DINALA ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) si Shiela Guo, kapatid ng pinatalsik na Bamban, Tarlac Mayor na si Alice Guo o Guo Hua Ping patungo sa Senate Custodial facility kung saan siya pansamantalang mananatili.
Si Shiela Guo kasama si Cassandra Li Ong ay nahaharap sa contempt citation ng Senado matapos balewalain ang subpoena sa isinasagawang imbestigasyon ng Senate committee on women sa pamumuno ni Senador Risa Hontiveros.
Kapwa ikinulong ang dalawa sa ipinagawang kuwarto na babantayan ng ilang Senate police. Ngunit kahapon ay inilipat si Ong sa Kamara at inaasahang dadalo rin sa hiwalay na imbestigasyon doon ng binuong Quad Comm. (DANNY BACOLOD)
165