Boulevard at Pureza Street, Sampaloc Manila nitong Biyernes ng umaga Kinilala ang biktimang si Redentor Galura, tinatayang 50 hanggang 60- anyos at residente ng Tondo, Manila. Ayon sa salaysay ng isang Ricky Cureg, isang MMDA traffic Enforcer, bandang alas-8:45 ng umaga nang madiskubreng patay ang biktima sa loob ng puting Hyudai van. Agad namang nagresponde sina Police Corporal Subido at Patrolman Sumer para imbestigahan ang insidente. Inaalam pa ng mga awtoridad…

Read More

SANTIAGO BAGONG NBI DIRECTOR

Bilang na ang mga araw ng notoryus sa bansa matapos hirangin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang tinaguriang “sharpshooter” ng Manila Police District (MPD) na si Jaime “Jimmy” Santiago. Si Santiago, pasok sa NBI bilang bagong director kapalit ni director Medardo de Lemos na “out” sa posisyon. Siya ay nanumpa sa harap ni Executive Secretary Lucas Bersamin. Nagtapos si Santiago sa abogasya sa Manuel Luis Quezon University (MLQU) noong 1993 habang nagsilbi itong kagawad ng pulisya. Tinagurian itong “sharpshooter” noong 1979 nang pumasok sa MPD. Bago naging judge si Santiago…

Read More

Apela ni DPWH Usec Sadain sa Kamara PONDO SA INFRA PROJECTS ILABAS NA

HINIKAYAT ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang Kongreso na gawing prayoridad ang paglalabas ng pondo para sa konstruksiyon ng malalaking ticket infrastructure projects upang matiyak ang agarang implementasyon ng mga programa at proyekto para sa mas mabilis na economic development nationwide. Ayon kay DPWH Senior Undersecretary Emil K. Sadain, ang infrastructure development ay isa sa priority areas ng administrasyong Marcos at nangakong ipatutupad ang mga significant at vital infrastructure projects, gaya ng konstruksiyon ng mga bagong kalsada, paaralan, at pagamutan, at proteksyon at pagsusulong ng kapakanan ng…

Read More

P10-P15 BAWAS PRESYO SA BIGAS ABOT-KAMAY NA

MALAPIT nang maisakatuparan ang bawas-presyo sa bigas ng mula P10 hanggang P15 sa merkado na sa kasalukuyan ay umaabot na sa P55 kada kilo. Ito ay matapos magkasundo ang liderato ang liderato ng dalawang kapulungan ng Kongreso na iprayoridad ang pag-amyenda sa Rice Tariffication Law upang mapababa ang presyo ng bigas. Nagbigay-ulat si House Speaker Martin Romualdez matapos ang kanilang unang pulong ng bagong presidente ng Senado na si Sen. Francis “Chiz” Escudero kahapon sa Agudo residence sa Malacanang. “Amending the Rice Tariffication Law is a crucial step towards ensuring…

Read More

NICA PASOK NA RIN SA IMBESTIGASYON NG CHINA ‘TROJAN HORSE’

MAKIKIALAM na rin ang National Intelligence Coordinating Agency (NICA) para imbestigahan ang kontrobersyal na Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) na posibleng ” Trojan Horse” ng bansang China para maniktik sa mga pasilidad ng ating gobyerno. Kasunod ito ng inisyal na impormasyon ni NICA Director Ricardo de Leon na isa sa mga kagamitang nakumpiska sa POGO sa Brgy. Tambo sa Parañaque City kamakalawa ng gabi ay mga pasilidad sa komunikasyon na may mga dayuhang karakter. Posible umanong Trojan Horse ng China na tumutukoy sa Greek Mythology na humantong sa pagbagsak ni…

Read More

LGUs DAPAT MANAGOT SA ‘SCAM FARMS’

NAGPASAKLOLO na ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa local government units (LGUs) sa kanilang kampanya laban sa illegal POGOs, na tinawag nitong “scam farms.” Hindi rin umano maaaring maghugas-kamay at ikatwiran ng mga alkalde na hindi nila alam ang operasyon ng POGO sa kanilang lugar. “No self-respecting local chief executive can tell himself or herself that they didn’t know they were doing this or that. You cannot give me the argument that ‘I canceled their permit, I didn’t renew their permit’. We would like to call on all local…

Read More

CONTINENTAL GAS CUP 2024 MAGSISIMULA NA SA JUNE 15

PARA mapalakas at mahasa ang mga kabataan sa sports, muling bubuksan ang Continental Gas Cup 2024 basketball tournament sa darating na Sabado (June 15). Ang opening ceremony ay magsisimula ng alas-12:00 ng tanghali sa Rockville 1 Subdivision covered court, Barangay San Bartolome, Quezon City at dadaluhan ng actress at dating miyembro ng Viva Hot Babes na si Maui Taylor at social media influencer na si boss Toyo. Ayon sa ulat, ito na ang pinakamalaking liga sa Barangay San Bartolome na inorganisa nina Commissioner Ana Leah Francisco-Castro at Assistant Commissioner Jon…

Read More

3 OFWs HINARANG SA NAIA SA TAMPERED VISAS

PINIGIL ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong Overseas Filipino workers (OFWs) na makalabas ng bansa dahil sa tampered na visa. Ayon sa ulat kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, sinabi ng BI Immigration Protection and Border Enforcement Section (I-PROBES), ang tatlong OFW ay hinarang sa NAIA Terminal 3 bago pa man sila makasakay ng Cebu Pacific Airlines flight patungong Dubai. Sinabi ng mga biktima sa I-PROBES personnel, may alok sa kanila sa Dubai na magtrabaho bilang cleaners at nagpakita pa ng employment documents. Ngunit nang inspeksyon, nakumpirma na ang kanilang…

Read More