MULING nagsagawa ng Multilateral Maritime Cooperative Activity ang Armed Forces of the Philippines kasama ang United States, Japan at Canada, isang araw bago naganap ang pagbangga ng barko ng China Coast Guard sa isang resupply ship ng Philippine Navy. Sa inilabas na pahayag ni Col. Xerxes Trinidad, ang AFP Public Information Office chief, ang Hukbong Sandatahan sa pamamagitan ng Philippine Navy at pakikipag-ugnayan sa U.S. Navy, Japan Maritime Self-Defense Force, at Royal Canadian Navy, ay nagsagawa ng 2nd multilateral maritime cooperative activity sa West Philippine in the West Philippine Sea…
Read MoreCategory: METRO
ISSUANCE NG RETIREMENT, INVESTOR’S VISA PINASISIYASAT SA PAGDAGSA NG CHINESE SA PINAS
MAGHAHAIN ngayong Martes (Hunyo 18) si House Deputy Majority Leader at ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo ng resolusyon para paimbestigahan sa Kongreso ang pag-isyu ng Special Resident Retiree’s Visas (SRRV), Special Investor’s Resident Visa (SIRV), at ang late registration of birth na siya umanong posibleng ginagamit sa pagdagsa ng Chinese nationals sa Pilipinas. “Nakababahala ang patuloy na pagdagsa ng mga Chinese nationals sa ating bansa at ang mas nakababahala ay kung paano sila nakapasok sa atin? Ano ang mga pinanghahawakan nilang dokumento bakit sila nakapagtrabaho ng legal sa ating bansa,”…
Read MoreMANGINGISDA SA WPS PINAPOPROTEKTAHAN
MULING nanawagan si House Speaker Martin Romualdez sa Philippine Navy at Philippine Coast Guard na siguruhin ang seguridad at kalayaang mangisda sa West Philippine Sea ng Filipino fishermen. Ginawa ng lider ng Kongreso ang panawagan sa Navy at Coast Guard noong Sabado matapos sabihin ng China na huhulihin na nila ang papasok sa kanilang teritoryo simula Hunyo 15. Ayon kay Speaker Romualdez, “gawin sana ng ating Navy at Coast Guard ang lahat to make sure na walang mangingisda natin ang mahuhuli nila sa mismong teritoryo natin.” Inaangkin ng China ang…
Read More60 KABAHAYAN SA TONDO, NATUPOK
TINATAYANG umabot sa 60 kabahayan ang natupok habang 180 indibidwal ang nawalan ng tirahan sa nangyaring sunog sa Coral at Juan Luna Streets, Tondo, Manila noong Linggo ng gabi. Ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), sumiklab ang sunog bandang alas-10:30 ng gabi sa mga kabahayan na yari sa light materials. Ayon kay Fire Inspector Lim, ground commander, dakong alas-1:52 ng madaling araw nitong Lunes nang ideklarang fire-out ang nasabing sunog. Nabatid mula kay Fire Officer III Cabase ng Arson Division, nagsimula ang sunog sa isang eskinita sa…
Read More7 CHINESE CREW KINASUHAN SA ILEGAL NA PAGPASOK SA PH
SINAMPAHAN ng mga kaso dahil sa umano’y paglabag sa mga batas sa imigrasyon ng Pilipinas at pagsuway sa mga awtoridad, ang pitong Chinese crew ng isang dayuhang barko na pinigil ng mga awtoridad sa baybayin ng San Felipe, Zambales, eksaktong isang buwan ang nakalipas, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) Naghain ang PCG ng kaso sa paglabag sa Commonwealth Act 613 o ang Philippine Immigration Law, laban sa crew ng M/T Hyperline 988 dahil sa pagkakaroon ng access sa katubigan ng Pilipinas sa paraan ng mapanlinlang na representasyon at pagtatago…
Read MorePOGO ISLAND SA CAVITE NEXT TARGET NG PAOCC
MAHIGPIT na sinusubaybayan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang mahigit 50 Philippine Offshore Gaming Operations site sa iba’t ibang panig ng Pilipinas kabilang na ang Multinational Village sa Parañaque at dating Island Cove Resort sa Cavite. Naging sentro kasi ng reklamo ang POGO island sa Cavite at ang Multinational Village mula sa kalapit na komunidad at residente ng barangay dahil ang mga lugar ay pinamumugaran na umano ng Chinese nationals, mga pinaghihinalaang ‘sleeper agents’ ng People’s Liberation Army (PLA) ng Tsina. “Nasa 58 na iba’t ibang klase ng online…
Read More2 TIMBOG SA BOOKIES
ARESTADO sa mga tauhan ng Barbosa Police Station 14 ng Manila Police District, ang dalawang indibidwal sa kasong operasyon ng bookies sa San Agustin Street, Barangay 540, Sampaloc, Manila noong Biyernes gabi. Kinilala ang mga arestado na sina alyas “Jaydee”, dalaga ng Navotas City, at “John Louie”, 37, tricycle driver, ng Quezon City. Ang isa sa mga suspek ay staff ng bookies habang ang isa ay mananaya. Nakumpiska mula sa mga ito ang P400 halaga ng taya, isang Dividendazo “Programa”, betting list, ballpen, at isang bundle ng blank betting tickets.…
Read MoreWANTED SA RECKLESS IMPRUDENCE NABITAG
NADAKIP ng mga awtoridad ang isang suspek sa kasong reckless imprudence resulting in homicide sa Tondo, Manila noong Martes ng hapon. Kinilala ang suspek na si alyas “John-John”, residente ng Navotas City. Ayon sa ulat ng Warrant and Intelligence Section ng Manila Police District, bandang alas-5:40 ng hapon nang madakip ang suspek sa nabanggit na lugar. Natunton ang kinaroroonan ng suspek ayon sa tip ng isang mapagkakatiwalaang impormante. Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Sharwin Peter Polayan, ng Regional Trial Court ng…
Read MoreAFP ‘DI MAGPAPATINAG SA ANTI-TRESPASSING RULE NG CHINA SA WPS
HINDI magpapatinag ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagtupad sa kanilang mandato sa gitna ng bantang pagpapairal ngayon ng Anti-Trespassing rule ng China sa kanilang nasasakupan kasama ang pinag-aagawang mga teritoryo na saklaw ng West Philippine. Ang nasabing bagong regulasyon ng China na nagbibigay ng kapangyarihan sa kanilang coast guard na hulihin at idetine ang sinomang mahuhuling nanghihimasok sa kanilang teritoryo, ay saklaw umano ng kanilang imaginary 10 dash line. Tiniyak kahapon ni AFP chief of Staff General Romeo Brawner Jr., na may mga paghahanda silang ginawa kasama…
Read More